LOVELYN POV.
"ANG sarap ng halik nayun babe. Pwedi isa pa?" Natawa naman ako sa sinabi ni alexander. Loko talaga. Hinila ko siya pababa ng hagdan. Kahit ngayong gabi lang Alexander. Makasama kita. Pumunta kami ng kusina at kumuha ako ng mansanas. Humarap ako sa kanya.
"Babe? May problema ba?" Umiling naman ako. Ngumiti ako ng pagka tamis tamis.
"Gusto lang kitang makasama ngayong gabi." Sabi ko saka humiwa ng mansanas at inabot sa kanya. Alam kong nagtataka siya pero kinuha niya parin ito. "Hindi ka naman ganito babe naninibago ako sayo." Umiwas ako ng paningin habang ngumunguya.
"Ayaw mo bang makasama ako?" Tanong ko.
"Hindi naman babe, hindi ka naman kasi talaga ganiyan eh."
"Pwes masanay kana Alexander." Malamig na sabi ko. Nagulat naman siya. "Gusto lang kitang makasama Alexander masama ba iyon?" This time tumingin na ako sa kanya. Pero nakangisi ito. Ano na naman ba ang naisip ng lokong to.
"Gusto mong makasama ako ngayong gabi?" Nakangisi niyang tanong. Tumango naman ako. "Buong gabi babe?" What the hell! Ano bang inisip ng lokong to.
"Hindi. Dalawang oras lang." Sabi ko saka tumawa.
"Tss." Nagkwentuhan kami ng ilang oras hanggang sa makaramdam na ako ng antok.
"Matutulog na ako." Sabi ko saka tumayo. Tumayo na din siya. Umakyat ako ng hagdanan at dumeretso sa harap ng pintoan ko.
"Salamat." Ngiting sabi ko.
"Your welcome babe." Lumapit ako sa kanya at tumingkad. Hinalikan ko siya sa pisngi at pumasok na sa kwarto. Saktong pagsira ko nito ay siya naman ang pagtulo ng mga luha ko. Dumeretso ako sa kama at natulog na.
KINABUKASAN. 💗💗💗💗💗
Bumangon na ako at pumunta sa banyo. May kabang nararamdaman ako ngayong araw na ito. Ngayon ang Practice ng Intramurals. Marunong naman kasi talaga ako mag billiards pero noon yun sa dating skwelahan na pinasukan ko. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ngayon. Tatlong taon na din akong hindi nakapaglaro. Simula nung Grade 7ako. Bumaba na ako sa kwarto at dumeretso sa kusina pero bago pa ako makapasok may humila sa akin.
"Alexander." Gulat kong sabi. Hinila ako nito at niyakap. Ano bang ginagawa niya? Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Narinig mo ba ang mabilis na pagtibok ng puso ko?" Hindi ako sumagot at bahagya akong tumango. Mabilis ang pagtibok nito.
"Ganiyan kabilis ang tibok ng puso ko lumalayo ka sa akin. Pakiramdam ko lalayo ka ng wala sa oras. At iiwan moko ng walang dahilan." Napalunok ako ngayon ang balak kong makipaghiwalay sa kanya pero parang umurong ang dila ko.
"Alexander."
"Please wag mokong iwan. Ipangako mo yun" kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at tinignan siya.
"Alam mong hindi tayo pwedi Alexander." Sabi ko. Wala akong nakitang emosyon sa mukha niya. Pakiramdam ko bumalik ang Alexander na unang nakilala ko.
"Ipaglalaban kita." Sagot niya. Bahagya naman akong nagulat.
"Hindi ko kayang makita kang masasaktan Alexander. Sana naman naiintindihan mo ako. Mas sapat na sa akin na makipaghiwalay sayo. Wag ka lang makitang maparusahan." Napayuko ako ng naramdaman ko ang pagtitig nito sa akin.
"Sa tingin mo. Kung makikipaghiwalay ka sa akin hindi mo ako masaktan? You think masakit ang parusa kaysa hiwalayan mo ako? Damn!" Napapikit ako ng sumigaw ito. Bigla namang lumabas sila tito at tita pati si princess galing sa kusina. Naiiyak na ako.
"What happened here?" Tanong ni tito pero hindi ako nakasagot. Hindi rin siya sinagot ni Alexander. At sa akin lang nakatitig. Bumuntong hininga ako at kumuha ng lakas sa sasabihin ko.
"Ayoko na." Biglang sabi ko. Nagulat naman si Alexander sa sinabi ko.
"What?"
"Ayoko na" pag uulit ko sa sinabi ko. "Hindi na kita mahal." Patuloy ko. Biglang kumirot ang puso ko. Ang sakit. Ang sakit magparaya sa isang bagay na alam mong kayong dalawa ang masasaktan. Sobrang sakit.
"Haha I don't believe you. Alam kong mahal moko." Tumingin ako sa kanya at tinitigan siya sa mata.
"Hindi na kita mahal Alexander. Please" sabi ko.
"Bes? Bakit mo sinasabi iyan." Napatingin ako kay princess at nagtatakang tumingin ito sa akin. Sila tito at tita naman ay hindi nakisali sa amin.
"So your saying that what happened last night is Fake?" Umiling naman ako. No hindi yun peke.
"Hindi. Gusto lang kitang makasama sa huling gabi ko dito."
"Huh!!!!? At mas pinili mokong masaktan???!! Ganun ba!!?" Sigaw nito.
"Alexander." Suway sa kanya ni tita.
"I can't believe this lovelyn. Mas pinili mong sumugal kaysa sabihin sa akin yang problema mo? Why? Sinabi ko din ba sayong pagod na ako? Na nahihirapan ako sa sitwasyon ko? Na kahit alam kong bawal mas pinili kita.!" Singhal niyang sabi. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Oo nga. Hindi ko naisip yun. Masyado akong makasarili sa isip ko. "Wala akong pakialam kung ano ako. Dahil kaya kong tanggapin ang lahat wag ka lang masaktan!"
"Hindi mo ako naiintindihan Alexander. Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko!!" Sigaw ko sa kanya. At pinahid ang mga luha ko. "Oo mahal kita. Mahal na mahal kita. Kaya ko to pinili. Kaya ko to ginawa dahil sayo. Ayaw kong makitang nahihirapan ka. Ayaw kong makita na dahil pinili mo ako dahil ayaw mo akong masaktan pero hindi ko kayang makita ka na nasasaktan dahil sa akin!" Hikbi kong sabi. Hinawakan ako ni tita sa balikat dahil bigla akong nahilo.
"Sa tingin mo ngayon hindi ako nasaktan?" Umiyak lang ako. Masakit na masakit. "Mas masakit sa akin itong ginawa mo dahil mas pinaramdam mong pinili mo ang sinasabi ng iba kaysa makinig sa nararamdaman mo."
"Alexander." Umatras siya ng lumapit ako. Nakikita ko sa kanya na nasasaktan siya. I'm sorry. I'm so sorry.
"Kung yan ang hinihiling mo sa akin babe. Makinig ka sasabihin ko." Pinahid ko ang mga luha ko saka dumeretsong tumingin sa kanya. "Sinaktan moko, nasaktan moko, akala ko ikaw na yung babaeng mamahalin ko sa buong buhay ko. Na aalagaan ko at pro proteksiyunan. Pero mali ako sa iniisip ko dahil heto ka ngayon . sinasabi sa harapan ko na hindi mo ako mahal. Na mas pinili mong wag kong saktan. Tingin ko sa sarili ko ang duwag ko dahil hindi ko man lang pinaramdam sayo ang totoong tatag na meron tayo." Bigla namang tumulo ang luha niya galing sa mga mata. Nasasaktan ako.
"Kung yun ang hinihiling mo. Pwes ngayon PINAPALAYA NA KITA." Sabi niya at umalis. Para akong binagsakan ng mundo. Sobrang sakit. 😭😭😭😭
BINABASA MO ANG
SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETE
General FictionWhat will you choose? Law Or Love. What if The love has a Law. Pipiliin mo bang sumugal para sa kanya? O Mas pipiliin mong Masaktan para lang hindi siya masaktan? Do you already Fall in love with someone? Na kahit anong hirap ang dinanas mo makit...