Kabanata 4✓

2 4 0
                                    

AN;

Timson Pentimor (Sakuragi)

Reyjin Tanchingco

Lira Jane Caldemiz

Nagpakilala na namam yung mga kaibigan ni Summer po dba?

Sina Nachie Valdimor, Domindor Buenaventura, Alvin Delgado at Cloud Jin Guevarra.

Dapat itatak niyo pangalan nila dahil lahat sila ay may kwento sa buhay.

Sari continuation POV

"Binyagan na sila!" Pumalakpak si Rey at Sakuragi.

The nerve!

Wala ba talagang aawat sa kanila? Ateng nasa counter tutunganga ka lang ba dyan? O professor na napadaan. Pero wala!

Malawak ang ngiting iginaqad sa akin ng babaeng kulang nalang kumislap ang labi dahil sa liptint niya! Pinilit kong magpumiglas pero wala talaga.

Puro mga malulutong na mura ang nagagawa namin ni Amy minsan nagsasalita siya ng ilokano.

As if naman maiintindihan ng mga taong ito! Si Summer naka ilang banta na pero hindi nila pinakinggan.

"Bitawan mo ako Timson! Makakarating ito sa daddy mo!"

"Ediwow!" Punyeta!

"Shut your mouth, Summer! Nakakairita ka!" Singhal ng babaeng kanina pa kinokontra ang lahat ng gawin ni Summer para sa amin.

Pansin ko ding takot siya dito. Sino naman siya sa buhay niya?

"Happy christening."

Napapikit ako ng dumaloy ang malamig na cranberry juice mula sa aking ulo. Dumaan ito sa mukha ko patungo sa aking damit!

Magmamantsa iyon!

"Ukinnayo!" Malutong na mura ni Amy matapos ding mabuhusan sumunod naman si Frances.

Sunod-sunod silang nakalinya at kanya-kanyang diskarte sa pagbuhos sa amin ng juice. Sa kamalas malasan na ako ang una kaya mas maraming juice ang naibubuhos sa ulo ko!

Ganito ba talaga sila magwelcome ng bagong kaklase? Aba! Ang cheap!

Gusto ko mang pagsisihan ang pagpasok namin dito ay hindi ko magawa dahil isa ring magandang regalo ang scholarship na binigay. Malas lang talaga sigurong sa ganitong mga kaklase kami napunta.

Dito ko talaga mapapatunayang mas araw na swerte at malas ka!At heto nga ang mga delubyong dinadanas namin. Nakayukong nakapikit lang ako sa oras na may malamig na juice ang dumaloy sa ulo ko. Marami ang nagbubulungan at natatawa kasama ang ibang klase.

Ang ganda ng binyag namin noh? Akala ko sapatos na bago lang ang binibinyagan ng mga kaklase pati pala kaklase!

Sumisikip and dibdib ko at at gusto kong maiyak ngayon dahil ito ang unang beses na makaranas kami ng ganito at sisiguraduhin ko ng ito ang huli.

Nagkatinginan lang kaming tatlong magkababata.

Huwag umiyak!

Kung iiyak kami ay masisiyahan lamang sila. Mapapatunayan nilang mahihina kami. At wala kaming balak na ibigay ang kasiyahan na iyon sa kanila.

"Ayan nabinyagan ka na tyanak! Hahaha." Narinig kong tawa ng isang babae pero hindi na ako nag-angat ng tingin dahil mas mapapahiya pa ako.

Naiinis ako sa kaloob looban ko pero wala akong magawa!

Equal Love In Unequal StatureWhere stories live. Discover now