Chapter 11

1.3K 56 1
                                    

*at the mall

Halika na sarah dito tayo, dito ako lagi nagpapamassage kapag medyo stress nako sa work. Agad naman kaming pumasok at nagpamassage, katabi ko lang si sarah kaya kitang kita ko na nasasarapan ito sa pagmamasahe sa kanya ng isang babae. Napansin kong iba makatingin yung masahista nya bigla naman akong nawala sa mood, kung makatitig naman yon kay Sarah parang jowa nya dukutin ko kaya mata nya Sabi ko sa isip ko. Natapos na kaming magpamasahe at nagpaalam na nakita ko nanaman ulit yung tingin ng isang babae kay sarah naiinis ako ewan koba pero aaminin kong nagseselos ako. Hinila ko nalang agad palabas si sarah I hate it naiinis ako gusto ko ako lang tumitingin sa kanya ng ganon. Grrrrrr! -_-

"Ah, tanch okay ka lang? May problema ba?"

Problema? Ea kase yung babae kung makatingin sayo parang jowa ka nya, ayoko may ibang tumitingin sayo ng ganon sarah gusto ko ako lang. Bulong ko sa isip ko.

Wala. Tipid at cold kong sabi sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad..

Napansin ko namang sumunod sya sakin at habang binabaybay namin ang kalooban ng mall nakikita ko naman ang mga tingin ng mga kalalakihan kay Sarah, well meron din naman tumitingin sakin pero wala akong pakielam don. Nainis naman ako lalo sa mga tingin na ipinupukol nila kay sarah, problema ng mga to? Gusto ba nilang dukutin ko mga mata nila Isa Isa?! Grrrrr I hate this feeling, ayoko pa naman sa lahat yung nagseselos ako!

Sarah's PO'V

Ang tahimik ni tanch hindi ako sanay na ganyan sya, ano kayang problema nito at bakit nakakunot ang noo nya? Napansin ko naman yung tingin ng ibang kalalakihan kay tanch ang lagkit ng mga tingin nila, naiinis ako pero hindi ko pinapahalata. Habang patuloy kami sa paglalakad ay biglang may isang lalaki na lumapit samin at hinihingi yung number ko. Tinignan ko si tanch na masamang nakatingin sakin at sinasabi ng mga mata nya na wag ko itong ibigay.

Ah, I'm sorry but I'm taken. Pagpapalusot ko sa lalaki

Oh, sayang mas bagay pa naman tayo.

Aba ang hangin ng lalaking to, excuse me hindi kita type no. Bulong ko sa isip ko. Hinila naman ako bigla ni tanch sa braso ko palayo sa lalaking yon. Nakakapanibago si tanch ngayon ko lamang sya makitang ganito nag iba yung awra nya. Tumigil naman na sya sa paghila sakin.

Ano bang problema mo tanch? Napansin ko kasing kanina kapa walang imik tapos bigla mo nalang akong hinila papalayo don sa lalaki..

"Wala, gusto ko ng umuwi masama pakiramdam ko." Cold na sabi nito

Pinasakay ko na lamang sya sa sasakyan ko para maiuwi na. Nakakabingi ang buong byahe namin pauwi ni walang gustong magsalita, nagpapakiramdaman lang kami. Nang makarating kami sa harap ng bahay nila tanch agad naman itong bumaba at nagpaalam, hay ano bang problema nya? Pwede naman nyang sabihin sakin kung ano yon but she choose to be silent hindi naman ako manghuhula para hulaan kung ano man yon. Pinark ko nalang ang sasakyan sa garahe at agad pumasok, masama ang pakiramdam ko, hindi ko lang pinapahalata kay tanch baka kase mag alala pa Ito. Humiga ako sa kama ko para magpahinga, hinawakan ko naman ang leeg ko at maiinit yon. Hayy ngayon pako nilagnat, bigla naman akong nakaramdam ng hilo at panghihina ng katawa ni hindi manlang ako makatayo ulit para kumuha ng inumin ko sobrang nahihilo ako pero kahit na nanghihina ay sinubukan kong tumayo nakakailang hakbang palang ako ng biglang tuluyan akong natumba sa sahig, bigla na lamang lumala ang nararamdaman ko at unti unting naubos ang energy ko sobrang nanghihina ako at dina maigalaw ang katawan ko.

Tanch I need you, please help me. Bulong ko sabay ng pagsara ng mga mata ko...

Tanch's PO'V

Naguiguilty naman ako sa inasta ko kay sarah kanina, kung tutuusin wala naman syang kasalanan, masyado lang ako nagpadala sa selos at inis ko kanina kaya pati sya nasungitan ko. Chineck ko yung ig ko baka may message don si sarah pero wala akong natanggap na mensahe mula rito, tinignan ko naman ang oras at 9 pm na pala ng gabi, gising pa kaya yon? Gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa inasta ko kanina. Napagpasyahan ko namang pumunta sa bahay nya para pormal na humingi ng paumanhin, nakakailang katok at tawag nako sa pangalan nya pero hindi parin nya ako pinagbubuksan ng pintuan hindi naman sya umalis kase nandito ang sasakyan nya. Minabuti kong pumasok para tignan sya sumalubong naman agad sakin ang mga alagang aso ni sarah pero may kakaibang kinikilos ang mga ito napansin kong tinuturo ni toby Ang kwarto ni Sarah at makikita mo sa mga mata nito na nag aalala sya. Agad naman ako nagtungo paitaas para tignan si sarah, habang papalapit ako sa kwarto nya bumibilis ang tibok ng puso ko pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda. Nasa tapat na ako ng pintuan nya at unti unti itong binuksan, nang tuluyan ko itong mabuksan nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko si-si sarah nakahandusay sa sahig.

Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon