Chapter 10

131 7 5
                                    

Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa kabilang linya.

"Hello? Aden?"

"C-calix?"

"Yes, ako nga"

"Teka saan mo nakuha number ko??" Tanong ko sa kanya.

"Hmm. Sa attendance sheet kanina." Sagot nya.

"Nang hindi ko alam? Ano bang gusto mo ha? Wala na ako sa school pero nang-iinis ka pa din" sabi ko sa kanya.

"Woah. Chill. Wala pa ako ginagawa oh." Sabi naman nya.

"Wala? Sure ka? I didn't give you the permission to get my number and to call me. Is that enough reason para mainis ako sa'yo?" Sabi ko naman sa kanya.

"Bakit? Kapag ba hiningi ko, ibibigay mo? Hindi naman 'di ba?" Sabi naman nya.

May point. Pero kahit na. Hindi dapat sya nang-iinvade ng privacy.

"Kahit na. Alam mo ba yung word na 'privacy', malamang hindi"

"Alam mo ang sunget mo. Itatanong ko lang naman kung okay lang ba sa'yo yung set up natin sa Friday" sabi nya.

"Alin bang set up? Yung magkasama tayo sa kwarto? For sure dalawang bed naman 'yon kaya okay lang sa'kin. Nandun ako para sa program. So wala akong pake kahit sino kasama ko sa kwarto" sagot ko naman.

Weh? Sure ka ba dyan self? Na wala kang pake? Eh bakit ka kinabahan nung kayong dalawa ang magkasama?

"Mabuti na kase yung malinaw. Sabihin mo lang kung ayaw mo para kukuha na lang ako ng kwarto ko para makapag solo ka. Kagaya nga ng sinabi mo, PRIVACY" sabi nya.

"Kaya ko rin namang kumuha ng sarili kong room, mister. Pero hindi ko gagawin dahil ayokong magmukhang maarte. Titiisin ko na lang pagmumukha mo" sabi ko naman.

"Okay. Behave naman ako, eh. Don't worry" sahi nya.

Like, okay.

"Whatever. I'll hang up" sabi ko then binaba ko na. Hindi ko na hinintay yung response nya.

Nakakainis talaga 'tong lalakeng 'to in every aspect. Alam nyo yun? Yung wala pa syang ginagawa naiinis na ako.

Then someone knocked.

"Aden? Kakain na." Sabi ni kuya sabay silip sa pinto.

"Oh, bakit nakasara pinto ng kwarto mo? Baba na kakain na." Sabi nya.

"Yes kuya. Sorry tumawag kase yung classmate ko about assignment I didn't notice na nasara ko yung pinto." sabi ko naman.

"Okay. Bumaba ka na after mo dyan. Bakit pawis na pawis ka? Magbihis ka na nga" sabi naman nya.

Basang basa nga ako ng pawis. Jusko. Bakit ba kabado akong malaman ni kuya na si Calix yung tumawag.

One message received

Calix: save my number, okay?

Gusto kong sumabog at magsabi ng masasamang, mga words. Pero sure. I'll save your number! Huh.

Dining area

"Masarap ba? Alam mo naman, day off ni manang so pagtyagaan mo luto ko" sabi ni kuya.

"Oo kuya masarap naman ah. Buti nga ikaw marunong magluto eh" sabi ko naman.

"Kaya ikaw kapag nag-girlfriend ka, pumili ka nung nagluluto." Sabi naman nya.

Ha. Girlfrend. Ha. Okay.

"Kuha ka nga tubig wala pa lang tubig dito." Utos nya sa'kin.

Then tumayo ako at pumunta sa ref.

*Text Message*

"Aden? May nag-text sa'yo... Libag?" Sabi ni  kuya habang nakatingin sa screen ng phone ko na mukhang takang taka dahil sa pangalan ng nagtext. And yes, libag nga ang ipinangalan ko sa kanya. Kase alam mo yun? Kahit anong hilod mo ang tagal matanggal sa sistema mo.

"Ahh hayaan mo yan. Libag nga, eh. Hindi yan mahalaga" sagot ko naman.

I opened the text pagkaupo ko.

"Good night" libag said. Whatever.

Then tinapos na namin yung pagkain namin at naghugas na ako ng pinggan.

-Friday Morning-

"Parang ang dami mo namang dala, Aden." Sabi ni Karl sa akin habang kumukuha ng pera pambili ng pagkain. Nasa cafeteria kase kami.

"Eh 'di ba may outreach kami bukas. Hindi na ako uuwi kase diretso na kami hotel mamaya kaya nagdala na ako ng mga gamit." Sagot ko naman.

Then nag nod lang si Karl at pumila na para bumili ng makakain namin.

"Ay oo nga ano? Friday na pala ngayon hahaha. Teka, ay! Omg tonight is the night!" Sabi naman ni Mira.

"Pinagsasabi mo?" Sabi ko sa kanya

"Di ba nga?! Kasama mo si papa Calix sa kwarto!? Wahhh" sabi nya with pa kilig kilig expression pa.

"Shh!! 'Wag ka ngang maingay! Potek may makarinig sa'yo dyan, eh!" Sabi ko sa kanya. Hindi kase mapigil bunganga neto.

"Ano ba? Ilang beses ko ba sasabihin na hindi ko sya type okay?" Bulong ko naman.

"Whatever. I ship both of you wahhh!" Potek talagang babae 'to. Hays. Lord, kaibigan ko sya, kaibigan ko sya.

"Oh ba't ganyan mukha mo?" Tanong ni Karl pagdating nya.

I shook my head and smile na lang kase naiirita nanaman ako kay Mira.

"Aden, nga pala, alam mo ba na ngayon ko lang nalaman na President pala ng Junior Student Council si Calix. Nagulat ako nung nalaman ko" sabi naman ni Karl.

"Paano hindi ka naman pumupunta sa event ng college department mo ba't nagtataka ka pa" sabat naman ni Mira.

"Aden ka ba? Mira ka 'di ba?" Pambabara ni Karl.

"Yeah. Nagulat din ako. As in. Lalo na yung nakita ko sya sa Student Council Office" sagot ko naman.

"Paano yung gulat?" Pang aasar ni Mira.

"Hindi ka talaga titigil? 'Wag ka papa-tutor sa'kin sa Algebra ha" sabi ko naman.

"Hoy! Aden naman hindi ka naman mabiro alam mo namang lablab kita ehhh hihi" sabi nya sabay pa-cute. Nag smirk lang ako sa kanya.

"Oh, speaking of the devil" sabi ni Mira habang nakatingin sa entrance ng cafeteria.

Then nakita kong papasok si libag... at papunta sya sa.. wait.. table namin??

"See you later, Munchkins" sabi nya as he put his both hands sa table sabay wink.

And yeah I left there dumb-founded. At hindi pa sya tapos. Lumingon pa sya.

"Hey, close your mouth, baka pasukan ng langaw" he added.

UGHHHHHH! He's really getting to my nerves!!!

"What the hell was that?" Tanong ni Karl na bakas sa mukha nya ang pagtataka.

Then I looked at Miracle, and she is smiling as wide as the pacific ocean.

"Milagros, magtigil ka" sabi ko sa kanya.

"Sana okay ka lang, Munchkins" pang-aasar ni Mira.

Alam kong masamang gumanti pero pwede pa-isa lang?! Hindi na talaga ako natutuwa sa pagmumukha ng lalakeng yun eh.

The Best of Both WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon