DIAMOND 30: LIFE

451 16 0
                                    

LOVELYN POV.(POINT OF VIEW)

NANDITO kami ngayon sa kusina kumakain. Katabi ko ngayon si Alexander at nangungulit na naman. Gusto ko siyang sipain sa ilalim ng mesa pero baka magtaka sila. Nanggigil na ako sa kanya para siyang bata!

"Babe try this one. Ito yung favorite ko. Shrimp" napatingin naman ako sa binigay niyang sea food masarap sanang kainin pero bawal ako sa ganiyang pagkain.

"Ahm bawal kasi ako sa ganiyang pagkain Alexander." Sabi ko nadismaya naman ang mukha nito. Bigla akong nakonsensiya.

"Parehas pala tayo iha, bawal din ako sa sea food pero nakahain lang yan dahil sa kambal. Paborito kasi nila." Napatingin naman ako kay tita. Sobrang ganda niya sa totoo lang. Pero may unti unti na akong nalalaman sa pamilya nila. Hindi pala sila basta basta. Magreresearch ako mamaya tungkol sa north korea.

"Ganun po ba. " iyon nalang ang nasabi ko dahil wala naman talaga akong masabi. Tahimik lang kaming kumakain. Naiilang ako sa ganito.

"Iha pwedi ba tayong mag usap mamaya?" Basag ni tita sa katahimikan. Tumango naman ako at tinapos ka agad ang pagkain ko. Pinakiramdaman ko ang dibdib ko pero wala akong nararamdamang kaba. Dumeretso ako sa Garden dahil doon daw kami mag uusap ni tita. Bigla namang tumabi sa akin si tita at ngumiti. Sandali ang katahimikan sa aming dalawa. Ayaw ko din magsalita.

"Mahal na mahal ka talaga ni Alexander iha." Biglang sabi nito napayuko naman ako. Bakit niya sinasabi to? "Iyon ang nakikita ko sa kanya." Patuloy nito. Mahal ba talaga ako ni Alexander? Napailing naman ako. Bakit ko ba tinatanong iyon sa sarili ko. Natural oo dahil hindi naman siya magseselos kung hindi niya ako mahal. Matalino ka nga lovelyn. Bobo ka naman sa pagmamahal haysss.

"Ano nga ulit ang apelyedo mo iha?" Tanong ni Tita.

"Lust po." Sagot ko.

"Pwedi mo ba akong kwentohan ng buhay mo?" Napatingin naman ako kay tita. Bakit masyado siyang interesado sa buhay ko? Hindi naman ako nakapagsalita. Ako lang ang nakakaalam kung anong meron sa buhay ko. Tapos may tao ngayon na nagsasabing kwentoha ko siya. Mommy pa talaga ni Alexander. "Don't worry. Ako lang ang makakaalam." Napatango naman ako at bumuntong hininga. Wala naman sigurong masama kung. Mag kwe kwento ako.

"Bata pa po ako. Alam ko na kung sino po ako. Mahirap lang po kami ni nanay adilaida. Siya po yung nag ampon sa akin." Huminto ako sa pagsasalita at inaalala ang nangyari noon. Masakit para sa akin na nawalan ako ng ikalawang ina. Ang tunay na ina kong kinikilala. "Masyadong mabait po sa akin ang nanay ko. Maalaga at responsable. Bata pa po ako alam ko nang ampon ako dahil sinabi niya po sa akin iyon. Nakita niya daw ako sa harap ng pintoan nila. At may nakasabit doon kung ano ang pangalan ko kaya yun ang pinangalan niya sa akin. Habang lumalaki ako siya narin ang kinilala kong tunay na ina. Hindi rin po ito nagtagal dahil matanda na po iyon." Naalala ko na naman ang pagkamatay ni nanay. Huling sinabi niya sa akin na " Magkikita rin kayo ng tunay mong ina. Wag kang mawalan ng pag asa anak. Ipagpapatuloy mo ang iyong pag aaral. Dahil alam kong magkikita rin kayo." Napayuko ako ng naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Kahit ganit ako. Sobrang sakit. Sobrang sakit mawalan ng ina. Lumaki kang ikaw lang ang nagbubuhay sa sarili mo. Wala kang mapapagsabihan ng problema mo. Wala kang masasandigan pag pagod ka. Sobrang sakit. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni tita kaya napahagulhol na ako ng iyak.

"Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ko iha. Ilabas mo lang iyan nandito lang ako." Mas lalo akong napaiyak ng marinig ko ang sinabi nito. 😭😭😭😭

"Ma-masakit po kasing mawalan ng ina. Sobrang sakit. Yung tipong gusto ko naring sumunod sa kanya pero hindi ako pinapakinggan ng Diyos." 😭 ang sakit.

"Ginawa yan sayo dahil alam niyang malakas ka. At may mararating ka sa buhay. Wag mong sabihin yan iha dahil hindi lang ikaw ang naghihirap sa mundo. May mga bata ring nangungulila sa mga magulang nila. Kaya kung ako sayo. Patatagin mo ang loob mo." Hindi ako sumagot. Tama si tita dapat patatagin ko ang loob ko. Hindi dapat ako nagpapadala sa emosiyon ko. Kumalas ako sa pagkayakap ni tita at pinahid ang mga luha ko.

"Hindi ko man naranasan ang nararanasan mo iha. Pero sasabihin kong dapat magiging matatag ka. Dahil darating ang ang panahon na mawawala din yang hirap na naranasan mo ngayon.."

"Salamat po tita. Ngayon ko lang po kasi nailabas ng lahat na hinanakit ko." Pagsasabi ko ng totoo. Si tita lang ang napagsabihan ko ng totoo kong buhay. Alam ko kasing mapagkatiwalaan ko si tita. Pero isang bagay na hindi ko dapat sasabihan ko kay tita. Na binilin sa akin ni Nanay Na Taga South korea ang mga magulang ko. Gusto ko paman magtanong pero binawain na ito ng buhay.

"Maiba tayo iha." Napatingin naman ako kay tita.

"Ano po iyon?" Bigla naman nagseryoso ang mukha nito

"Alam kong narinig mo ang usapan namin nila Alexander kanina." Nabigla naman ako sa deretso nitong sabi. Yumuko ako.

"Pasensiya na po kayo pero hindi ko po kasi sinasadyang marinig. Nagkataon lang po talaga na bumaba ako galing kwarto dumeretso ako  malapit sa kusina dahil kumuha ako ng mansanas." Paliwanag ko. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko dahil nakinig ako.

"Wala namang problema iyon iha. Pero alam kong nasasaktan ka." Napatingin ako kay tita. Bakit ba masyado niyang nababasa ang emosiyon ko? Mind reader ba siya? Hala hindi ko alam na may kapangyarihan sila Tita. Pero magic is doesn't exist naman diba?

"Ano po ba ang ibig niyong sabihin? Pwedi po bang deretsuhin niyo nalang ako?" Pagtatanong ko. Umiwas ito ng tingin.

"Alam mong bawal ka mahalin ng anak ko iha." Napapigil ako ng hininga ng marinig ko iyon. Para akong nanlamig. "Hindi na namin alam paano ipaintindi kay Alexander ang sitwasyon na pinasok niya." Sinasabi niya bang layuan ko si Alexander? O sinasabi niya bang hihiwalayan ko si Alexander?

"Tita." Gusto kong magsalita pero yun lang ang lumabas sa bibig ko. Nasasaktan ako.

"Iha gusto kita para sa anak ko. Pero hindi ko gusto maranasan ng mga anak ko ang sitwasyon na sinapit ng daddy niya noon." Napakunot noo naman ako.

"Hindi niyo naman po kasing maiwasan ang sitwasyon nayun. Wala pong pinipiling batas ang pagmamahal." Sabi ko.

"Alam ko iha. Pero sana maintindihan mo na hindi ko kayang makita ang anak ko na naghihirap."

"Pwedi po bang deretsuhin niyo nalang ako?" Pigil na hininga kong sabi.

"Ipaintindi mo lang sa anak ko ang sitwasyon na pinasok niya. Yun lang iha. Mauna na ako. Salamat." Hindi ako sumagot at at hinayaan lang si tita na maka alis sa tabi ko. Bigla namang tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko. Masakit. Walang sinabi si tita na hihiwalayan ko ang anak niya pero sa ganun sitwasyon nayun. Parang sinasabi niyang kailangan ko iyon gawin. Tumayo ako at naglakad papuntang kwarto. Umupo ako sa kama at hinawakan ang dibdib ko. Kailangan ko ba talagang gawin yun? Kailangan ko. Ba talagang ipaintindi sa kanya? O ako nalang ang mag iintindi sa kanya. Ako nalang ang lalayo, ako nalang ang  susuko. Makikipaghiwalay nalang ako. Pumikit ako pero hindi ako dinadalaw ng antok. Bumaba ako ng hagdanan. Pababa na sana ako pero biglang lumabas si Alexander sa kwarto niya. Hayssss.

"Babe!" Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Itong lalaki na ito ang hindi mo kayang isuko pero gagawin mo ang lahat para lang hindi siya masaktan. Napakaselfish ko dahil sinusolo ko ang problema ko. Lumapit ako sa kanya at yumakap. Kahit ito nalang ang huling yakap ko sayo.
"Haha namiss moko ka agad no?" Napangiti naman ako.
"Oo"
"Haha sabi ko na nga ba eh." Mas hinigpitan pa nito ang yakap sa akin kaysa yakap ko sa kanya. Mamimiss ko to Alexander. Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at tumingin. Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya. Alam kong nagbigla siya pero pumikit nalang ako. Mahal na mahal kita Alexander. Pero mas pipiliin kong hindi ka masaktan.

SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon