Kyzier Pov.
Nong mga oras na nasa Ferris wheel kami ni Max ay napag pasyahan kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Kahit layuan niya ako basta nasabi ko na gusto ko siya. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako na inlove sa tomboy na to.
At hindi nga ako nagkamali iniwasan niya nga ako. Araw araw akong naghihintay ng mga reply niya sa mga message ko. Pero wala akong natatanggap kahit isa. Masakit man sa akin yun pero binalewala ko lang ito. Ginawa ko na lang na inspirasyon ang pag-iwas niya.
Nag-aral ako ng mabuti, kahit nasa Amerika na ako ay palagi parin ako binubully ng mga ka schoolmate ko. Nong nag college na ako ay sinimulan ko na na magbago.
Palagi akong nag gygym at sumali rin ako sa basketball varsity sa university na pinag aralan ko. Doon na nagsimula ang pagtanggap ng ibang tao sa akin.
Marami na rin ang nagkaka gusto sa skin pero hindi ko sila pinapansin dahil si Max parin ang mahal ko. Wala akong naging karelasyon simula ng umalis ako at hanggang ngayon.
Sobrang saya ko ng sinabi ng tito ko na e aasign niya ako dito sa pilipinas pansamantala. Ito na ang pagkakataon na makita ko si Max. Hindi ko parin makakalimutan ang sinabi niya sa akin dati.
"I will be your umbrella everytime it will rain" Maxielle
Pero sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa ako nakakarecover, sa tuwing umuulan hindi ko parin maiwasan na hindi matakot. Nakikita ko parin si mommy na nakahiga sa gitna ng daan na puno ng dugo ang katawan at hindi na humuhinga.
Hindi ko alam kong paano ko malalampasa. Ang bangungot na ito.
Pagdating ko sa airport ay dumeretso na agad ako sa bahay nina Max. Pero ang una kong naabutan ay si tita lovely. Nagkamustahan kaming dalawa, at na kwento niya na simula pagka graduate ng highschool ay umalis na ito at hanggang ngayon at hindi pa bumabalik, nakakausap daw nila si Max pero hindi nakikita. Sa tuwi daw na babalakin nila na puntahan si Max sa manila, ay tudo pigil daw ito.
Nalaman ko din ang nangyari sa kanila ni Sofia. Habang nakikinig ako sa kwento ng mommy niya tungkol sa kanya ay nasasaktan ako para kay Max, na sana nandito ako sa mga oras nayun para madamayan ko siya sa sakit na nararamdaman niya.
Pagpasok naman nina Max sa bahay, ay ang una kung niyakap ay hindi pala si Max. Paano ko nalaman?
Dahil hindi pa ako nakakalayo sa pintoan nila ng marinig ko ang usapan nila. Na ang babaeng maganda pala ay siya ang totoong Max. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Max kung bakit hindi siya nagpakilala, kaya nagpanggap din ako na hindi ko alam.
Noong kinaumagahan nang pumunta ako sa bahay nila ay alam ko na nakasilip siya sa taas habang magkausap kami ni Breat, gusto kung matawa sa ginagawa niya pero pinipigilan ko para hindi nila mahalata na alam ko. Si Breat naman ay parang matatae na hindi mo alam ang gagawin. Magkaibigan ka sila. Hehehe
Papasok na kami sa restaurant ni Breat nang mahagip ng mata ko si Max na nakaupo sa dulo na may kasang lalaki na nakatalikod, hindi ko man makita ang lalaki alam ko naman sa pangangatawan nito na si Kuya Vin ito.
Pag-upo namin ni Breat ay tumonog naman ang cellphone niya at nag palinga-nga. Siguro si Maxielle ang nagtxt sa kanya kaya nagpa linga linga siya.
Tiningnan niya ako na parang hindi alam ang sasabihin kaya nginitian ko siya.
"Max ok ka lang ba?"
"Ky, hmmm pwede ba lumipat na lang tayo ng restaurant parang hindi ako komportable dito eh."
"Ganoon ba? Oh sige kung yan ang gusto mo."
Tumayo na kami para lumabas pero sumulyap muna ako saglit sa kinauupuan nina Max bago lumabas ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
I WAS A BOY ( COMPLETED )
Ficción GeneralBata palang si Maxielle ay kilos lalaki na ito kahit manamit ay ibang iba ito sa mga kaedad niyang babae. Kahit magulang niya ay hindi siya mapapasuot ng bestida . Dahil bunso siyang kapatid at nag-iisang prinsesa ng pamilya ay hinahayaan lang ng mg...