Ariston's POV
Isang linggo na Ang lumipas pero kahit anino Ni Avie ay di ko na nakita pa
Hindi nila ako pinayagan na Makita siya sila Ni Chance kahit matawagan sila hindi nila ako hinayaan . bumalik na Naman ako sa pagiging miserable at walang kwenta
Para akong Bata na Kinulong nila sa apat na sulok ng sarili Kong pamamahay Nagsimula yun nung bigla kong sugudin si Eidon Sy sa mismong opisina niya nun
Kaya ngayon binabantayan nila Ang bawat kilos ko at may tinuturok sila sa akin para mas lalong manghina ako
Isang buwan daw Ang hintayin ko bago kami magkita Nina Avie Dahil masyado ko daw ginalit Ang pesteng Eidon na Yun
Nakiusap sa akin si Daddy si Kuya Sheine Ang lahat Ng taong nakapaligid sa akin ay nakiusap na hintayin ko daw Ang araw na Yun
Dahil patuloy nilang kinukumbinsi si Eidon Sy
Halos nanghihina na nga ako dito hindi na ako kumakain o kahit ano mas nakakapanghina pa ay Yung gamot na Yun
Tumayo ako sa kinahihigaan ko hahanap ako Ng paraan sa ika isang daan na beses na pagbabalak ko na tumakas dito
Siguro kahit ngayon Lang...Sana mapagbigyan na ako Hindi ko Kaya Ang isang buwan
Hindi ko Kaya Ang maghintay Ng ganun katagal isang linggo nga Lang ay parang mamamatay na ako isang buwan pa Kaya?
Ang Sabi nila nandun Lang Rin daw si Avie at walang kaalam Alam sa mga nangyayari sa akin Hindi nila binabalita Ang pagkulong nila sa akin dito
Ang buong akala na Naman siguro Ni Avie Iniwan ko na Naman siya
Inalam ko Ang lahat Ng schedule Ng mga nagbabantay sa akin
At sigurado ako na ngayon iisa Lang Ang naiwan at it na ang tamang oras para gawin ko Ang Plano
Biglang bumukas Ang pintuan Ng kwarto ko at bumungad Ang taong yun
"Sir kumain na daw Kayo"iniabot sa akin Ng lalaking tagabantay ko Ang pagkain na Yun
Tinanggap ko Yun pero Hindi niya Alam na inagaw ko sa kanya Yung gamot na tinuturok nila sa akin para manghina ako
Isinaksak ko Yun sa kanya na naging dahilan Ng pagkawala Ng Malay niya
Dali Dali akong lumabas mabuti na Lang at nataon na walang Ni isang nagbabantay
Mabilis akong nakataas ...
Mabilis akong nakawala sa pesteng kulungan ko na iyon
Hindi na ako nag abalang magsapatos halos nakapaa ako nang makalabas ako at medyo nagtataka sa akin Ang taxi driver na nagmamaneho Ng sinakyan ko
"Pwede-pwede bang tulungan mo ako?
Kahit ngayon Lang dalhin mo ako sa address na ito
Tatanawin Kong utang na loob ito Manong pakiusap"pagmamakaawa ko
Hindi na siya umimik at nagmadaling pinagmaneho ako papunta sa address na ibinigay ko
"Mukhang nanghihina Kayo Sir bakit Hindi PO muna Kayo umidlip masyado kayong maputla"tanong niya
"Hindi okay Lang ako Ang mahalaga Po makarating Tayo dun...malakas pa naman Po ako "Sabi ko sa kanya kahit na medyo di na maganda Ang pakiramdam ko
Pagbaba ko ay nagpasalamat ako sa kanya
Hindi ko aakalain na makakarating pa ako dito
Makikita ko na ulit si Avie ...
Nilakad ko Ang daan dun at Mula sa kabilang kalsada nakita ko si Avie na may dala dalang bulaklak nakangiti siya Ng mga oras na Yun

BINABASA MO ANG
Till We Meet...Again(Wounded series No 2)
Romance"Time flies...halos apat na taon na pala simula Ng mawala siya Ang babaeng minahal ako Ng sobra Nasira ko Ang buong buhay niya nasaktan ko siya ...at hanggang sa huling pagkakataon Hindi pa rin siya Ang pinili ko Pinagsisihan ko Ang lahat ...lahat...