Kabanata 1✓

15 16 1
                                    

Luent POV

Napamulat ako ng mata habang nangangapang bumangon sa pagkakahiga sa kama. Lunes ng umaga ngayon.

Medyo mataas na din ang tirik ng araw na tumatama sa aking mukha, pero hindi naman ganoon kainit dahil sa aircon sa loob ng kwarto ko. Tahimik lang ang kapaligiran, tanging ang mga huni lang ng ibon ang naririnig ko-

""Lueentt! Pordyos por santong bata ka! Bumangon ka na dyan! Naka isang oras ka na dahil sa 5 minutes mong iyan!"" Malakas na kalabog mula sa aking pintuan ang unti unting nagpagising sa buong sistema ng aking katawan. Si nanay Fe! ""Kapag hindi ka pa lumabas! Papasukin kita dyan at bubuhusan ng malamig na tubig!"" Dagdag pa nitong banta.

Kailan ba nagsinungaling si nanay? Kulang nalang maging madre. Tch!

""Isa!"" May balak pa atang sirain ang pintuan ko-

""Dalawa! Huwa-""

"Oo na nay! Babangon na!" Pasigaw ko sabay kamot ng batok sa sobrang inis! Gustong gusto ko pang humilata maghapon.

"Oh sya! Maghanda ka na dyan at bilisan mong magbihis!" Narinig ko pang paalala niya bago ang yapak palayo.

Ngusong bumuntong hininga muna ako bago tumayo ng aking higaan, nag-unat ng katawan ako at saka humikab.

Parang tamad ang katawan kong gumalaw ngayon.

Gusto ko pang matulog.*\0/*

Hindi naman ako puyat hindi lang talaga ako morning person, at katatapos palang ng bakasyon kaya mahihirapan ka talagang gumising ng maaga katulad ngayon.

Nag vibrate ang phone ko sa bed side table.

Nagpakita ang pangalan aking kaibigan kaya kinuha ko ito at sinagot. "Yes?" Sagot ko.

"Himala nabuhay ka!" Pasigaw ni Clay mula sa kabilang linya kaya agad na kong inilayo ang phone sa tenga ko.

Grabe makasogaw ito ah!

Pagsasabihan ko sana siya ng marinig ko inis na boses ni Theos. "Give me your ducking phone, Clay!" Napalunok ako. Binigay ata ni Clay ng walang pagaalinlangan ang phone dahil sa takot. "Where the hell are you!? The class will start any minutes from now on. And now! even your ducking shadow together with Mackie can't show up!" Exaggerated na pangaral niya.

Grabe naman maka ducking sa akin to! Gawin pa akong bibe.

That's Matheos. Typical Theos. Ducking is fucking, ganyan talaga siya magmura.

"Calm down.. Para ka namang nasa gitna ng bakbakan. Maliligo na nga ako eh!" Sagot ko at hindi pinansin ang inis niya. Akala mo babae kapag nagalit.

"Maliligo!? Are you ducki-" Ngunit sa halip na patapusin siya ay ang tawag na ang tinapos ko.

Bahala si Clay mabugaan ng apoy doo na maducking ducking.

Mabilis kong tinapos ang pagligo saka nagbihis dahil lalake naman ako at walang maraming seremonyas para maging gwapo dahil kahit hindi ko gawin iyon ay likas na gwapo ako. Nagsuot lang ako ng white polo at black jeans.

Sinuot ko din ang kabibili kong nike shoes noong nagbakasyon kaming magkakaibigan sa palawan.

Hindi na kami lumabas ng bansa dahil kunti lang ang araw naming magkakaibigan at nakalaan iyon sa kanilang pamilya.

Tumunganga lang naman ako. Hindi naman umuwi si dad pati si lolo ay marami ding pinag kakaabalahan.

Pipihitin ko na sana ang doorknob ng maalala ko ang isang bagay. Napapikit pa ako sa inis dahil paniguradong late na ako.

Equal Love In Unequal StatureWhere stories live. Discover now