"Uhm..Penge akong isang 1/4" sabi ko sa katabi kong babae kasi may pinapagawa ang teacher namin.
"Wala din ako eh" nagtaka akong tumingin sakanya.
"2nd day ng klase wala kang kapapel papel?" huli ko na narealize ang nasabi ko.
Minsan ang tanga ko din eh.
"Ikaw rin naman wala ah kaya ka nga nanghihinge eh" sabi nya.
Napuno iyon ng katahimikan at nagkatinginan kami tsaka parehas na lang kaming natawa.
"Ikaw si Summer Villareal diba" nalaman nya siguro yung pangalan ko kasi nag introduce yourselves kami kahapon.
"Frea Morena tama ba?" Tumango naman sya tsaka ngumiti.
Nakakausap ko na sya tsaka nagkakwentuhan na din kami. Nalaman ko ding transferee sya at kaya sya lumipat kasi gusto nya naman daw ng new experience tsaka masaya siya kasi nandito rin yung bestfriend nyang lakake na nasa kabilang section.
Sabay kaming kumain ni Frea sa canteen. "Alam mo ba Summer, meron pa daw hindi pumapasok sa klase natin" sabi nya pagkatapos nguyain ang pagkain nya.
Sino naman kaya ang hindi pumapasok sa 1st and 2nd day ng klase.. grabe may mas tamad pa pala sakin. Hindi ko naman sila masisi nakakatamad naman talaga pumasok.
"Ganun ba. Edi madadagdagan pa tayo niyan eh andami na natin" hindi talaga ako sanay sa madaming classmates. Unti lang kasi kami sa dati kong school.
"Okay nga yun eh, mas masaya yun. Ano kaba" masaya niyang sabi. Masasabi kong palakaibigan itong si Frea.
Tinapos na namin ang pagkain tsaka bumili kami ng ice-cream para may dessert kami. Umupo muna kami sa may bench ng quadrangle at doon tumambay kasi hindi pa naman tapos ang lunnchbreak.
"Tingin ko magiging masaya ang section natin" humarap sya sakin tsaka ngumiti. "Alam mo kung bakit? Kasi mas madami yung boys natin kesa sa mga babae"
Ewan ko lang kasi hindi talaga ako malapit sa mga lalake. Na-awkward ako pag lumalapit at pag kinakausap nila ako lalo na pag di ko naman sila close.
"Oh bat masyado kang seryoso dyan?" Nagtatakang tanong ni Frea. "Masaya maging kaibigan mga lalake kase wala silang drama kesa sa mga girls na puro plastikan lang." assurance nya.
May bestfriend kasi syang lalake eh kaya siguro nya nasasabi na masaya kasama ang lalake.
"Well except sayo. Ramdam ko na mang hindi ka ganun tsaka parang ayaw mo pa nga sa mga tao eh" natatawang sabi niya.
Tama sya. Ayaw ko talaga ng drama tsaka umiiwas din ako sa mga issue ng mga tao kaysa pag-usapan sila.
Lumipas na ang oras at tapos na ang klase. Nagdaldalan lang kami ni Frea hanggang matapos. Sabi niya hindi niya daw ako masasabayan umuwi kasi sabay daw sila ng bestfriend nya.
Kakain pa ata sila. Niyaya naman ako ni Frea kaso tumanggi ako kasi gusto ko na rin umuwi.Wala naman problema sakin yun hindi ko naman pinagkakait ang bonding niya ng mga kaibigan nya. Sanay din naman akong umuwi mag-isa.
BINABASA MO ANG
My Crush Who Doesn't Like Me Back
Teen FictionLife is so unfair. Why do we like someone who doesn't likes us back and we have no chance with. It hurts. That's why they call them crushes. If they were easy they'd call them something else.