KABANATA IV:BASBAS PARA SA MGA MORTAL

214 2 0
                                    

TAGATAY HEIGHTS

Maagang nagising ang mga Hara agad silang dumeretso sa kusina upang maghanda ng almusal para sa lahat ilang sandali lang ang lumipas ay bumaba na rin ang mga Rama at dumeretso na rin sa kusina upang tulungan ang kanilang mga asawa.

Habang naghahanda sila ng agahan ay may narinig silang mga yapak na may paparating sa kanilang kinaroroonan at paglingon nila ay si Terintina lang pala kasama si Jona.

TERINTINA:Sino kayo paano kayo nakakapasok dito sa loob?

JONA:Oo nga siguro umakyat kayo sa pader ano para makapasok?

PIRENA:Kung sasabihin namin sa inyo na kami ang mga paslit na inalagaan niyo noon maniniwala ba kayo?

TERINTINA:Paano naging kayo ang mga batang iyon at may patunay ba kayo na kayo talaga sila?

ALENA:Oo meron kaming patunay na kami talaga iyon sa katunayan kaya kong ipakita sa inyo ang mga nangyari.

JONA:Weh,di nga?

Di na pinansin ni Alena ang sinabi ni Jona gamit ang kapangyarihang tubig ng Hara ng Adamya ay pinakita ni Alena ang lahat ng pangyayari kung paano sila isinumpa ni Ravana at kung paano sila itinapon ng Bathaluman sa mundo ng mga tao.

JONA:B-bakit m-may kapangyarihan ka h-hindi kayo t-tao ano!(Sabi niya na may halong takot)

YBRAHIM:Payapain mo ang iyong sarili Jona pagkat hindi ka namin sasaktan.

TERINTINA:Kung hindi kayo mga tao ano kayo?

AQUIL: Kami ay mga Encantado na nagmula sa iba't-ibang lahi huwag kayong mag-aalala kagaya ng sinabi ni Ybrahim hindi namin kayo sasaktan.

DANAYA:Mabuti pang ilagay na natin sa mesa ang mga pagkain at doon na tayo sa hapag magusap-usap lahat.

JONA:S-sige po..

AZULAN:Terintina pakitawag na rin ang iba mong mga kasama pagkat may importante tayong pag-uusapan lahat.

TERINTINA:Sige po.

AMIHAN:Terintina sandali!

TERINTINA:Bakit po Mam?

AMIHAN:Pakiusap huwag mo munang sasabihin ang tungkol sa amin sa iyong mga kasama hayaan mo na kami mismo ang magsabi.

TERINTINA:Makakaasa po kayo Mam.

Nang makarating na ang lahat sa malaking hapag kainan kagaya ng inaasahan ng mga diwata ay nagtataka ang kanilang mga kasamahan sa bahay pagkat hindi nila nakikilala ang kanilang mga kasama.

MEMFES:Batid ko na nagtataka kayo kung sino kami hayaan niyo akong ipakilala ang aking sarili ako si Memfes at ang mga kasama ko ay sina Pirena,Amihan,Danaya,Azulan,Ybrahim,Aquil,at si Alena siya ang aking asawa bago naman sabihin sa inyo ang lahat ay kumain muna tayo.

Pagkatapos nilang kumain ay isinalaysay ng mga diwata ang lahat ng mga bagay na tungkol sa kanilang mabuti nalang na naunawaan ng kanilang mga kasamang mortal sa kanilang tahanan at naging madali ang kanilang pagtanggap.

TERINTINA:Kaya pala nahihiwagaan na po ako sa noong unang araw palang tayong nagkita mga diwata pala kayo.

PIRENA:Ganyan talaga ang unang impresyon ng mga taong makakakita sa amin may pakiusap lang kami sa inyo.

EVA:Ano po iyon Mam?.. hehehe

PIRENA:Kung may maghahanap sa amin na ang pangalan ay Mira,Lira,Alana,Adamus,Dasha,Cassandra,Paopao o kaya Angelo sabihin niyo na bumalik na kami sa aming mundo.

TED:Paano po namin malalaman kung sila nga iyan?

MEMFES:Huwag kayong mag-alala pagkat bibigyan ko kayo ng basbas at ipapakita ko sa inyo ang kanilang mga wangis (Lumiwanag ang kanang kamay ng Rama ng Adamya at may enerhiyang lumabas mula dito) Aking kapangyarihang tubig inuutusan kita na bigyang linaw ang kanilang mga isipan nang saganon ay hindi sila malilinlang ng mga kalaban..

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon