DALUYAN NG PAGPAPALA

33 1 0
                                    

Scripture: Ang kumukuha ng marami ay hindi lumalabis, at ang kumukuha ng kaunti at hindi naman kinulang.
-2 Corinto 8:15 MBB

        Isa sa mga konseptong itinuturo sa atin bilang Kristyano ay ang magbigay o magbahagi sa iba. Maaaring maraming blessings ang dumarating sa ating buhay na nais ng Diyos na ishare natin sa ating kapwa. Sa simpleng mga bagay ay makatutulong tayo sa ibang tao. Minsan din tayo mismo ang tugon  sa kanilang panalangin. Tayo mismo ang instrumentong gagamitin ng Diyos upang ipaabot ang blessing mula sa Kanya. Napakasarap kaya ng pakiramdam na makatulong sa iba lalo't higit sa mga taong walang kakayanang gantihan ka sa kabutihang ginawa mo sa kanila. 

            Sa kabilang banda naman maaaring tayo naman ang kapos sa pagpapala at nangangailangan ng tulong ng ibang tao. At kung tumulong tayo sa iba sa mga panahong sagana tayo makaaasa rin tayong may mga taong tutulong din sa atin. Ibig sabihin na sapat na at higit pa ang meron tayo. Dinesenyo tayo upang tumulong sa iba ganundin tayo at tutulungan din nila. Kailangan natin ang isa't isa upang mabuhay.  The more na nagbibigay tayo mas lalo rin tayong pagpapalain. That's the logic of God, He will never let na maoutgive natin Siya. He is a generous God.

Pursuing JESUSWhere stories live. Discover now