Maaliwalas ang buong paligid, bakas sa mukha ng mga taong nakapaligid na masayang masaya sila ngayong araw nato. Sino ba naman ang hindi magiging masaya, ang aming Alpha Javier ay may ipinakilala ng mate."I really appreciate you all celebrating here with us for your Luna Chloe." Magiliw na sabi ng aming Alpha, mababakas mo ang saya sa kanyang mukha. Nasa gitna sila ng malapad na stage ng Luna na may nakakaakit na mga ngiti at dala ang mark ng aming Alpha.
Si Luna Chloe ay bestfriend ko, isang mahinhin at magandang babae. Kulay gatas ang balat, balingkinitan ngunit makurba ang katawan, may matangos na ilong, matangkad at mapupungay ang kanyang mga mata. Bagay na bagay kay Alpha Javier na gwapo, makisig, matangkad at malaki ang pangangatawan na kayang kaya protektahan ang aming Luna at ang buong pack.
Lahat ng nasa paligid ni Eerah ay nagsasaya. Napahawak na lamang ang babae sa kanyang dibdib habang nakatingin kung nasaan ang dahilan ng pagsikip ng kanyang dibdib. Habang nakatingin ng matiim sa kanyang Alpha ay napansin din ng lalaki ang kanyang mga titig at sila ay nagkatitigan.
Umiwas ng tingin ang kanyang Alpha at hinalikan si Luna Chloe. Napaiwas ng tingin si Eerah sa ginawa ng lalaki at nanatili sa pagkakasandal sa puno ng acacia. Napatitig sa kawalan si Eerah.
Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Eerah at marahas na umiling. 'I thought mates are important for werewolves, so what happened? B-bakit iba pinakilala nyang mate at hindi ako?' My bahid na sakit na pagkausap nya sa kanyang sarili.
'This is bad, I shouldn't feel this, I don't even have feelings for him kaya dapat hindi ko to maramdaman.' pag alo ni Eerah sa sarili. Hindi naman kasi malapit ang babae sa kanyang alpha kaya kahit mates sila dapat hindi sya maging desperada sa lalaki kahit masakit. A woman shouldn't act like that. Her mother taught her that when she was still alive. But also, her mother is the one who told her that a mate is the most important for a werewolf.
Umalis na si Eerah at naglakad na papunta sa kanyang bahay. Ano namang gagawin nya dun? Makikisaya kagaya nila? Hindi sya hipokrita para gawin yun kahit na hindi halatang nasasaktan sya.
Pagkapasok ng kwarto ay tumunog ang kanyang cellphone. "Eerah kelan na ba ang alis mo sa pack mo? Nababagot na ko dito." mabilis na sabi ng nasa kabilang linya na si Calvin.
Si Calvin ay pinsan ko sa mother side pero walang nakakaalam nun dahil magkahiwalay kami ng pack. Belong kasi ako sa Midnight Pack samantalang sya ay Beta (right hand ng Alpha) sa Bloody Moon Pack. Kung parehong may time ay palagi kaming nagkekwentuhan kaya nasabi ko din sa kanya na ang mate ko ay may piniling iba.
Gusto nya kong lumipat sa kanila na ganun ding gagawin ko. Ayaw kong maging martyr na kahit nasasaktan na didikit pa din ako. Mas lalo lang akong masasaktan.
"Bukas Calv magpapaalam ako sa aming Alpha. Gusto ko na din ng new environment." sagot ko agad sa kanya kasi totoo naman, kung ayaw sakin ng mate ko bahala sya ayaw ko din sa kanya.
Nag impake na ako ng aking mga gamit, Hindi naman karamihan ang mga gamit ko dahil hindi naman ako mahilig bumili. Nang matapos ay humiga ako sa kama at napatitig sa kisame.
"Hindi ko naman hiniling na mataas sana ang posisyon ng magiging mate ko eh. Kahit sana omega na lang tanggap ko naman, importante tanggap lang din ako." Mapait at malungkot na sabi ni Eerah. Hindi nya talaga ineexpect na ang kanilang Alpha ang kanyang mate na long time boyfriend ng kanyang bestfriend. Nakatulog sa pagod sa kakaiyak ang babae.
Kinaumagahan ay nag ayos kaagad si Eerah at pumunta ng office ng kanyang Alpha para magpaalam dahil hindi pwedeng umalis na lang sya kaagad ng hindi nagpapaalam, krimen iyon.
Kumatok si Eerah sa pintuan at ng marinig ang go signal ay binuksan nya na ang pinto at pumasok. Napapikit ang babae ng maamoy ang mahalimuyak na amoy ng kanyang mate, fresh rain and cinnamon.
"What do you need?" Matiim na tanong ng kanyang ex-mate habang tinitingnan sya ng taas-baba at tumigil sa kanyang dibdib.
"I want to leave this pack and start a life on my own." Maikli pero seryosong sabi ni Eerah. Kung pwede lang umalis ay kanina pa sya nakaalis at on the way na papunta sa Pack ng pinsan nya pero hindi pwede kaya tiis muna.
Natigilan ang lalaki at mabilis na tumitig sa kanyang mga mata. "What?!" Tumaas ang boses ng lalaki na ikina-igtad nya. "You're not leaving! You can't leave!" Sigaw ulit sa kanya. Umigting ang panga ni Javier at mabilis na nakalapit sa kinatatayuan nya.
Nag init ang ulo ni Eerah sa narinig pero pinanatiling kalmado ang mukha. "I'm not asking for your permission, I'm just informing you." Simpleng sabi ng babae at pinipigilang sigawan din si Javier. 'How dare he! Hindi ako pinanganak para sigaw-sigawan lang!' Galit na sigaw na lang ni Eerah sa isipan.
Mahigpit na kumuyom ang mga palad ni Javier at mahigpit na hinawakan ang braso ni Eerah. Pilit na nagpumiglas ang babae ngunit masyadong malakas si Javier kaya kahit anong pilit na kumawala ay hindi sya makawala.
"No! You're not leaving! You hear me? You're mine!" Malakas na sigaw ng lalaki kay Eerah na nagpainit lalo sa ulo nya at hindi na din nya napigilang kumalma.
"I'm not yours! And I will never be! Remember that asshole!" Sigaw pabalik ng babae at tinadyakan ang gitna ni Javier dahilan para makawala sya sa mahigpit na hawak nito. Siguradong magkakapasa sya sa higpit ng pagkakahawak nito.
"I need you. My wolf needs and crave you." Nakapikit at mahigpit na hinawakan ni Javier ang kanyang sariling buhok. "But I love Chloe." Nakayukong dagdag ng lalaki. Napaluha si Eerah sa sakit na nararamdaman pero pinatatag nya ang kanyang sarili.
"Then keep her. Let me go, it's better this way. Para hindi tayo magkasakitan." Mabilis na pinunasan ni Eerah ang kanyang mga luha at tumalikod sa lalaki. Nanghihina syang makita ito lalo na't may mahal na itong iba.
"No! I want you here! You're not going anywhere. This is where you belong, in my pack!" Madiin at umiigting ang mga pangang sabi ni Javier at hinila si Eerah palapit sa kanya at niyakap patalikod.
Kumalas ang babae at naglakad palabas ng office ni Javier. "You can't keep us both. I, Eerah Garcia, reject you Alpha Javier Williams of the Midnight Pack, as my mate." Mabilis na sabi ni Eerah habang mahigpit na napahawak sa kanyang dibdib at walang lingon-lingon na isinarado ang pintuan. Parang libo-libong karayom ang tumusok sa puso ng babae sa sobrang sakit at diretsong pumasok ng kanyang kwarto.
Sa loob naman ng office ay nagbasag ng mga gamit si Javier sa sobrang galit at sakit na nararamdaman. Pinaghahagis nya ang mga gamit na nakikita at napasigaw. Walang makakarinig sa labas dahil soundproof ang kanyang opisina.
Napayuko sa kanyang kama si Eerah at umiyak. "Bakit ganon? Ano bang ginawa kong masama para mangyari ito sakin? Ang sakit." Puno ng pighati na sabi ng babae habang nakayuko.
Napatigil sa pag iyak si Eerah ng marinig ang katok sa kanyang pinto. Dali-dali nyang pinunasan ang kanyang mga luha at tiningnan ang sa salamin kung presentable Ang kanyang mukha. Nang nakitang ok na ay binuksan nya ang pinto at ngumiti ng pilit ng makita ang kumatok.
"Waahhh bess I'm fully mated na!" Nagtitiling sigaw ni Chloe sa kanya, hinila sya papasok ng kwarto nya at nagtatatalon talon sa kama nya. You heard it right. Si Chloe ay bestfriend nya at hindi alam na mate ko ang boyfriend nya. Mas masakit kasi ako ang pinagsasabihan nya ng mga nangyayari sa kanila. I'm pathetic right? Wala eh 17 palang kami ng naging sila. Nauna sya at ngayong 22 na sila pa rin. Stay strong.
Ngumiti na lang ako dahil alam kong mabait itong Bestfriend ko at wala syang kasalanan. Hindi ko sisirain ang pagkakaibigan namin ng dahil sa lalaking hindi ako deserve.
If Javier wants to be with me, he'll choose me but unfortunately, it's my bestfriend that he wants.
Unlucky me.
BINABASA MO ANG
The Chase
WerewolfMate. It was supposed to be the most beautiful gift that a werewolf can receive given by the moon goddess herself. Unfortunately, Eerah Garcia was rejected by her 'supposedly' mate -her current alpha- and chose her bestfriend instead. Feeling betray...