Excited ako ngayong araw dahil 7th monthsarry na namin ng aking Mahal na si Rex.Ang Saya dahil kahit bakla ako umabot kami sa 7 months bibihira Lang ang mga baklang umaabot sa Ganon katagal na relasyon, dahil iba sa mga magkarelasyong bakla at lalaki ay 'di umaabot sa ganun katagal na relasyon dahil syempre lalaki ang Isa bakla naman ang isa kaya di malayong magkahiwalay Sila siguro dahil narin sa lalaki na Kung di dahil sa pineperahan Niya Lang ang bakla ay pwede rin sa isang deal nilang magkakaibigan.Pero iba si Rex kahit kelan di Niya ako pinerahan o lokohin man Lang, siya nga ang gumagastos sa aming dalawa kahit pareha kaming mayamang hehe ang swerte ko masyado sa kaniya.Papunta ako ngayong araw sa park Kung saan Niya ako susunduin.
"Mahal papunta na ako diyan sa park ,otw nako siguro mga 15 mns nandyan na ako wait moko ah naka Jeep Lang ako katulad ng sinabi mo di ako nagdala ng sasakyan"
"Kahit anong oras ka pa dumating Wala namang magbabago Mahal parin Kita hahaha pero seryoso Mahal wait Kita love you".malambing na pagkakasabi nito na kinakilig ko pero di ko dapat ipahalata
"Sus nambola pa opo palapit nako end call ko na toh bye mahal I love you too :)".Nahihiyang sambit ko kasi kahit matagal na kaming magkasama kinakilig parin ako sa mga banat Niya
Pagkababa ko sa park ay nilibot ko kaagad ang mga mata ko at napansin ko ang isang gwapong binatang nakaupo sa Isa sa mga bench may hawak tong isang pulang bulaklak.Pinapanood ko Muna siya bago ako lumapit pero 'di nagtagal at Nakita rin ako nito at isang magandang ngiti ang binigay nito sa akin nakinablush ko.Kahit gusto ko pang tagalan ang panonood sa kanya ay Wala na akong choice kundi ang lumapit sa kaniya.
"Ikaw Mahal ah pinagpapantasiyahan mo nanaman ako ah hahaha"Biro nito nakinablush ko nung nakita nito ang mukha Kong namumula binawi Niya agad ang sinabi niya
"Biro Lang mahal ano Tara na punta na tayo sa sa sa sa..... secret syempre sikreto Lang Muna yun malalaman mo pagnandun na tayo".Rex
"Wow may pa surprise ang Mahal ko ahh siguraduhin mong magagandahan ako dun ah hahaha di joke lang"
"Tara na nga mahal kong Owen Alis na tayo habang di pa masyadong mainit pero sa Lugar na pupuntahan natin ay di mainit kasi kasi..... oo nga pala sikreto Lang Yun"
"Haha Tara na nga"
Hinawakan nito ang kamay ko at tumingin sa akin ng maganda nakinakilig ko nanaman at dinala ako sa kotse niyang nanggaling pa sa Italy regalo sa kaniya ng mama Niya isang brand new car na di pa nalalabas sa pilipinas sa Italy palang
Pinagbuksan Niya ako ng pinto at inalalayan ako sa pagpasok sa loob feeling ko babae ako sa ginawa Niya hahaha natawa nalang ako sa iniisip ko nang makapasok na ako sa passenger seat pumunta siya agad sa driver seat at pinaandar ang kotse
'Di ko Alam Kung saan kami papunta pero sa tingin ko papunta kami sa bundok o kaya sa gubat dahil makikita mong puro bukid,puno at kubo ang nadadaanan namin.Ang fresh at ang hanging na ikinatuwa ko Wala talaga akong kaideideya Kung saan kami papunta
"Mahal Wala pa tayo sa pupuntahan natin nakangiti kana".Rex
"Kasi ang aliwalas ng hangin, Mahal itatanan mo naba ako lalayo naba tayo hahaha charr Lang"Sabi ko habang tumatawa
"Baliw,Kung ano ano iniisip mo pero darating din tayo diyan at ikakasal tayo sa beach imbetado lahat ng pamilya natin".Nakangiting sambit nito na ikinangiti ko nalang din at binaling ang tingin sa window ng kotse
Habang nagdadrive si Rex narinig ko ang pagmura nito na ikinatingin ko sa kaniya.Sa mukha niyang 'yon makikita na para siyang natatakot at nag aalala,tingin to ng tingin sa side mirror ng kotse
"May problema ba Mahal?".Nagaalalang tanong ko
"Mahal higpitan mo ang seatbelt mo may sumusunod sa atin"pagkasabing pagkasabi Niya tumingin agad ako sa likod ng kotse at nakita Kong may sumusunod nga saming itim na kotse.
"Mahal baka Naman parehas Lang tayo ng Lugar ng pupuntahan?"
"Hindi eh kanina ko pa Sila napapansin kumapit ka ng mabuti bibilisan ko na ang pagpapaandar ng kotse 'di muna tayo tutuloy sa pupuntahan natin Mahal delikado ang buhay nating dalawa sa ngayon"
Mabilis ang pag andar ng kotse ni Rex napatingin ako sa kabilang kotse at 'di nagkamali si Rex sumusunod nga it samin dahil bumilis rin ang pagpapaandar ng kotse nito na ikinaabala ko.natatakot ako sa maaaring mangyari, ayaw Kong may mangyari sa aming masama
Ipinagtataka ko Lang bakit naman niya kami susundan wala namin kaming dalawang ginagawang masama wala rin akong nakaaway maliban nalang Kay Rex dahil habang naliligo ako may nabasa akong message sa cellphone Nito at sabing 'bilang na ang maliligayang araw naming dalawa' hindi ko nalang pinansin Yun kasi baka wrong message lang at nagdududa narin ako minsan sa mga kilos ni Rex dahil tuwing Gabi bago ako matutulog nakikita ko nalang na parang may ka chat siya at pagnatapos niya ng basahin ay titignan niya ako Kung tulog na ako at hahalikan nalang niya bigla sa noo at aalis.Ilang beses ng naulit Yun tinanong ko siya Kung saan siya pumupunta tuwing Gabi nauutal toh at sinasabing Wala siyang pinuntahan bumili Lang daw siya ng pagkain,nag cr,sa baba ng bahay natulog at iba pa pero di Naman ako nagdududa dahil Alam Kong Mahal niya ako at di siya nagsisinungaling sakin.
Habang nagdadrive si Rex ng mabilis nakarinig kami ng maraming putok ng baril at ng Bomba pero buo parin ang kotse namin at walang nasaktan pero di nakaligtas ang gulong ng kotse namin"Shit Mahal Yung gulong natin natamaan ng bala ng baril kumapit ka". Kinakabahang sambit nito kasi na flatan na kami ng gulong na ikinabahala ko.
Umikot ikot Yung kotse namin at bumangga sa matirik na parte ng bundok malapit na mahulog ang kotse namin sa bangin ng tignan ko siya maraming dugo ang dumadaloy sa ulo niya at ang kaliwang kamay at dalawang paa niya na naipit ng kotse nakita ko na nanghihina na siya, ako rin nahihilo na pero mas pinilit ko ang maging matapang at kausapin siya.
"Mahal gumising ka kailangan na natin makaalis dito bago mahulog ang kotse natin". Naiiyak na sambit ko Kay Rex.
Ngumiti Lang ito at umiyak at sabing "Mahal kailangan mong makaligtas makakaligtas ka ako Hindi na naipit na ang kamay at paa ko ikaw okay pa pagnakaligtas ka ay mamuhay ka ng maayos at wag Basta bastang sumama sa mga lalaking nakikita mo mag isip ka baka kasi maloko ka Lang at Sana maging masaya ka kapag nawala na ako buksan mo ang pinto sa tabi mo buksan mo na Yan at umalis"
"HINDI! Di Kita iiwan dito akala ko ba magsasama pa tayo ng matagal wag mong iiwan Sabi mo magpapakasal pa tayo makakaligtas pa tayo dito".Naiiyak na sambit ko
"Mahal di ko na kaya namanhid na ang kamay at paa ko nanlalabo narin ang mga mata ko di na ako makakatakas ikaw nalang bilisan mo mabuhay ka at Sana....... Sana wag mokong kalimutan".Sabi nito at nawalan ng Malay
"Mahal wag mokong iiwan,Mahal Naman ihh wag mokong pinagloloko loko Mahal Mahal haaaaaa shit sumagot ka Rex mahallllll".Hagulgol na iyak ko
'Di na talaga siya sumagot sinubukan ko nalang buksan ang pinto sinipa sipa ko ito kahit nanghihina na ako, successful Naman at nasipa ko ito at nakalabas ako, pagkalabas ko tumingin agad ako Kay Rex "Mahal tatawag ako ng tulong stay still plss Mahal wag mokong iiwan"
Pagkatapos Kong sabihin Yun nahulog na ang kotse niya sa bangin at sumabog ata dahil may nakita aking usok sa mga puno di ko na nakita ang susunod na nangyari sa kotse niya dahil sobrang taas ng bangin at nahulog ito sa kumpol ng mga puno
"Mahallllll! Di maaari Mahal, di ko kaya Rex ng wala ka".Sabi ko at bigla akong nanghina
Bago ako mahimatay ay nasabi ko ang katagang "Rex mahal di Kita makakalimutan I love you Sana Kung nasaan ka man ngayon maging masaya ka". Ngiting sambit ko at nawalan ng Malay pero may naaninag akong lalaking papunta sakin at binuhat ako papunta sa kotse niya at Wala na akong nakita pa
___
Perstaym ko magsulat kaya wag niyong husgahan saktan ko kayo diyan char hahaha di jokjok lang baka maimbyerna agad kayo bigla
Sorry for typos and errors Kung mangyari mang English at wrong grammar yaan niyo nalang at intindihin Bobo kasi ako charr thank you sa pagbabasa ng prologue wait tayo sa chapter 1 hinay hinay Lang muna mahina kalaban nagbabasa rin ako kaya Wala paring masyadong maisusulat baka maluga kayo diyan sa bahay niyo hahaha ;).
BINABASA MO ANG
That assassin nerd is into me(BxB)
RomanceSi owen ay isang mayamang estudyante na pumasok sa SCIS para maglaro ng volleyball ngunit nagbago ang lahat ng nakaalala siya mula nung nag ka amnesia nung bata pa siya. Paano kung ang taong may gusto sayo ay isang assassin pala,ngunit paano kung pa...