Gabi ng Musical Play.
Nandito na sa backstage lahat ng cast. Lahat kabado. Lahat nagsasalita mag-isa dahil pinapractice ang linya.
"Just do your best okay? Pag nakalimutan ang line, mag-adlib. Just make sure na pasok ito sa scene. Just act natural. I know you can do it." ngiti pa sa amin ni Mam Cabral.
Tapos ng make-up-an at damitan ang lahat. Based sa script ko, sa Scene 3 pa ako papasok. Ang papasok sa Scene 1 ay si Neo at ang mga drinking buddies nya. May kakantahin pa muna sila. Pagkatapos ng scene nila ay may isa pa muna bago ako. Bale ang entrance ko ay papasok akong nakatungo at kakanta ng Only Hope, yung kanta sa movie na A Walk to Remember. Pag-eexit ako ay susundan ako ni Neo pero hindi nya ako maabutan.
At ang kiss ay magaganap sa Scene 19. Two scenes bago ang ending.
Pano kaya namin gagawin yon? Sobrang kinakabahan ako. Halos matae ako sa kaba.
Kausapin ko kaya si Neo about don? Kung pano namin ieexecute?
Kaso nasasaktan pa rin ako sa nangyari kanina... At nahihiya ako, dahil sa mga pinaggagagawa ko, nag-assume sya na may gusto ako sa kanya.
At meron nga...
Inalis ko na sa isip ko ang isiping iyon. Magfocus ka muna sa play Sab. Wag ka muna mag-isip isip ng kung ano ano.
Bahala na mamaya kung anong mangyayari...
"Ms. De Guzman and Mr. Soriano, come here." agad naman akong lumapit kay Mam Peñaflor ng tawagin ako. Sumunod din si Neo.
Nagkatinginan pa muna kami bago nag-iwas ng tingin.
"Kayo ang magdadala ng play na ito okay? Make sure to do your best." pang-eencourage sa amin ni Mam. "I'll make sure na malaki ang makukuha nyong grade para dito." ngumiti ito sa amin, natuwa naman ako!
Kinausap pa ni Mam sila Leah kaya naman naiwan kami ni Neo. Hinarap naman nya ako at hinawakan sa balikat.
"Good luck." binigyan nya ako ng malaking ngiti. At natulala naman ako sa gwapo nyang mukha..
"Sayo din." nahugot ko ang composure ko at ngumiti rin sa kanya.
Yung ngiting yon ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Sabay pa kaming nagpractice ni Neo, pinractice namin ang sagutan ng linya hanggang sa tawagin na sya para magprepare for scene 1.
"Goodluck Neoooo!" nakangiting sabi ko.
"Thank you!" binigyan nya ako ng kabadong ngiti. Natawa naman ako.
"Kaya mo yan!" isinuntok ko pa ang kamao sa ere. Binigyan nya naman ako ng sincere na ngiti.
"Welcome to Santa Maria Academy's 28th Annual Foundation Day!" dinig ko pang panimula ni Leah na nasa stage na. Masigabong palapakan ang pumuno sa auditorium. Sinilaban ako ng kaba pero nilabanan ko yon.
Kalma Sab, kapalan mo mukha mooo.
"Thank you for coming tonight, students, teachers, school staffs, and most especially for our beloved parents. And as for tonight, we'll give you a present that you'll surely love!" rinig na rinig ko pa ang hiyawan ng mga tao.
"The Theater Club, in collaboration with the English Club, proudly present to you, the 'Where You Are: Musical Theater Play!" naghiwayan at nagpalakpakan naman ang mga tao.
Dumilim naman na sa auditorium kaya naman lalong naghiyawan ang mga tao.
"Woooooh!! Ayan naaaa!!"
"Narinig ko pogi daw bida jan!!!"
"Icheer natin si Sab!!"
"Ay madilim! Sige pa ugh ugh ugh!"

BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.