Chapter 2

16 6 0
                                    

Anong ginagawa nila dito?

Ay teka nga, ano nga ba ulit ang mga pangalan nila? Hindi ko naman kabisado ang mga pangalan nila eh.

"Goodmorning Class, ngayon ay may bago kayong magiging ka blockmate. Galing sila sa Accountancy pero umalis sila doon lumipat dito sa Culinary. Kilalal nyo naman na sila diba? Kaya hindi--- Osige na nga lang, magpakilala kayo sa isa isa para sa mga hindi pa nakakakilala sa inyo." sabi nung prof namin.

Unang nagsalita ay iyong lalaking maputi, matangkad, at may dimple.

"My name is Yñigo Zamora, 21 yrs old" yun lang at pumunta na sya sa gilid para naman don sa isa nya pang kasama na magsasalita.

"Goooodddmorninngggg my name is Benedict Henry Barcellano, ang mukhang babae pero isa sa mga pogi saming mag kakaibigan and i'm 20 yrs old" ngiting ngiti at hyper na sabi nung isa, katulad nang nauna ay gumilid din sya.

"Next" sabi ni prof

"Jace Ivan Kernel"

*kruuu* *kruuu* *kruuu*

Katahimikan.

"And?" tanong pa ni prof

"That's all Sir" preskong sabi nya

Yun lang? Yun na yon? Hmp!

Umiling iling naman si sir bago ulit magsalita

"Oh sya doon na kayo sa likod maupo" sabi nya at inaayos na ang gamit

Likod? D-dito sa likod namin? ⊙_⊙

Ewan ko pero nagulat pa talaga ako at bumilis ang tibok ng puso. Ang ilang babae naman ay halos mangisay na sa kilig.

Wala namang nakakakilig ah? Porke ba nandito yung 3 eh dapat ng kiligin, sus di naman mga gwapo, mayayabang pa!

Naupo na sila at ang nasa likod ko ay iyong Jace Ivan ang pangalan, nagsalita naman si sir na mag start na daw ng quiz at exempted muna daw ang tatlo---

Quiz! Ay peste nawala sa isip kong may quiz pala! Ano ba naman yan! Huhu sana madali lang yung mga tanong, yung tipong pang highschool lang ganon tapos may choices huhu peste bat kase di ko alam na may quiz?!

"No. 1 What do we call the process of submerging veggies or fruits quickly in boiling water?"

Ha? Ano yon?

"No. 2"

Teka sir nak ng! Sinubukan kong tignan yung sagot ng katabi ko pero takip na takip si ate sa sagot nya

Kadamot.

"Which of the following kinds of pasta has its name meaning “little worms” in Italian?"

Ah! Alam mo yan haha!

Answer: Vermicelli

"No.3 Which dish do we have when cooking beef in puff pastry?"

La? Ano yon?

Nakita ko naman sa tapat ko si Tayler na may isinulat kaya sinipa ko bahagya ang upuan nya, tumingin naman sya kaya sabi ko "pakopya" pero walang tunog, iginilid nya naman bahagya ang notebook nya para maka kopya ako.

Answer: Beef Wellington

Hanggang sa sunod sunod na nag bigay si sir ng mga question at no.13 na

Living With 12 Dorks [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon