Bulaklak

2 0 0
                                    

Pag-ibig ko sayo ay walang katumbas na ligaya,
Sa mga araw na nagdaan na ikaw ang kasama,
Walang mga alinlangay kapag ngiti mo'y aking natatanaw,
Katulad ng bulaklak na sayo'y aking iaalay.

Mahal kayanin natin ha,
Mga balakid ay malalampasan pa,
Hanggat kapit kamay parin tayong dalawa,
Walang makakatibag at samaha'y tatatag pa.

Katulad ng bulaklak na kay tamis ng katas,
Bangong humahalimuyak na walang katumbas,
Saya'y walang mapaglagyan dahil ating anak ay malapit ng isilang,
Unti-unti nang natupad aking mga kahilingan.

Walang ng mahihiling pa,
Makita lang kayo'y masaya,
Kay gaan sa dibdib sa labis na kagalakan,
Mahal ko't anak ko kayo'y aking mga kayamanan.

Random Stories: One Shot & Spoken PoetryWhere stories live. Discover now