YOUR SPIRITUAL LIFE DEPENDS ON IT

42 1 0
                                    

Scripture: It is written, "Man shall not live by bread alone, but by every word that proceeds from the mouth of God.
-Matthew 4:4

     May mga bagay na kailangan natin upang mabuhay. Kumbaga basic needs! At kung wala  ang mga bagay na ito nahihirapan tayong lumaban at magpatuloy. Ganundin sa ating buhay spiritual, may mga bagay na kailangan natin upang mabuhay. Ang SALITA NG DIYOS ang unang-una sa listahan. Ito ang nagsisilbi nating pagkain sa bawat araw upang manatiling malusog at malakas sa laban. Nagsisilbi rin itong gabay sa atin sa mga bagay na dapat at hindi dapat nating gawin.

         Maraming gamit ang BIBLIYA sa ating buhay. Ito'y ilaw na nagbibigay tanglaw sa madilim nating buhay. Kapag wala tayong pag-asa, ito ang pagpapalakas ng loob natin. Kapag naliligaw ng landas at nalilinlang ng kasalanan, nariyan ito at handang magpaalala sa atin. Nang dahil sa BIBLIYA nalaman din natin na may DIYOS na nagmamahal sa atin. Ang salita Niya'y ang tanging nagbibigay-buhay at patuloy na bumabago sa atin.
Ikaw para sayo ano ang BIBLIYA? I'm looking forward to hear your comments.

Pursuing JESUSWhere stories live. Discover now