Matapos ang pag uusap namin ni Avery kahapon ay umuwi agad kami para ayusin ang entourage.
Kasalukuyang kasama ko si Avery sa divisoria at naghahanap ng tela para sa wedding gown ko.
"S-sure na ba talagang magpapakasal na kayo?" pag uulit niya sa tanong niya.
"Oo naman.. May gumugulo ba sa isip mo para hindi 'yon matuloy?" natatawang tanong ko.
"Kumain na muna tayo, nagugutom na ako" pag iiba niya sa usapan.
Pumunta naman na kami sa fastfood chain at umorder nang makakain.
Nang makaorder ay umupo agad kami sa bakanteng lamesa.
"I don't know if I'm on place to tell you this.." nakayukong panimula niya.
Nagtatakang tinignan ko naman siya. Pakiramdam ko may seryosong sasabihin siya kaya hindi ko pinilosopo.
"Nung pauwi na tayo galing kila Elodia.. Diba nagpaalam si Ash na pupuntang CR? Tapos nagpaalam din ako na pupuntang CR habang nasa kusina si Elodia?" tanong niya na tinanguan ko lang "Nung nasa kotse pa lang tayo na nakita natin sila iba na pakiramdam ko eh.. Kaya sinundan ko si Ashton.. Hindi ko sinasadya yung nakita ko pero.." pambibitin niya.
Nakaramdam ako ng kung anong kaba sa dibdib dahil pakiramdam ko may malalaman akong hindi ko magugustuhan.
"I s-saw them k-kissing.." nakayukong sabi pa din niya.
Nakaramdam ako ng sakit sa tiyan na hindi mapapaliwanag.
"B-baka naman they are just talking? Baka nagpapaalam lang si Ashton kasi ikakasal na ako tapos may boyfriend na si Elodia.. Baka ganun lang" pilit na pagkumbinsi ko kay Avery at sa sarili.
"Hindi lang yun ang nakita ko.. May narinig din ako.." muling sabi niya pero ngayon ay nakatingin na siya sa mga mata ko "Sa palagay ko may nangyari sa kanila bago ang gabing 'yun.." kagat labing sabi ni Avery habang may malungkot na ekspresyon.
Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na panaginip lang lahat ang naririnig ko.
"Paano mo naman nasabi?" kalmado pa ding tanong ko.
"Narinig ko si Ashton.. Sabi niya sobrang nasarapan siya sa ginawa ni Elodia.."
Hindi ko na kinaya ang emosyon ko at kusang tumulo ang mga luha sa mata ko.
Parang pinag sakluban ako ng langit at lupa. Hindi ko maipaliwanag ang emosyong nararamdaman ko ngayon.
"I'm sorry.. Sinabi ko ito hindi para sirain ang relasyon niyo.. Sinabi ko ito para pag isipan mong mabuti ang kasal niyo.." nakayukong paghingi niya ng tawad.
Wala akong masabi. Parang napipi ako sa mga narinig ko.
Ayaw kong maniwala pero nandito ang pakiramdam ko na totoo ang sinasabi ni Avery.
Ito ang ikalawang beses na umiyak ako sa pampublikong lugar kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko saka ngumiti.
"Kain na tayo.. Pag tapos natin dito umuwi na muna tayo" pilit na ngiting sabi ko.
Tahimik lang kaming kumain.
Hindi ko naubos ang kinakain ko dahil pakiramdam ko ayaw itong tanggapin ng katawan ko.
Hanggang sa byahe at pag uwi ay tahimik lang ako.
Hinatid ako ni Avery sa bahay at mabilis akong dumeretsyo sa kwarto nang maabutan ko doon si Ashton.
Naka leave pala siya for one month. Natatawang bulong ko sa isip.
"Ang aga niyo naman ata, love" akmang lalapit sana siya at hahalik sa noo ko nang itulak ko siya.
YOU ARE READING
Asier
قصص عامةTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...