Goodbye

59 2 0
                                    

Chapter 25: Goodbye

Yuna

Pumasok ako sa School. Nakita ko siyang naka-upo sa seat ko. Lumapit ako at tumayo siya. "Nandito ka na pala."

"Bakit nandito ka?"

Ngumiti siya. "I want to apologize for yesterday." Sabi niya.

"It's ok."

"Can we talk?"

"May klase ako. Pasensya na."

"Yuna, kailangan nating mag-usap." Seryoso niyang sabi.

"Mamaya, sumama ka sa'kin."

.

Uwian na. Nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot. "Lia, Maxine, gusto ko rin sana kayong sumama." Sbai niya.

"Talaga? Saan tayo pupunta?" Tanong ni Lia.

Sumakay kami sa kotse niya. Tumigil kami sa isang restaurant. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Wow."

Pumasok kami at humanap ng mauupuan. Nang maka-upo kami, tumingin muli ako kay Mr. Kim na nakatitig sa'kin. "Ano ba?"

"Girls, I'm leaving."

Aalis na siya.

"Kailan?" Tanong ko. "Naku, mamimiss talaga kita Mr. Kim." Sabi ni Lia.

"Next week, Yuna. Galit ka ba?"

"Hindi." Ngumiti ako kahit napipilitan lang. Ayoko naman talaga siyang umalis, pero sino ako para pigilan siya? "Masaya nga ako para sa'yo. Basta, gagalingan mo."

"Of course, my love." Sagot niya.

"Lia, dapat pagdating ko, hinsi kana pasaway." Biro niya.

Nagtatawanan silang tatlo. Habang ako, hindi maisip kung pa'no ba. Mahirap kayang malayo kayo sa isa't isa.

"Yuna, I'll be back. I promise to call you evrytime I'm available. Trust me, ok? Gusto ko, maging masaya kayo. I want to see you all graduating."

Tumango ako. "Baka hindi makagraduate si Lia, Mr. Kim." Sabi ni Maxine.

Tumawa naman ako. "Grabi ka." Hinawakan ni Mr. Kim ang kamay ko at hinaplos ito. At bumulong siya. "I love you."

"I love you too." Sagot ko.

"Rinig na rinig eh." Wika ni Lia.

Napangiti kami pareho.

.

Sa bahay

"Mama!" Sigaw ko habang umiiyak sa kwarto ko. Sino ba naman ang hindi iiyak eh aalis ang boyfriend mo nang napakatagal na panahon.

Biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si Mama na may dalang sandok at si Yurem na hingal na hingal.

"Anong nangyari?!" Tanong ni Mama.

"Mama." Tawag ko sa kan'ya.

Lumapit siya at niyakap ako. "Bakit, anak?"

"Nagbreak na kayo 'no?" Epal ni Yurem.

"Aalis na siya." Sabi ko.

Kumalas si Mama at pinalo ako sa braso. "Akala ko naman kung ano! Anak, kailangan niynag umalis. Yang boyfriend mo, may pangarap pa sa buhay. Tyaka apat na taon lang naman."

"Apat? Naku, makakahanap pa yun ng iba. Andaming magaganda dun, at siguradong marami ang magkakagusto sa kan'ya kasi gwapo siya." Sabat naman ni Yurem.

"Buysit kang epal ka! Sasampalin kita!" Binato ko siya ng tsinelas at tumakbo palabas.

"Bakit kasi ngayon pa."

"Bumaba ka na nga. Kanina pa siya naghihintay sa'yo sa baba."

"Ano?! Nandito siya?!"

Tumango si Mama. "Mama, naman!" Tumawa siya. "Mag-ayos ka na nga. Inimbita ko siya. Kasi sabi ko, mamamatay ka na sa kaiisip sa kan'ya."

"Mama talaga." Ngumiti ako at tumayo sa kama ko.

.

"Bakit ka ba sumigaw kanina?" Tanong niya.

Tumingin naman ako kay Mama na natatawa.
"Wala, may gagamba lang sa kwarto."

"Yuna, aren't you happy to see him?" Tanong ni Mama.

"Happy. Kaya lang, nakakahiya. Pumunta ka pa talaga dito." Sabi ko.

"Ano naman ang masama? Boyfriend mo naman ako." Confident niyang sabi.

"Oo nga naman, anak." Umupo siya sa tabi ko at binigay ang juice kay Mr. Kim. "Oo nga pala, kailan ang alis mo, Ra Don?"

"Bukas na po." Wika niya.

"Ano?! Kaya naman pala mamatay na 'tonganak ko sa kaiiyak."

"Mama!" Binuking na ako. Tumawa si Mr. Kim

Hinaplos niya ang buhok ko. "Kaya niya. Nangako siya sa'king mag-aaral siya ng mabuti at magpapakabait." Sabi niya.

"Aray! Bakit andaming langgam dito?" Sabat ni Yurem.

"Epal ka." Sabi ko.

"Yurem, gwapo ka pala." Sabi niya sa kapatid ko.

Tumawa ako ng malakas. "Ano? Saang parte siya gwapo? Baka, namalikmata ka lang." Sabi ko.

"Ang kapal mo! Ikaw nga diyan eh, kumain ng kulangot noong kinder." Buysit.

"Buysit ka!" Binato ko sa kan'ya ang kutsara.
"Ang ingay mo!"

Niyakap ako ni Mr. Kim. "Ano ka ba? Huminahon ka nga." Sabi niya. "Nakakahiya! Pinahiya mo ako, epal!"

"Yuna, tama na yan." Tumigil ako. "Tanggap kita kahit kinain mo pa kulangot mo noong kinder ka." Sabay tawa nilang lahat.

Tinulak ko siya. "Isa ka pa." Inirapan ko sila at tumayo.

"Babe!" Tawag sa'kin ni Mr. Kim.

.

Yuna

Nasa labas ako ng bahay at naghihintay sa kan'yang pagdating. Tumawag siya at sinabing dadaan siya bago umalis kaya ito, timang na ako kakahintay.

Dumating siya kasama ang pamilya niya. Lumabas sila sa kotse. Lumapit naman ako at niyakap si Mr. Kim. "Kumusta?" Tanong niya.

"Ok naman."

"Ow, you must be Yuna?" Tawag sa'kin ng Mama niya. Ngumiti naman ako at niyakap din siya. "Ako nga po."

"Ikaw pala ang kinababaliwan nitong dalawa kong boys. Maganda ka nga, ija."

Ngumiti ako at tumingin ulit kay Ra Don.
Hinawakan niya ako sa bewang. "So, alam kong hindi ka na makakasama sa airport kaya pinuntahan na kita."

Humarap siya sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko. "Yuna, ilang beses ko nang sinabi. Mag-iingat ka, kumain ka, magpakabait ka, at-"

"Oo na, Mr. Kim." Sagot ko.

"Huwag kang maghahanap diyan ng iba, ha? Mamaya." Tumawa ako. "Hindi."

"So, call?"

Kumalas ako at hinawakan ang mga pisnge niya. "I will miss you." Sabi ko.

Lumapit siya at hinalikan ang noo ko.
"I just love you."

"Ganyan din kami ng dadsy mo dati eh." Sabi ni Mama niya.

Pumasok na siya sa kotse. Ngumit ako sa huling pagkakataon. "Good bye."




Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon