Chapter 3

3 1 0
                                    


CHAPTER 3

Save

Tin-Tin's POV

Nanggigigil na talaga ako kay kuya.Yung feeling na ang aga kong nagising para makasabay ako sa kanya papuntang school.

Pero paggising ko *bogshh* Nawalang parang bula ang kotse ni kuya.

Very good! Very nice talaga si kuya.

Eh anong gagawin ko? Hindi naman ako marunong mag commute.

Hindi naman ako masasabay nina Mommy at Daddy, dahil mas maaga pa nga silang umalis kesa sa bukang liwayway.

Alangan namang gamitin ko yung natirang kotse namin. Baka car accident pa ikamatay ko.

Ayoko pang  mamatay! Kelangan ko pang magkajowa!

Kung hindi naman ako mamamatay sa car accident eh baka ikamatay ko ang galit ni kuya.

Malayo pa naman tung bahay namin sa School. Kung maglalakad ako eh baka makarating ako sa school upos na sapatos ko.

Kaya nagtanong nalang ako kung merong nalalamang shortcut si Rosa. Kilala niyo pa ba si Rosa? Yun yung malanding aligid ng aligid kay kuya.

Mapapakinabangan rin pala siya pagdating dito. May alam daw siyang shortcut sa school.

Pero nanlumo nalang ako sa sinabi niyang tatlong lansangan ang dadaanan mo para makarating sa school. Yun na daw yung shortcut.

Lansangan yun bro! Maraming adik dun.

Tinawanan lang ako ng bruha nang magtanong ako ng ibang shortcut ng hindi dumadaan sa lansangan. Eh sa takot nga ako dun.

Pagsabihan ba naman akong, ang mga adik sa kanto na yun ang dapat matakot sa akin. Eh ano bang tingin nila sa akin? Halimaw?

Kahit na nakikipag away ako! Natatakot parin naman ako sa mga taong ganon. Okay lang kung mga lima lang sila.

Pero dahil nga late na ako. Andito na ako ngayon sa ikalawang lansangan. Padabog na lumalakad at sinunod ang sinabi ng bruha.

Grabi! Ansakit sa paa.

Mabuti sana pag may kasama ako, pero wala eh. Para akong timang na lakad ng lakad sa kanilang teritoryo. Idagdag mo pa yung pagtitinginan ka nila na parang nagsasabing.

Anong ginagawa nito?

Malamang naglalakad! Bobo ka ba!

Pero joke lang. Nag promise na rin kasi ako sa sarili ko na hindi na muna ako makikipag away araw- araw. Papahingahin ko nalang muna yung tenga ko sa kakakurot ni kuya.

Natatakot ako na baka sa pagkurot niya ng bonggang bongga eh matanggal na ang tenga ko. Edi hindi na ako makakarinig!

Tas pag hindi na ako makakarinig pagsasabihan nila akong wala ng silbe. Tas tatalikuran ka na nila kasi nga wala ka ng pakinabang! Oh diba! Kelangan nating mahalin ang ating tenga!.

Pagpasok ko sa ikatlong lansangan ay bumulaga sa akin si valak. Charot!. Yung mga usok. Andumi dumi kasi dito unlike sa una at pangalawang lansangan na nadaanan ko.

Parang lugar ng mga taong walang magawa sa buhay kundi pagtripan ang kalikasan.

Baka di ko pa nasasabi sa inyong. Nature advocate ako! Kahit na nakikipag basag ulo ako, Hello! I love nature!

Palakpakan niyo naman akooo!

Lalakad na sana ako nang may nakita akong nakikipag away sa dinadaanan ko. Syempre nagmamadali ako at nag promise na akong lalayo na muna sa gulo.

THE ROYALTY'S CLANWhere stories live. Discover now