19

19 0 0
                                    

"May gusto ka ba sakin?"

Halos matimbwang ako sa kinauupuan ko dahil sa tinanong nya! Seryoso syang nakatingin sa akin habang nakahalumbaba. Natulala pa ako dahil hindi ko alam ang isasagot.

Nakakahalata na ba sya?!

"May gusto ka ba sakin?"

At talagang inulit pa! Natatameme ako, naghahanap ng isasagot. Ayokong umamin! Baka masira lang ang pagkakaibigan namin. Sa nakikita ko kasi, maraming nasisirang friendship dahil lang umamin ang isa.

Anong isasagot ko?! Shet!

"Uy Sab." untag nya pa sa akin.

"H-ha?"

"May gusto ka ba sakin?" ulit nya.

"A-ano, ah.." natatamemeng tugon ko. "Ah ano.. Oo naman!"

Nakita ko pa ang bahagyang pagkagulat nya. Gusto kong batukan ang sarili ko sa idadahilan ko!

"G-gusto kita as a friend! Kaya nga tayo naging f-friends kasi g-gusto nating maging f-friend ang isa't isa d-diba?" utal utal at naiilang na tugon ko.

Sinungaling ka Sab!!

"Hmm, okay." tanging naisagot nya nalang. Namagitan naman ang awkward silence sa pagitan namin.

Maging sa pag-uwi ay walang nagsasalita sa amin.

Dire diretso lang akong pumasok ng bahay. Lutang ako na ewan. Narealize ko lang na naiwan ko pala si Neo sa labas. Sumilip pa ako sa bintana, andun pa sya. Nagkamot lang ng ulo sabay umalis na. Nakakaloka! Bat ba nya kasi kailangang itanong?! Ayokong mapaamin ng wala sa oras!

Nang mga sumunod na araw ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako umiiwas kay Neo. Basta ang alam ko lang, nahihiya ako bigla sa mga ginawa ko sa kanya...

Yung mga pagyakap ko, pag-akbay ko, pag-gulo sa buhok nya, kaya siguro inassume nya na may gusto ako sa kanya...

At meron nga.

-------------------

"Ang kakapal ng mukha nyo mga putangina nyo! Kung may gusto kayong sabihin, sabihin nyo ng harap harapan! Hindi yung magpaparinig kayo kada dadaan ako para kayong mga tanga!" sa bungad palang ng canteen ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Jade kaya naman nagmamadali akong pumasok dito. Naabutan ko naman syang hawak hawak at pilit pinapakalma ni Chloe.

"Sab! Tulungan mo ko dito! Ayaw paawat! Maprincipal tayo neto!" inis na inis ng sabi ni Chloe. Agad namang napatingin sakin si Jade at sila Shantal.

"Jade halika na, sabi ko naman sayo wag mo na-"

"Putangina Sab hindi! Sumosobra na yang mga haliparot na yan-"

"Jade ano ba! Canteen to! Dito ka pa talaga umeksena?! Andami daming taong kumakain! Nasa school grounds ka pa! Mamaya ka na mang-away pag nasa labas ka na-"

"Putangina wala akong pake!" sigaw pa nito at natahimik naman ang lahat. "Kahit saang grounds mampuputak ako! Tangina kung ganyan lang din naman pala ang ugali ng puputakan ko!" turo pa nito kela Shantal.

"Ano bang ginawa namin sayo?!" maarteng tanong ni Jamie. "Kumakain lang kami dito tas bigla bigla kang manunugod?!"

"Putangina kung makapagparinig kala nyo nakalunok kayo ng megaphone!" gitil na sigaw ni Jade. "Tapos ano yung pinaparinig nyo? Kinantot ko yang bagong jowa ni Ashley?! Eh puta pakiealam ko don! Mahilig kayo gumawa ng issue na wala namang katotohanan!" sigaw pa ni Jade.

"Eh totoo naman ah?!" humarap si Ashley. "Ikaw ang rason kung bakit kami nagbreak! Dahil jan sa kalandian mo!" maarteng sigaw nito.

"Tama na pwede ba?!" inis na sabi ko! "Kung magsigawan kayo kala nyo nasa palengke kayo! Kulang nalang maglagay ng isda at gulay dito! Kababae nyong tao daig nyo pa ang armalite kung magbunganga!" sigaw ko sa kanila parehas.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon