JOHN JOSHUA ALMARIO DELIGENCIO AROMAL JOSEPH AARON RAMOS' POV
MABILIS ang pagpapatakbo ni Papa. Kung saan kami patutungo ay hindi ko alam. Tahimik akong nananalig na maayos ang lagay ni Abigail sa kung saan 'man siya naroroon.
"Where are we going, Pa?" Sa pagkakataong ito ay hindi ko na maiwasang magtanong sa kaniya.
Hindi niya ako tinugunan at sa halip ay itinuon na lamang ang tingin sa daan.
Ibinalik ko na lamang ang paningin sa bintana ng kotse.
"I'm sorry, Abigail." Gumaralgal ang boses ni Papa kaya agad akong napalingon muli sa kaniya.
Hinawakan ko siya sa balikat, "Dad,"
"It's my fault." Itinigil niya ang kotse sa gilid ng kalsada.
Bumuntong hininga siya, "Napaka-sama kong ama." Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng sasakyan. "Don't say that, Pa. Lahat tayo may kasalanan dito." Nagbaba siya ng tingin. "Sana hindi ko na lang pinairal ang galit ko sa ama niya."
Humilig ang ulo ko. "What do you mean?" Kumalabog ng malakas ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"She's not my biological daughter."
Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya, "Yes, you heard it right." Tinitigan niya ako ng deretso sa mga mata.
Akmang magtatanong pa ako nang dagli niyang pinaandar muli ang sasakyan. Bumuntong-hininga na lamang ako at itinuon sa labas ang tingin. Hindi ko alam kung kailan madada-digest ng utak ko ang nalaman ko.
Mayamaya lang din ay tumigil na kami sa isang kagubatan. Dagli kaming bumaba ni Papa at sinimulan nang hanapin si Abigail.
"ABIGAIL?!" Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kagubatan. "John." Napalingon ako kay Papa. "Magkita na lang tayo dito bago magtakip-silim." Ani Papa bago nagpaumunang maglakad papunta sa kaliwa ng kagubatan. Ako naman ay tumalima sa kanang bahagi.
"ABBY?!" Nangilid ang mga luha ko ngunit agad ko iyong pinunasan.
Ngunit ilang oras pa akong nagpa-ikot-ikot pero wala akong makitang kahit anong bakas ng pinanggalingan ni Abby.
"JOHN!" Napalingon ako sa likuran ko, at doon nakita si Papa na tumatakbo papalapit sa akin. Sinalubong ko naman siya.
"May nakakita daw kay Abigail," nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "Nasaan daw po?"
Pinakalma niya ang sarili, saka bumuntong-hininga. "Nagpunta siya sa kabisera ng bayan malapit dito, ilang kilometro ang layo mula sa kinatatayuan natin." Aniya, dagli naman akong tumango at nagpaumuna nang bumalik sa kotse.
"Kumain muna tayo," anyaya ni Papa habang nasa daan ang tingin, tumango na lamang ako.
Hindi din naman nagtagal ay nakarating na kami sa kabisera. Tumigil kami sa isang kilalang kainan. "Welcome," bati ng guard nang makapasok kami, hindi na lamang namin ito pinansin.
"Ako na oorder," prisinta ni Papa. "Sige po." Naupo na ako sa upuan. Nasa tapat ng bintana ang puwesto namin kaya hindi ko maiwasang tumitig sa labas.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko, kasabay ng bahagyang pag-awang ng labi ko nang makita ang imahe ni Abigail mula sa 'di kalayuan, sa mall na katapat ng kainan na kinaroroonan namin.
Hindi ko siya halos makilala dahil sa ganda niya. Ibang-iba sa Abigail na nakasanayan kong makita. Kung dati ay halos mukhang yagit na siya, ngayon naman ay mukha na siyang isang prinsesa.
Hind ko kilala ang lalakeng kasama nito, ngunit nasisiguro kong halos ka-edaran lamang ito si Papa, at halata sa postura, pananamit at sa kilos nito ang awtoridad at kapangyarihan.
Hindi ko maiwasang mapaisip. Mukha namang maayos ang lagay niya kasama ang lalaking iyon--hindi. Mukhang mas magiging maayos ang lagay niya kasama ang taong iyon. Bagaman mukhang strikto ang dating niya ay batid kong mabait siyang tao.
"John," Napalingon ako kay Papa na papalapit dala ang mga pagkain namin.
Napalunok ako dahil baka makita niya si Abigail. Hindi naman sa ayaw kong makita ni Papa si Abigail, ang gusto ko lang ay ang maputol na ang koneksiyon niya, nila at sa akin kay Abigail. Mas nakikita ko ang magandang hinaharap ni Abigail sa lalaking iyon, at hindi na dapat pang tutulan iyon.
"Anong tinitignan mo diyan?" Akmang tatakbo na ako papalapit kay Papa upang sana ay pigilan siya sa paglingon sa bintana ngunit nabigo ako, huli na ang lahat.
Nabitawan ni Papa ang hawak niya, "A-Abigail," Dali-dali siyang tumakbo papalabas ng kainan, kaya gano'n na din ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]
Novela Juvenil[BOOK 1] They say life is not perfect; it is not easy, it is never fair. But does it mean that her life should be this miserable? This painful? This is her life. Her book. Her story. Her diary. [[Word Count: ≈22,000+ Words]] Date Started: May 22, 20...