Kasama niya pagpunta dito sa mall kanina ang mommy niya, ang dalawang tauhan nila at si Tita Irma, ang ina ng mga pinsan niyang sina Irvine at Zrael. Nagpaalam siyang hihiwalay muna sa mga ito para makapamili mag-isa ng mga panregalo niya. Pero ang totoo, ayaw lang niyang mapuna ng kanyang ina ang hindi niya maitagong kalungkutan.
Ngayong araw kasi ang alam niyang pag-alis ni Nikolas
patungong Hamiranzi. Noong isang araw pa ito lumuwas ng Manila, sinundo mismo ito ng ina nito. Malamang nga kanina
pa naka-alis ng Pilipinas ang eroplanong sinakyan nito.
Ibinigay nito sa kanya ang address nito matapos niya itong kulitin at ipilit na kunin din ang mga addresses niya. Mga addresses dahil hindi lang ang address ng Aseron Castillo ang ibinigay niya dito. Kung hindi pati iyong address ng pamilya niya sa States, address ng bahay nila sa Paranaque at address ng ancestral house ng mga Aseron sa England ay ibinigay din niya dito para siguradong makakarating pa rin sa kanya ang mga sulat nito kahit saanman siya naroon.
Pero hindi siya sigurado kung susulat nga ito sa kanya. O kung itatabi nga ba nito ang mga address na ibinigay niya dito. O kung babasahin nito ang mga sulat na ipapadala niya dito.
Natigil ang pagmumuni-muni niya nang mapansin niya ang binatilyong nakaupo sa wheelchair at tila may minamasdan sa loob ng isang shop. Kilala niya ito.
Si Lucien Sabine-Seintcyr, ang labing-pitong taong gulang na binatilyong apo ng maharlikang Hamiran at business tycoon na si Korudon Sabine. Teka, mali, mali, hindi nga pala pwedeng tawaging Korudon Sabine lang ang lalaki. Dahil ayon nga mismo sa pormal na pagpapakilala dito ng tauhan nitong tulad nito ay tila nasinghot lahat ng kayabangan sa mundo, ito ay si Lord Korudon Sabine, Baron Yeremey ito o Lord Korudon para sa kanilang mga ika nga nito ay ordinaryong nilalang lang at walang patak ng dugong maharlika sa katawan.
Bagong kasosyo sa negosyo ni Lolo Nemo ang baron. Balak kasi ng lolo niya na mag-invest sa pag-aaring Yeremey Shipping Lines ng baron na nakabase sa Hamiranzi. Karamihan ay cruise ships na lumilibot sa loob ng Europa ang mga barko ng kompanya. Bagamat mayroon din itong limang malalaking cargo ships na ang mga biyahe ay pawang sa loob lang din ng Europa. Subalit nais ng baron na i-expand hanggang Asya ang biyahe ng mga cruise ships at cargo ships nito kaya ito nakikipagnegosasyon sa Aseron Corporation.
Mahigit isang linggo nang bisita nila sa Aseron Castillo ang baron, si Lucien, ang asawa ng baron na si Lady Gladiola at ang sampung tauhan ng mga ito. Kaya naman mahigit isang linggo na ring nagtitiis ang buong pamilya nila sa mayabang at maarteng baron at baronesa. Pakiwari kasi nila ay mayroon silang bisitang hari at reynang ang mga utos ay hindi pwedeng mabali.
They also seem to have a hundred different things to complain about that they had never before encountered from their other houseguests. But it was always deviously hidden behind effusive praises.
"This dish is great! One of the best I have ever tasted, Salome. But I think it needs a bit more, just a bit, mind you, of spice and a pinch more of salt. Then it would be perfect!" wika minsan ni Lady Gladiola kay Lola Salome sa French-accented nitong boses.
"That bath tub is fit for a king, Nemo. But I have to say this, I think the hot shower is not hot enough," wika naman ni
Lord Korudon kay Lolo Nemo.
"Our room is wonderful, Salome. Thank you very much. But I am sad to say that the bed is not soft enough for me."
"You have wonderful grandchildren. A bit rowdy and noisy
but, well, they are children."
Kaya naman kadalasan para lang inisin ang mga ito ay sinasadya nilang magpipinsan na mas lakasan pa ang ingay nila kapag nakikita nila ang mga ito. At ang hindi pagsaway sa kanila ng mga magulang nila ay testamento na kahit ang mga ito ay hindi na makapaghintay na umalis sa castillo ang mag-asawang Hamiran.
BINABASA MO ANG
ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GO
RomanceDanieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kanya ni Kamatayan habang si Lucien naman ay bigla na lamang nawala sa buhay niya sa kadahilanang ito la...