Chapter 14: The dark night
Third Person's Point of View
Mula sa laban ay binuhat ni Jovis si Aeres. Nanghihina ito dahil na rin sa labis na enerhiyang inilabas kanina. Mabuti na lang at sanay na si Jovis sa ganoon kaya wala lang sa kanya ang ginagawa ngayon sa kasama. Napadilat naman si Aeres at nakitang nasa himpapawid sila.
"S-saan mo ako dadalhin?" Mahinang tanong ni Aeres kay Jovis. Naanig niya ang seryosong mukha nito at ang kagwapuhang naiilawan ng bilog na buwan.
Hindi siya sinagot ng binata, pero mabilis silang bumaba sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Dahil na rin sa medyo madilim ang paligid at kaunting liwanag lang ang naaabot ng buwan ay wala siyang masyadong maaninag kung hindi ang mga katawan ng puno sa paligid. Malawak na lupa ang nilapagan nila at walang nakatanim. May isa namang maliit na bahay ang nakatayo sa hindi kalayuan. Sarado ito at mayroon pang bonfire sa labas na walang apoy.
"Nasaan tayo, J-jovis?" Tanong ni Aeres na tila kinakabahan na sa nangyayari.
"Basta. Pumasok ka nalang sa loob," utos nito. Pero hindi nagpatinag si Aeres at inilabas ang kapangyarihan sa magkabilang kamay nito. Mabilis siyang humarap kay Jovis na nakangisi lang.
"Iuwi mo na ako," seryosong sabi ni Aeres, na tinawanan lang ng kaunti ni Jovis bago naglakad paalis sa tapat niya.
"Kung ako sayo, bukas na lang ako babalik," sabi nito sa kanya at mabilis na kinuha ang isang malaking troso. Gamit ang dalawang kanay ay hinati niya iyon sa dalawa. Nakita ni Aeres ang medyo paglaki ng laman nito sa braso.
Napaiwas siya ng tingin.
Gamit ang dalawang kahoy ay pinaapuyan ni Jovis ang bonfire para magkaroon ng liwanag doon.
"Bakit mo nasabi yan? Bakit hindi pa tayo bumalik doon?" Tanong ni Aeres.
"Alam nilang umalis tayong dalawa. Alam din nila ang nangyari kanina. Sa tingin mo, anong gagawin nila kapag bumalik ka roon?" Makahulugang tanong ni Jovis sa kanya. Kumunot ang noo ni Aeres.
"Pasasalamatan? Ganoon naman ang gawain natin diba? Lalo na ang mga nagpa-patrol sa gabi. Para saan pa ang abilities natin kung hindi naman natin gagamitin?" Tanong pabalik ni Aeres. Napailing naman si Jovis bago tumalikod sa kanya at naghubad ng damit dahil sa sira roon dulot ng laban kanina.
"Baguhan ka pa talaga, Aeres. Madali kang mapapatay sa mundong ito," sabi ni Jovis habang hindi nakaharap dito. Napansin naman ni Aeres ang maskuladonh likuran nito. Nakaramdam ng pagkailang ang binata lalo na't naalala niya na naman ang gabing naging tanga siya.
"P-pano mo nasabi? Dahil ba sa puro panganib ang meron sa wisteria?"
Doon na napaharap si Jovis. Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "Gusto mo talagang malaman?"
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Nasaan ba tayo?"
"My camp. Nung hindi pa ako pumapasok sa loob ng wisteria, dito ako nakatira. Mas ligtas dito at walang nakakapuntang kahit sino," saad ni Jovis. "Ayos na ba?"
Tumango nalang si Aeres. "B-bakit mo ako dinala dito?"
"Para iligtas ka. Aeres, pinag-aaralan ka nila. Kaya kung ako sayo, bukas ka na bumalik," sagot ni Jovis habang lumalapit sa kanya. Hindi alam ni Aeres kung aatras ba siya o mananatili sa kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB] (Hiatus)
Fantasía"Hindi lahat ng nangyari mula sa nakalipas o nagawa sa nakalipas ay nakakalimutan ng ating isipan. Minsan, nag iiwan ito ng sugat na mapupunta sa markang magiging palatandaan at magiging tulay para maalala ito muli." Pipilitin ng binatang si Aeres a...