CHAPTER 2- Ikaw pa lang

10.7K 340 7
                                    

"H-huh? s-siya?" Hiyang hiya ako sa nagawa ko sa kanya kanina lang umaga. 'Di ka talaga nag-iisip Ele!

"Oh, bakit? May problema ba kay kuya, Ele?" Inangat ko ang tingin sa lalaking 'yon.

'Yong lalaking sinigawan ko. 'Yong lalaking pinagbitbit ko nang bag ko. 'Yong lalaking winalanghiya ko sa elevator.

Shit! may mukha pa ba akong ihaharap sa kanya? Nakakahiya ka self! Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

"Kuya, tinanggap mo ba siya bilang Secretary mo?" Tanong ni Janine.

"Anong ibig mong sabihin Janine?" Nagtaka naman siya sa sinabi ko. Kung siya nagtaka, ako mas nagtataka sa mga nangyayari.

"'Wag mong sabihing siya-" Pinutol niya ako at inakbayan ang kuya niya.

"Oo Ele, siya nga. Siya ang magiging amo mo rito sa bahay at siya rin ang magiging boss mo sa trahabo mo." Nakangiti niyang sabi.

Patay! hindi pwede ito!

"Yes, I accepted her and in fact she will start tomorrow." Napalunok ako sa sariling laway.

"You have a problem with that, Ele?" Dugtong niya sa malamig na tuno.

Hindi na ako nagsalita, wala rin namang lumalabas sa bibig ko. Ramdam ko ang titig niya sa akin na parang sinusuri ang bawat galaw ko. Nagpanggap akong inaayos ang lamesa.

"Btw, kuya, wala ako rito bukas dahil aayusin ko pa 'yong garden sa bahay ko." Sumingit ako sa usapan nila.

"Wala ka rito bukas, Janine?" Hindi ko mapigilan ang bibig ko sa pagtatanong.

Hindi ko ata kaya kung kami lang ni Symon— I mean Sir Axel ang matitira rito sa bahay.

"What's wrong with that?" Malamig na tanong ni Sir Axel. Mariin din siyang nakatingin sa 'kin na para bang may nasabi akong mali.

"Oo nga naman Ele, anong problema kung wala ako bukas? hayaan mo at babalik kaagad ako." She smiled at me.

"No need sis, 'di ba may inuutos pa si Mommy sa 'yo? baka next week ka pa makabalik dito." Pormal na sabi ni Sir Axel, kaso langya 'yong titig niya sa akin ay parang dapat ko siyang sakyan, na dapat talagang 'di muna bumalik dito si Janine.

Pero what?! next week pa siya makakabalik?! Paano na 'to? kami lang dalawa sa loob ng isang linggo. Hindi ko sinasabing ayaw kong makasama siya pero wala pa 'kong lakas na maka-usap siya, ni 'di ko siya maka-usap na kami lang dalawa at kahit tignan man lang.

"Ah, oo nga tama si Symon.. I mean Sir Axel-" Naputol ang sanang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Sir.

"Don't call me sir or Axel, just call me what you called me earlier."

"Symon then?" Nahihiyang tanong ko.

"Yes, Symon." Nakita ko kung paano na laglag ang panga ni Janine. Hindi na muling nagsalita si Janine, para talaga itong gulat na gulat sa itinawag ko sa kuya niya.

Naglakad na lang ako rito sa hardin nila. Hindi pa umuuwi sa bahay niya si Janine.. teka bahay? or should I say Mansion. Mansion nga ang bahay ng kuya niya, bahay niya pa kaya.

Bumabagabag pa rin sa akin 'yong pagkagulat ni Janine kanina sa pagtawag ko sa kuya niyang Symon.

"Ano nga bang ikinagugulat sa pagtawag ko sa kaniyang Symon? Dahil ba hindi ko siya tinawag na Sir?"

"No," Napatalon ako sa gulat no'ng may nagsalita sa likod ko. Akala ko si Symon kaso si Janine pala... hindi ako naghihinayang ah! nagulat lang talaga ako.

"I'm sorry Ele kung nagulat kita, pero ako rin nagulat eh," Tumabi siya sa pagkaka-upo ko.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko.

"Weird.. really really weird." May topak ata 'to sa ulo si Janine. Kung hindi siya ang isa sa amo ko, sinapak ko na 'to, hehehe joke lang.

"Bakit?" Nasabi ko na lang.

"Nagtataka ako na pinayagan ka niyang tawaging Symon," Parang nakakagulat ang pag tawag kung Symon ah. Bakit kaya?

"Anong weird doon? dahil ba hindi ko siya tinawag na sir?" Ulit ko na tanong. Tinaasan niya ako nang kilay, ngisihan ko lang siya.

"Mhh, isa pa 'yon. Noong nag pa-hired ako nang mga magiging yaya niya ay hindi niya pinuna ang pagtawag nitong sir. Pangalawa, walang sino mang tumatawag ng Symon sa kaniya— ikaw pa lang, as in ikaw pa lang talaga." Natulala ako sa sinabi niya.

"Hindi nga?" Hindi maka-paniwalang tanong ko.

"Kaya nga laglag ang panga ko noong narinig ko sa bibig niyang pinayagan ka niyang tawagin siyang Symon. That's weird at wala pa siyang pinapayagan no'n." Tumango tango ako, nagulat ako no9ng ngumisi siya.

"Okay, I know this." Nagulat ako sa susunod na ginawa niya. Tumili ito ng pagka-lakas-lakas na ikinahawak ko sa tainga ko.

"Hey!" Saway ko.

"Oh my god, I can't take this. Finally my kuy... is... WAHH!!" Hindi niya matapos-tapos ang pagsasalita dahil paulit ulit itong tumili.

May sayad ba siya sa utak?

"My kuya is... In-" Hindi na niya natapos ang pagsalita nang may boses na nag echo sa buong hardin.

"Shut the fuck up Janine or I will drag you out of my fucking house!" Mabilis akong napalingon sa direksyon ng kung sino mang sumigaw.

It's Symon, madilim ang mata nitong nakatingin sa kapatid niya.

"Peace yow!" Hindi naman natinag si Janine at ngumisi lang.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now