The Promised

6 0 1
                                    


Si Janet ay isang Secretary ng isa kumpanya na malapit sa plaza ng bayan ng San Sorogon, kung saan nya nakilala ang isang lalaki na nung una ay nagtanung lang sa kanya ,.

"Miss, Mukang ginagabi ka ata, wala kabang kasama?",. sabi ni Alvin na naglalakad at akay akay ang isang bisikleta,.

Hindi nya kinibo ito,, at mas nanaig ang takot sa kanya,. Nagkataon kasi na nawala ang kanyang wallet nuon na duon din nakalagay ang kanyang atm kaya napilitan siyang maglakad. Patuloy ang paglalakad ni Janet na may konting bilis dahil sa hindi nya maipaliwanag,.

Sa plazang iyon ay halos wala naring katao tao,, madae pang poste ang halos walang ilaw,.

"Miss. Wag kang matakot sa akin,, Teka Miss habang humahabol sa paglalakad si Alvin,.

"Tigilan Mu na ko!!" pasigaw na parang naiinis na si Janet

"ah, teka pede bang huminto ka muna sa paglalakad ng mabilis,,Hindi kita sasaktan at saka hindi ako masamang tao," salita ni Alvin habang hinihingal sa paglalakad, "sa totoo lang bago lang ako rito, gusto ko lang naman magtanung kung saan ang Barangay ng Sansimon,. Nasiraan kasi ako ng bisikleta at bagong nangungupahan lang ako duon, palagay ko ay naligaw ako" sunod nyang sinabi,..

Tumigil sa paglalakad si Janet dahil sa malayu layo narin ang nilakad nya ng mabilis "Talaga bang hindi ka masamang Tao?'' Sunod nyang tanong

Wala namang balak na masama si Alvin sa kanya, sa totoo pa ay iisang barangay ang kanilang uuwian,. Huminigi ng pasensya nuon si Alvin dahil baka natakot nya ng husto si Janet at hindi manlang nagpakilala muna,.

Itinuro ni Janet ang Sansimon at marihing humingi din ito ng pasensya dahil sa kanyang maling akala,. Galing si Alvin sa kanilang probinsya at nangibang bayan upang mamasukan bilang isang kartero, at sa layo ng kanyang pinupuntahan ay hindi nya naisip na masisira ang bisekletang hineram nya kay Jerick - ang pinsan nyang tinutuluyan sa Sansimon,.

Tumagal pa ang araw at mas naging mabuti ang kanilang pagsasama na nuong una ay kaibigan lamang,, dahil nga sa madalas nilang pagsasama at parehas ng lugar na inuuwian ay mas maraming oras narin na kung saan sila ay madalas magkita,, at naging dahilan kung bakit mas nakilala nila ang bawat isa,. Mabilis nahulog si Janet sa mga nakikita nyang ugali kay Alvin,, isang probinsyanong may mataas na pangarap at matulungin sa magulang,. Nagpapadala sya sa kanila para matustusan ang pangangailangan nila sa kanilang sakahan na minsan ay di nila masabi kung kumikita dahil nga sa madalas na bagyo,. Mahina narin ang kanyang ama kaya naman ang ina nya ang madalas mamahala sa kanilang sakahan,.
Habang si Janet ay isa namang nangungupahan sa Sansimon at wala na syang mga magulang ,bata palang ay naulila na sya dahil sa aksidente na dinanas ng kanilang pamilya,, himala nga at siya ay nakaligtas nuon,. Kaya naman masyadong mababaw si Janet sa pakiramdam ng takot,. Madalas din nyang nakikita sa panaginip ang kanilang pinagdaanang aksidenteng nuon.

Lumipas ang Tatlong taon at sinagot narin si Janet si Alvin sa kanyang halos madalas na pagtatanung kung may pagasa ba siya sa kanya,. Dahil wala narin kamag anak si Janet sa Sansimon ay naisip nilang magsama sa iisang bahay upang sa ganun ay matiyak din ni Alvin ang kanyang kaligtasan,. Mahal na mahal ni Alvin si Janet,. Walang araw na lagi nyang pinapasaya ito,. Ang pansit, na madalas na iuwe ni Alvin kay Janet ay halos araw araw na ginagawa ni Alvin dahil paborito nya ito,. Bumabawi din si Janet sa mga bagay na hindi na nagagawa ni Alvin sa kanilang bagong bahay gaya ng paglilinis o paglalaba ,. Humiling si Alvin na bumili ng mga gamit na naisip nya para may maipundar sila,. At una nga duon ang TV na madalas na sinasabi ni Alvin,..

"Mahal, gusto ko sana magkaroon tayo ng isang TV ng saganon ay makapanuod ako ng basketball para pamalipas ko ng oras, pag uuwe ako sa gabi,." Hiling na naglalambing ni Alvin,. dahil si Janet narin ang humahawak ng pera at sa bukod sa magaling itong magtabi at magbudget para sa kanilang pangaraw araw na pangangailanagan,..

The Promised (Full Horror Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon