CHAPTER 5
WeekenDate
Someones's POV
"Master may maganda po kaming balita, Nakita na namin sila. Talaga ngang nag kawatak watak nga sila." Aniya ng isa sa mga tauhan ko.
Napangisi ako sa aking narinig. Napakagandang balita nga naman para sa napakagandang umaga.
"Maaari na nating maisakatuparan ang ating plano bago pa tayo maunahan ng ating kasamahang demonyo". Nakangiti kong sabi at agad naman siyang tumango bilang pagbibigay galang at umalis na ng kaharian.
Napakagandang simula para sa aking plano.
********************************************
Tin-Tin's POV
*Kliiiinggggggggg*
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Kingina. Di pa nga ako nakakatulog ng mahaba bubwisitin pa ako ng ingay na to.
Dali dali kong kinuha ang alarm clock at itinapon sa kung saan na nagdulot ng pagkabasag nito.
Halos alas-4 na kasi ako natulog. Dinamdam ko talaga yung pagnakaw ng langhiya kong kapatid don sa chocolate.
Nakakatampo kasi eh. Sabi na ngang bibigyan ko siya tas ang hampaslupa kinuha ang lahat. Kaya ako na binigyan ay hindi pa naka tikim.
Iniyakan ko talaga yun kagabi. Idagdag mo pang kinampihan pa siya nina Mommy at Daddy. Nakakapagtampo talaga. Di na nila ako mahal.
Pinaghahampas ko pa sa kung saan ang mga unan ko kagabi. Nangigigil talaga ako.
Sa susunod na gagawin ulit yun ng slapsoil kong kuya ay magpapahanda na ako kay Mommy ng mga gamit ko at lalayas na ako dito.
Hindi ko na din maibuka ng maayos ang mga mata ko. Grabi nga siguro ang pamamaga dahil sa kaiiyak ko.
Pupunta na sana ako ng banyo nang may may matigilan akong reflection sa malaki kong salaman sa aking kabinet.
"W-what?!". Natigilan kong sabi. "S-sino t-to?". Turo ko sa salamin. Mayghad! Paano nakapasok sa kwarto ko ang isang napakalaking panda?!
Lumapit pa ako sandali. Baka naman guni guni ko lang. Tinignan ko ang kabuuan ng pandang kaharap ko.
Ay gaga ako pala to! Hihi!
Grabi! May natural na nga akong eyebags na di mawala wala, nadagdagan pa ng higanteng eyebags sa magkabilang mata. Hinawakan ko ang aking mga mata at tinusok tusok.
Shet! Grabi! Hanggang ilong yung laki. Kasalanan to ni kuya eh. Kung di niya lang sana kinuha yung mga chocolates ko ay di sana ako magdadamdam ng ganito.
Paano na ako haharap ngayon sa mga kaklase ko!
Baka pagsabihan pa nila akong naka shabu. Di na nga nag aaral ng mabuti. Sinisira pa ang kinabukasan.
Mayghodness!
Nagmamadali akong pumasok sa banyo nang makita ko kung anong oras na sa wall clock ko. Shets! Baka iwanan ulit ako ng walanghiya kong kuya. Baka balikan pa ako ng nakaaway ni Art pag nagkataong dadaan ulit ako sa shortcut.
Hindi na ako maliligo. Bahala na kayong umamoy sa nabubulok kong pagkatao! Hihihi!
Matapos tanggalin ang mga nakakabit na morning star sa aking mga mata ay naghilamos na ako. Nag sipilyo na rin ako.
Matapos kong gawin ang morning ritual ko sa banyo ay dali dali na akong sumuot ng uniform. Hinahanap ko pa ang backpack.
Asan na kasi yun? Late na ako eh!

YOU ARE READING
THE ROYALTY'S CLAN
FanfictionAshtane Bloodmier, A middle school student who always gets involved at random fights of her guy schoolmates. Everything was fine not until a tragedy came. A tragedy that brings her back to a world where she doesn't know she belong. To the world wher...