This will sound cliche pero ito yung first day ko sa bagong school at nakakainis yun kasi mag ge-grade 10 nako tas wala man lang akong kakilala ni isa sa school na 'yon.
Hayss... bat pa kasi kailangan pa lumipat ng bahay ayan tuloy lipat din ng bagong school.
Ako nga lang ata transferee dun eh. Kainis! Lahat siguro ng mga classmate ko magkakakilala na kasi dun na sila nag-aaral since grade 7 tas ako baguhan pa lang.
Mahiyain pa naman ako paano na lang ako makikipagkaibigan nyan. Kahit gusto ko nahihiya naman ako makipagusap sa kanila. Magiging lonely ata ako sa bagong school ko ah haha.
I rolled my eyes sa mga iniisip ko tsaka bumaba na sa trycicle dala dala ang school bag kong magaan dahil cellphone, pera, isang notebook at ballpen lang ang laman nito.
Hello! Sino naman magdadala ng napakaraming books na mabibigat. Eh ang boring-boring ng first day tsaka wala namang ginagawa.
Pagkapasok ko ng gate dere-detretso ako naglakad at bumungad sakin ang quadrangle.
Shit! Ang daming estudyante... eh ano pa bang aasahan ko. eh school 'to mula kindergarten hanggang college.
And as usual syempre maingay ang quad.. may mga grupo ng mga magkakaibigan na hindi nakapila sa kanilang mga sections tas may mga estudyante ding masayang nagda-daldalan at di mawawala ang mga pasaway na nakatambay sa main canteen.
Ito ang pinakayaw ko eh.. yung ang daming tao tas wala man lang akong kaibigan. Feel ko tuloy ang lonely ko dito. Eh ano na mang pake ko sakanila. Bahala na nga..
Nagsimula nako maglakad para hanapin ang pila ng section ko.
10- SAPPHIRE
Nang makita ko ang karatulang nakasulat ang section ko ay pumila na ako dun. Sa harap ko ang mga babaeng nagtatawanan. Binaba ko ang bag ko kahit di naman mabigat.. nabibigatan pa din ako dahil ganun ako katamad.
Pinagkrus ko yung kamay ko tsaka nagseryosos ng mukha.
Kaya akala ng iba eh mataray ako tsaka hindi approachable pero ganun lang talaga ang mukha ko. Mukhang maldita. Ayun din ang first impressions ng mga kaibigan ko sa dati kong school pero pag nakilala na nila ko para na akong baliw.
Maya maya lang nagtutulakan na ang mga babae sa harap ko. Yung isang kulot na babae natapakan pa yung sapatos ko.
Buti na lang hindi yung medyas ko ang nadumihan nya baka tarayan ko sya dyan, pero syempre di ko naman gagawin yun di naman ako maldita.
Luhh.. isa pa pag ako natamaan. Nakakairita na ah.
Nabunggo na nga nila ako pero kinakalma ko lang ang sarili ko.
"Ayy sorry po, eto kasing kaibigan ko eh" sabi ng babae na ang kapal ng liptint.
"Okay lang" sabi ko tsaka ngumiti sakanila pero deep inside hindi talaga.
Ang tagal naman.. kelan kaya matatapos to.. gusto ko ng umupo.
Pagkatapos ng pagkahaba-habang speech ng principal pero wala naman nakikinig sakanya ay pumunta na kami sa kanya kanyang classroom.
Di ko ineexpect 'to. Andami pala namin sa classroom. Di ako sanay. Sa dati kong school di naman ganto kadami. Masasanay din siguro ako kaso matatagalan kasi nakakairita mga tao.
Lumipas na ang oras at lunchtime na. Hindi masyado naging bored kasi bakla ang naging adviser namin at napuno ng tawanan ang section.
Mag-isa akong pumunta sa canteen kasi wala pa naman akong kaibigan.
Ugh.. ang haba pala ng pila dito nagugutom nako. Tiisin mo na lang 'Sam' makakain ka din.
After ko makuha plate ko lumabas ako ng canteen at umakyat sa building na di masyado kalayuan.
May mga bakanteng room dun.Dito na lang siguro ako kakain. Mas okay nang magisa ako kumain kaysa ipagsiksikan ko ang sarili ko sa mga group of friends na di ko naman kavibes. Ayaw ko naman kumain mag-isa sa canteen baka pagchismisan pa nila ako.
Nilabas ko ang cp at earphones ko tsaka nagpatugtog ng kanta ng cavetown.
Kakasabi lang kanina na bawal gumamit ng cellphone. Who cares?! Wala namang nakakakita noh.
Bumalik na ako sa classroom at maya maya din nawala na ang pagkabored ko dahil tapos na ang klase.
BINABASA MO ANG
My Crush Who Doesn't Like Me Back
Teen FictionLife is so unfair. Why do we like someone who doesn't likes us back and we have no chance with. It hurts. That's why they call them crushes. If they were easy they'd call them something else.