CHAPTER 28: KISS

481 20 0
                                    

ALEXANDER POV.

UMUWI na kami ng bahay at nandito na kami sa sala. Hindi pa kami nakapag break lunch dahil nga maraming ginagawa kanina. Okey na kami ni babe ko ❤ at hindi na kailan man mag aaway pa haha.

"Hi son." Napatingin naman ako kay mom kasunod niya si dad habang pababa ng hagdanan. Tumayo ka agad ako at humalik sa cheeks nito.

"Hi mom,  Hi dad. Wala na kasi kaming pasok kaya nauna na kami ni lovelyn dito. Pauwi na rin siguro sila Princess." Sabi ko saka bumalik sa upuan.

"Ganun ba. Hi iha Bakit namumugto yang mata mo? Umiyak kaba? Inaway kaba ni Alexander?" Sunod sunod na tanong ni mommy.

"Hindi po tita, kulang lang po siguro ng tulog." Pagdadahilan nito. Marunong ka din pala magsinungaling babe. Haha

"Mom,  dad May itatanong lang po sana ako." Pag iiba ko sa usapan tumango naman sila at ngumiti. "It's personal matter" seryoso kong sabi.

"Ahm cge,  Iha pwedi bang maiwan mo muna kami? May pag uusapan lang." Tumayo naman si lovelyn.

"Cge po." Saka umalis na umayos ako ng upo at sinandig ang ulo ko sa upuan. Bumuntong hininga ako at sumeryuso.

"Mom dad It is true na fiance ko si Kim? " deretso kong tanong hindi naman sila nagulat sa sinabi ko dahil siguro ay totoo. " bakit hindi niyo po sinabi sa akin Mom? Bakit niyo po inilihim? " sunod kong tanong.

"Son Hindi pa naman talaga ang tamang panahon para malaman mo yun." Nagtaka naman ako sa sinabi ni dad. Ano ba ang ibig sabihin niya?

"Dad karapatan ko din yun. Ano to? Ililihim niyo lang sa akin? Tapos magugulat nalang ako kung pagkabukas sasabihin niyong ikakasal na ako? Dad I don't love her. Hindi ko siya mahal."

"Hindi mo na mababago ang batas anak." Seryosong sabi ni mommy.

"What? At ganun nalang yun? Paano yung babaeng mahal ko? Hihiwalayan ko lang dahil sa Fiance ko na hindi ko mahal? Mom ikaw na ang nagsabi na mahirap kalabanin ang puso." Pero hindi sila sumagot. Nanatili kaming tahimik pero binasag no dad ang katahimikan.

"Alam mong hindi natin kauri si Lovelyn anak." Natahimik ako hindi ko nga siya kauri pero wala namang pinipiling uri ang pagmamahal. Nanatiling blanko ang isip ko. Parang may gusto akong sasabihin pero hindi ko masabi. Hindi ko kayang magpakasal sa isang babae na hindi ko mahal.

"Alexander Blake Montefalco Jr. " Napatingin ako kay mommy ngayon niya lang binanggit ang buong pangalan ko alam kong seryoso ang sasabihin niya.

"Naiintindihan ka namin."

"Mom hindi niyo ko naiintindihan! " inis kong sabi

"Anak mahirap bang intindihin na hindi natin siya kauri? Na hindi mo siya pweding mahalin? Dahil alam mo kung anong kaparusahan ang gagawin sayo! " unti unti nagtaas ang boses ni mommy alam kong galit na ito.

"Kung naiintindihan niyo ako sana alam niyo kung ano ang nararamdaman ko." Sabi ko saka tumingin sa kanila "bilang isang prinsepe ng Kaesung may karapatan akong magmahal ng kahit sino."

"Pero dapat kauri mo." Malamig na boses ni daddy. "Hindi mo mababago ang batas anak." Patuloy nito. Pero this time nakatingin na siya sa akin ng malamig.

"Tatanggapin ko ang parusa na ipaparatang niyo sa akin Mom dad, wag lang ako magmahal ng isang babaeng hindi ko mahal." Sabi ko saka umalis na. Narinig ko pang tinawag ako ni mommy pero hindi ko pinansin ito at dumeretso sa garden. Napahinto naman ako ng makita ang isang babaeng nagpahulog ng puso ko. Kumakain ito ng prutas. Napangiti ako. Siya lang ang makakapagwala ng galit ko. Lumapit ako sa kanya at napansin kong wala siyang salamin. Talaga ngang maganda siya pag inayusan. Kumuha ako ng isang mansanas at kinain.

SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon