I

21 3 3
                                    


Rae...

Bat parang pamilyar ang boses parang anghel na tinatawag ako para matulog pa lalo. Pawang boses iyon na nanggagaling sa unan ko.

Ate Raee..

Ay ang cute naman batang anghel na tumatawag sakin. Baka yun na ang boses ng teddybear kong yakap kapag natutulog.

Atee Raeee...

Bat parang nagmamadali yung boses baka gusto na ako makatulog agad.

Ikaw teddybear ko ah gusto moko makatab-

ARAYY!!

Namulat ko mata ko ng maramdaman yung sakit na dulot ng pagpalo ni Ate Sheila sa pwet ko. Correction guys, its shey-la not shi-la okiee?

"ATE SHEILAA NAMAN EH NATUTULOG PA YUNG TAO GIGISINGIN MO?"  saad ko sabay kamot sa ulo at hawak sa pwetan na namumula, halata pa yung porma ng tsinelas dahil sa pagkakapalo

"ANONG TULOG?!! Edi sige matulog ka pa jan mahal na prinsesa para maya pag gising mo wala ka ng trabaho,"  sabi ni Ate Sheila ang asawa ng kuya ko.

"Sus alas siyete pa lang naman pala tapos pinalo mo ako? dapat sinabi mo na la- HAAALAAAA MAY TRABAHO AKO NGAYON!!! LATE NA AKOOO!!!" mabilis kong sigaw sabay kuha ng tuwalya at uniform na gusot pa

"ATE SHEILA NAMAN EH DI AKO GINISING AGAD!!" patampo kong sigaw habang nasa loob ng banyo

7:48 na pakatingin ko sa relos ko habang nag aantay makababa sa jeep itong dalawang matanda sa unahan ko.

Pasensyahan mo lang ulan ...

Makakababa ka rin...

Pasensya...

Jusko naman itong matatanda na ito pag ako talaga tumanda bibilisan ko ang kilos masyadong maabala eh..

Nagbunyi ako sa loob loob ko ng makababa na ang dalawang matanda at dali dali naman akong tumakbo papunta sa pinagtatrabahuhan ko.

Napaangat ang tingin ko sa signage ng cafe

Kape Cafe...

Hanggang ngayon natatawa pa din ako sa pangalan ng pinagtatrabahuhan ko pero isa yun sa dahilan kung bakit binabalik balikan. Kakaiba daw kase, hindi lang sa pangalan.

Syempre andon ako eh sa ganda kong to di na nakakapag takang balik balikan ng customers. Charot lang HAHAHAHA

Malaking space ang nasasakop ng cafe, may wifi den at solong cafe lang ito na napapalibutan ng ibat ibang business establishments. Ang suwerte namin kasi napwesto kami sa business district  para may makapehan yung mga nagtatrabaho sa mga kompanyang katabi ng Cafe.

Sa left side ng cafe may parang library at board games at may part na divided rooms kung gusto mapag-isa. Sa right side naman ay napupuno ng painting at may flatscreen tv para sa gustong manood ng movies.

Tampisaw (Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon