CHAPTER 27: Fiance

535 14 0
                                    

ALEXANDER POV.

Lumabas na ako ng Guidance office at hinanap si Lovelyn. Babe saan ka naba. Pumunta ako sa room baka nandoon na siya.

"Si lovelyn bro nandiyan ba?" Tanong ko kay kiero.

"Wala eh. Kanina pa siya wala nung hinabol mo siya." Sagot nito

"Ganun ba. Umuwi na sila mommy dito" pagiiba ko sa usapan

"Talaga? Kuya umuwi sila mommy?" Tanong ni princess.

"Oo princess. Dahil sa nangyari kanina." Sabi ko "aalis na ako hahanapin ko pa si lovelyn." Sabi ko saka umalis na. Dumaan ako sa kabilang corridor at hindi ko inaasahan na magkasalubong kami ni kim. Inis ko siyang tinignan at umiwas ng daan.

"Emperor. " napahinto ako ng tawagin ako nito. Emperor? Alam niya kung ano tawag sa akin sa North Korea? Gulat ko siya tinignan.

"Anong sabi mo? " gulat ko paring tanong

"Emperor." Hindi ako makapaniwala na alam niya. Paano? Taga dun din ba siya? Naalala ko ang parents niya namumukhaan ko sila.  Pero hindi ko matandaan kung kailan dahil matagal nayun.

"Paano mong nalaman? " tanong ko habang nakatingin na sa kanya ng seryoso. Yumuko ito bilang pag galang sa akin. Napatingin ako sa corridor. Wala pang mga studyante. Mukhang may ginagawa sila sa classroom nila.

"Anak ako ng Ikadalawang hukom Mahal na Prinsepe " nagulat naman ako kaya pala namumukhaan ko ang parents niya.

"Tss. Ganiyan ganiyan ka kung humarap sa akin pero pagdating sa Girlfriend ko para kang demonya." Ngisi kong sabi. Masyado siyang plastic.

"Prinsipe Patawad kung ano ang nagawa ko." Natawa naman ako.

"Haha, talagang lumaki ka ng kinukonsitidor ka ng mga magulang mo Kim. Bakit hindi ka kay lovelyn humingi ng tawad? " pilosopo kong sabi. Inangat niya naman ang paningin niya sa akin. Talagang hindi ko siya nagustuhan.

"Fiance moko Alexander. Bakit mo ako ginaganito? " what? Fiance? She's crazy!

"Ano bang sinasabi mo? At pati ibang storya gumagawa ka?! " inis kong sabi.

"Totoo yun. Bakit hindi mo tanungin ang mga magulang mo. Ako ang Fiance mo,  masakit para sa akin na nakikipag syota ka sa iba!! " sigaw niya.

'Hala Fiance pala siya ni alexander'

'Oh m g nakakagulat naman ito'

"Wag mong isigaw ang kabaliwan mo dito kim." Sabi ko saka nilagpasan siya.

"Hindi mo na mababago yun alexander. Sa akin ka parin babagsak. " napatingin agad ako sa kanya at galit siyang tinignan.

"Itatak mo to sa utak mo Kim. Kahit kailan hindi kita magugustuhan! " sabi ko saka humarap na pero bago ako makalakad nasa harap ko si lovelyn. Seryoso itong nakatingin sa akin. Wala kang makikitang expression.

"Babe" mahinang sabi ko pero nilagpasan ako nito damn! Narinig niya ba?

"Babe!? " hinabol ko siya at hinila. "Ano bang problema mo? " tanong ko nasasaktan ako sa ganitong pakitungo niya. Parang wala siyang pakialam sa akin. At lalong wala siyang pakialam sa nangyayari.

"Wala. Bitawan mo na ako." Sabi nito pero mas lalo kung hinigpitan ang pagkahawak sa kanya. Niyakap ko siya pero tinulak niya ako. Damn! Nagulat ako sa ginawa niya. Ano bang kasalanan ko? Dahil ba doon sa pinalista ko ang pangalan niya? Or baka narinig niya ang usapan namin ni kim?..

"Umuwi na tayo, wala namang klase. Gusto kung umuwi." Tinignan ko ang relo ko at 12:00noon na. Tumango nalang ako at hinila siya habang hawak hawak ang kamay niya. Binuksan ko ka agad ang front seat at sumakay naman siya. Sumakay ka agad ako sa kotse at pinaandar yun. Kinuha ko ang cellphone ko saka tinext si kiero.

To: BRO KIERO

BRO, uuwi muna kami ni Lovelyn,  ikaw nalang ang maghatid kay princess.

Nilagay ko agad sa bulsa ko ang cellphone ko at tinignan si lovelyn pero nakakunot ang noo nito at nakataas ang kilay habang nakatingin sa daan.

"Babe tell me nagtatampo ka parin ba sa akin?" Tanong ko. Hindi siya sumagot kaya hininto ko sa gilid ang kotse. Kaya napatingin siya sa akin.

"Babe please tell me,  wag namang ganito oh. " hinawakan ko ang kamay niya

"Bakit hindi mong sinabi na may fiance ka alexander? " tanong nito pero nakatingin na ito sa daan. So narinig niya nga ang usapan namin ni kim?

"Babe."

"Bakit hindi moko sagutin?" Nabigla naman ako ng biglang nanginig ang boses nito. Naiiyak siya.

"Babe h-"

"Bakit? Bakit hindi mo sinabi? Kaysa magpaasa ka ng ibang tao! Anong laman yang sinasabi mong mahal mo ako?!" Napaiwas ako ng tingin. Damn! Hindi ko kayang makita na umiiyak siya. Parang sinasaksak ang puso ko ng Maraming kutsilyo.

"Babe please listen to me." Hinawakan ko siya sa mukha at inalis ang salamin niya saka pinahidan ang mga luha niya.

"Don't cry please,  hindi ko alam na fiance ko siya,  wala naman kasing sinabi sa akin sila mommy." Pageexplain ko. Umiiyak parin siya kaya niyakap ko ito. "Please wag ka ng umiyak nasasaktan ako."

"Gusto mo ba siya?" Nagulat ako sa tanong nito. What?

"Of course not. Kahit kailan hindi ko siya magugustuhan" galit kong sabi.

"Bakit ka nagagalit? " bakit nga ba ako nagagalit?

"Babe,  hindi ko siya gusto ikaw ang gusto ko. Please wag mo na siyang isali sa usapan natin." Sabi ko saka niyakap ulit siya.

"Nasasaktan lang ako." Nasasaktan siya? Ibig sabihin..

"Gusto mo na din ako??"

"Oo hindi naman ako masasaktan kung hindi kita gusto alexander."

"Hahaha thank you babe"

"Paano kung hindi baguhin nila tita ang desisyon nila? Paano kung si kim talaga ang fiance mo? " sunod sunod na tanong nito.

"Kakausapin ko sila." Sabi ko "i love you babe" ngumiti ito.

"I love you too" sagot nito. Napangisi naman ako at hinalikan siga ng mabilis sa labi.

SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon