Blove (15)

258 9 0
                                    

Blove (15)

Halos apat na taon na pala 'no? Napakabilis ng oras, madami ng nagbago pero iyong katotohanang mahal pa rin kita iyon na ata ang hindi magbabago kahit kailan. Napakasolid ng pagmamahal ko sa'yo. Hindi ako naniniwala sa first love o true love pero nang dahil sa'yo nagkaroon ako ng dahilan para maniwala. Madami na akong napagdaanan nang dahil sa pagmamahal na ito, naranasan kong may ibang minahal pero iyon katotohanang nandito ka pa rin sa puso ko ayaw mawala. Napaka-unfair, sobra. Pero wala kang kasalanan at wala rin akong kasalanan dahil kahit kailan hindi kasalanan ang magmahal.

Tanggap ko ng may iba kang mahal, na hindi tayo pwede dahil magkaibigan tayo at kahit kailan hindi ako umasang magiging tayo. Hindi ako naniniwala sa mga palabas na bandang huli magkakatuluyan ang magkaibigan, dahil iba ang kwento nila at iba ang kwento nating dalawa. Alam mo bang masakit? Nasasaktan ako sa tuwing kinukwento mo siya sa akin, gusto kong umiyak sa harapan mo kapag nararamdaman ko kung gaano mo siya kamahal. Para akong pinapatay nang paulit-ulit. Masama ba akong tao sa past life ko? Kriminal ba ako noon dahil sobra naman akong pinaparusahan ngayon at naging bilanggo na ako ng pagmamahal ko sa'yo.

Sana ang pagmamahal sa pisikal na lang nasasaktan dahil pwedeng gamutin at ilang linggo lang ay mawawala pero kapag sa loob na, kapag sa puso na taon pa ang bibilangin bago mawala ang sugat o baka hindi na mawala.

Masaya ako sa tuwing kasama ka at sa maniwala ka o sa hindi masaya akong ganito na lang tayo iyong hanggang magkaibigan lang... Siguro nga impokrita ako dahil hindi kita kayang ipaglaban pero ano bang ipaglalaban ko? Dahil umpisa pa lang talo na ako at tanggap ko naman iyon.

Ang hindi ko lang matanggap kung bakit halos apat na taon nang nakalilipas at halos dalawang taon na tayong hindi nagkikita nararamdaman ko pa rin itong paghuhuramentado ng puso ko nang dahil sa'yo? Dahil ba nasanay ako? O baka nama'y hindi na talaga maaalis itong pagmamahal ko sa'yo.

Nakakapagod din pala ang masaktan, dahil ginawa ko na ang lahat para kalimutan ka hindi pa rin pala uubra. Madami na akong ginawa para sa'yo at wala akong pinagsisisihan doon dahil nagawa kong aminin sa'yo ang nararamdaman ko.

Matagal na kitang pinakawalan kahit hindi ka naman sa akin, kahit mabigat sa loob ko at kahit masakit pinalaya na kita.

Pero itong puso ko ayaw ka pa rin pakawalan. Nasa pareho tayong mundo, pero pakiwari ko iyong mundo mo ay nasa puso ko. Akala ko ang pinakamasakit sa parte ng pagmamahal ay iyong iwan ka o hindi ka kayang mahalin pabalik pero nagkakamali pala ako dahil ang pinakamasakit sa parte ng pagmamahal ay iyong ayaw ng mawala sa puso mo na tila habang buhay na itong nasa iyo, iyong klase ng pagmamahal na iyon parang kaakibat na ng buo mong pagkatao. Wala ka ng takas at wala ka ng magagawa kundi ang hayaan na lang ito...

Hayaan mo na lang masaktan ang puso mo. Hahayaan ko na lang masaktan ang puso ko...

BloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon