Nakabalik ako sa apartment mga bandang alas siyete na. Sa ngayon ay inihahanda ko na ang mga gagamitin ko sa pagluto. Itinabi ko na rin ang iba ko pang mga pinamili. Mukhang kailangan ko nang mag-apply bilang isang working student o kaya nama'y maghanap ng sideline para may pagkakakitaan ako. Kailangan ko rin kasing magbayad ng tuition fee sa university. Hays, ganito pala ang pakiramdam kapag mag-isa ka lang na sumusuporta sa sarili mong pangangailangan. Pero hindi bale, I know I can do this.Natigil ako sa pags-slice ng pipino nang may marinig akong kumatok. Wala namang taong nakakakilala sa akin dito maliban kay Mrs. Lacambra. Ano kaya ang kailangan niya?
Iniwan ko muna ang ginagawa ko para buksan ang pinto.
"Ano ho ang ka-"
Nang buksan ko ay wala naman akong nakitang ni anino man lang. Ni walang naglalakad o kaya'y tumatakbo sa labas. Minumulto ba ako? Geez. Huwag naman sana. Isasara ko na sana ang pinto nang may makita akong isang puting supot na nakasabit sa busol nito.
I looked around at nagbabakasakali kung babalikan ba ito ng may-ari at kung namali lang ba siya ng pinagsabitang busol ng pinto. Naghintay pa ako ng ilang segundo para hintayin kung babalik pa ang taong nagsabit nito. Kinuha ko na lang ang supot at tiningnan ang laman nito. Mayroon akong nakitang isang maliit na papel at may nakasulat ditong, 'TO ROOM #077', sa akin nga yata talaga. Pero teka, wala naman akong naalalang nagpa-deliver ako o nag-order ng kung ano, e. Dinala ko na lang sa loob ang supot at kinuha sa loob nito ang isang box. Ito ba ang pa-welcome sa akin ni Mrs. Lacambra? Kung oo, napaka-sweet naman niya.
"Cookies!" bigla kong bulalas.
Jusko, napahina ko ata ang sigaw ko! Nakakahiya sa kabilang kuwarto! E kasi naman, paborito ko ang cookies. This is one of the reasons kung bakit ako tumaba noon. Ilang taon na rin akong nagpigil na huwag kumain nito at talagang na-miss kong kumain ng ganito. Kung sino ka mang nagbigay, hulog ka ng langit! Itinabi ko muna ito at ipinagpatuloy na ang aking ginagawa.
KINABUKASAN
Natapos na ang klase namin ngayong umaga at kasalukuyan kaming nasa cafeteria para kumain ng tanghalian. Nagluto ako ng aking lunch sa apartment at ito ang aking binaon para hindi na ako bumili pa. Kasama ko ngayon sina Ychay at Naya. Ang dalawa namang sina Seth at Tard ay kasalukuyang nag-o-order ng kanilang mga pagkain.
"Alam mo Bri, nakakainis 'yang si Tard." naka-pout na sabi ni Naya.
"Oo nga. Nagpromise na siya ang magbabayad sa kakainan namin kahapon, tapos ayun! Biglang nagpa-excuse, iniwan kami!" reklamo naman ni Ychay.
"Naku, hayaan niyo na. Importante naman siguro 'yon. Singilin na lang natin next time," tugon ni Seth.
"Puwede naman ngayon na, eh," nakangising sabi ni Ychay.
Ilang sandali pa ay nakabalik na ang dalawa. Tumayo naman ako at nagpaalam na bibili ng milkshake.
"May ipapasabay ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Sa akin Oreo!" nakangiting sagot ni Ychay.
"Mine is strawberry!" sagot naman ni Naya na itinaas ang kaniyang kamay.
"Gano'n na rin ang sa akin, Bri!" dagdag ni Seth.
"Oh, ikaw Tard?" tanong ko nang mapansing siya na lang ang wala pang binabanggit.
"Kung ano 'yung sa 'yo, gano'n na rin 'yung akin!" sambit nito at tila may kinuha sa kanyang bulsa.
"Eto oh, ililibre ko na kayo. Pambawi kahapon," dagdag pa niya at nag-abot ng pera.

BINABASA MO ANG
The Sound Of Rain
Teen FictionMany people are allured by rain, and love getting drenched. But then there are other groups of people who prefer staying indoors, and not getting wet at all. However, there are some people who are actually extremely scared of rain. ...