"What are we looking at?" puno ng kuryusidad na untag niya sa binatilyo nang ilapit niya ang ulo niya sa balikat nito upang makita niya kung ano ang tinititigan nito sa mga naka-display na stuffed toys sa glass case ng Her Royal Magesty's Toy Store.
Bahagyang napaigtad ito sa gulat. Nakakunot ang noo nito
nang lingunin siya. Akala niya hindi siya sasagutin nito nang walang imik na ibalik nito ang tingin sa loob ng glass case. Pero maya-maya ay itinuro nito ang cute na cute na pink na stuffed penguin na naka-display doon.
Nagulat siya dahil malayo sa hitsura nito ang mahilig sa mga stuffed toys. Duda nga siya kung dumaan ba ito sa pagkabata. Para kasing isinilang na itong sadyang matanda na. Seryosong-seryoso lagi ang anyo nito at tila hindi marunong ngumiti man lang.
"You want to buy that?"
Natigilan naman ito. Saka bahagyang ikiniling ang ulo
upang masdan siya nang mas maige.
"Maybe," ang matipid at tila bahagyang paangil pang anito saka pinagulong ang wheelchair nito palayo sa shop. Agad
naman siyang sumunod dito.
"But why are you leaving if you want to buy that toy? Come on, let's go inside and buy it!" pigil niya dito.
Pero tila walang narinig na patuloy lang nitong pina-andar palayo ang wheelchair nito. Kaya naman humarang siya sa harapan nito, iniunat pa niya ang mga braso na animo
nakikipag-patintero dito.
"Lucien, wait! Wait! Kulang ba ang pera mo? Heto 'o, pahihiramin muna kita para mabili mo na 'yung stuffed penguin na iyon. Bayaran mo na lang ako mamaya pag-uwi natin sa Castillo," aniya dito na iniumang dito ang halagang kinuha niya mula sa bulsa ng jacket na suot niya.
Bahagyang umarko ang mga kilay nito. Pagkuwan ay matamang tinitigan lang siya nito. Pero wala siyang mabasa sa mga kulay lumot nitong mata. Kung magkakalaman lang siguro ang humpak na mukha nito at guguluhin ang itim na itim na buhok nitong animo ni-ruler muna habang sinusuklayan, malamang mabawasan ang scarecrow effect nito. Gwapo ito kung tutuusin.
At noon lang niya napansin, malaki pala ang pagkakahawig nito at ni Nikolas. Lalo pa at parehong luntian ang kulay ng mga mata ng mga ito at kasing-itim ng balahibo ng uwak ang mga buhok. Kung tutuusin ay maaring mapagkamalang magkapatid ang mga ito.
Pero malaki din ang pagkakaiba ng mga ito. Mas pino kasi ang mga features ni Lucien kaysa kay Nikolas. Tipong kung naging babae lang ang mga ito, si Lucien ay matatawag na napakagandang babae habang si Nikolas ay masasabihang magandang bakla. Tunay na aristokrato kung mamasdan si Lucien. Princely, elegant and refined. Tipong sa kabila ng pagkakatali nito sa wheelchair nito ay makakaya pa rin nitong manduhan ang buong mundo. Habang si Nikolas naman ay mukhang magiting na kabalyerong nagtatanggol sa naturang
aristokrato. Strong, brave and restless.
"Hindi na regalo iyon kung pera mo rin ang ipambabayad ko pambili niyon, hindi ba?" marahang wika ni Lucien na labis
niyang ikinabigla.
Una, dahil kinausap siya nito nang higit sa isa o dalawang salita ang ginamit. Pangalawa, dahil nag-Tagalog ito at diretso ang pananagalog nito. At pangatlo, dahil para pala sa kanya ang stuffed toy na penguin na iyon!
Ibig sabihin ay nakikinig pala ito noong minsang mabanggit niya dito ang pagkahilig niya sa mga penguins. Hindi niya inaasahan iyon. Akala kasi niya kapag kinakausap niya ito ay hindi siya nito pinagtutuunan ng pansin.
Pero ang ngiting nais na sumilay sa mga labi niya dahil sa katuwaan ay hindi natuloy nang maalala niya ang bahid ng dismaya na mabilis dumaan sa mga mata nito nang malingunan siya. Sa tono nito, balak nitong isorpresa iyon sa kanya pero dahil nakita na niya ito, nasira na niya ang plano nitong iyon.
Her and her bad timing! Gusto niya tuloy sabunutan ang
sarili niya.
BINABASA MO ANG
ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GO
RomanceDanieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kanya ni Kamatayan habang si Lucien naman ay bigla na lamang nawala sa buhay niya sa kadahilanang ito la...