PROLOGUE

1.8K 39 2
                                    


A PAGE FROM THE MEMOIRS OF AN OLD, INTERFERING, MEDDLING, MANIPULATIVE, SCHEMING---

ERASE, ERASE...HMM...

A PAGE FROM THE MEMOIRS OF NEMO ASERON, THE MOST LOVING AND CARING GRANDFATHER...

Now, am I good or am I good? Eleven of my grandchildren has now found their perfect matches. Only four remains unattached and unwed. But not for long.

Lalo pa at lahat sila ay nakilala na ang mga kapareha nila. The only question now is what would they do about it.

Sa apat na natitira kong apo na wala pang kapareha ay si Danieca lang ang tila hindi ako bibigyan ng sakit ng ulo. Kaya sa palagay ko ay siya na muna ang isusunod kong manipulahin, este, gabayan sa paghahanap ng kanyang iibigin at pakakasalan.

Now, Danieca is not as stubborn as her older brother. Hindi rin siya tutol sa ideya ng pagpapakasal at pagbuo ng sarili niyang masayang pamilya. Kaya alam kong hindi niya mamasamain, tulad ng ginawa ng ibang pinsan niya, ang aking pangingialam, este, pagtulong sa kanyang makamit ang pinapangarap niyang pamilya.

Five years ago, akala ko ay mauunahan pa niyang magpakasal ang kanyang Kuya Dylan. Sapagkat lumapit siya sa akin at nagpapaalam na gusto na raw niyang magpakasal kaya kung maari ay tulungan ko siyang magpaalam sa kanyang mga

magulang. Sa malas ay tinuldukan ng isang malagim na trahedya ang kanyang pangarap. Dahil kabilang sa mga hindi

nakaligtas sa isang plane crash ang kanyang nobyo.

Nothing is more painful for a grandfather seeing his grandchild grieve for her lost love. Bagamat matapang na naikubli ni Danieca ang kanyang lungkot at walang patid na pangungulila sa yumaong minamahal niya, batid kong malalim ang iniwang sugat niyon sa kanyang puso.

At iyon ang dahilan kaya hindi siya nagkakaroon ng anumang relasyon sa kahit sinong lalaki ngayon. Nabanggit ko na ba na ang isang Aseron ay minsan lang magmahal ng tunay at wagas? Kung kaya naman nahihirapan ang pobreng apo ko na makahanap ng papalit sa puwang na inilaan niya para kay Nikolas Ibrahim sa puso niya.

I could not help her five years ago. Butnow, I hope that I could help her achieve her heart's fondest desire.

ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon