Nagsimula lahat dahil sa isang kaarawan. Ako'y nakikain lang dahil sa kagutoman na nararamdaman. Naglagay ng maraming pagkain sa aking plato at umupo sa isang tabi. Mga napapadaan na bisita ay napapahinto sa aking harapan dahil ako lamang ang nakasuot na tee shirt at jeans samantalang sila ay suot nila ang magarang kasuotan na may kumikinang pang mga disenyo.
Napadpad lang ako sa siyudad upang kumayod at isabay na rin ang pag aaral ko. At dito ko nakilala si Kaius Conorleigh, isang mayaman at arogante. Sa kasamaang palad nga naman, ang pamilya niya ang pagsisilbihan ko. Makikita ko siya araw araw. Hmmp! Stop me! Masasapak ko ito. Ay h'wag na baka makulong pa ako.
Hayst, isa lang akong hamak na katulong nila. Walang masyadong alam dahil nasanay ako sa probinsya. Mga kagamitan wala kami ay nasa kanila lahat. Kaya aasahan nila ang pagiging ignorante ko wala akong masyadong alam dito sa siyudad.
"Bare with me SIR. I'm just a Human Being." Oh galing ko noh! Alam ko mag spokening dollar.
-Jam Admirer (That Promdi Girl-version of J_serenity)
Vote & Comment!
Hope you support my stories!
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionJam Admirer the promdi girl meet the rich and arrogant man Kaius Conorleigh. Let's see what would happen in their journey.