My Bestfriend is my Suitor

20 9 0
                                    


I have a bestfriend named Jaxon we were bestfriend since elementary. When we reach in highschool he confess to me his feelings so he ask to court me.

"Jasmine, pwede ba kitang ligawan?" Tanong pa nito saken.

"Ahh ehh ano oo maman pero kase plano kung magkaboyfriend pagkatapos ko ng college, makakapaghintay kaba?" Kamot sa ulong sabi ko dito.

"Oo naman oo yesss yesss hihintayin kita you're worth to wait" nakangiti pang sabi nya.

Hinatid nya ako sa amin dahil kilala nya naman parents ko. Pumayag naman ako na ligawan nya ako kase nga magkababata na kami at may tiwala naman ako sa kanya.
Ilang buwang panliligaw para na kaming magjowa pero hindi naman talaga. May dumating na transferee sa amin her name is Monica.

Napapansin ko na mas napalapit si Jaxon kay Monica pero hinayaan ko lang kasi alam ko namang friendly sya.

"Jax, pwede mo ba akong samahan sa NBS may bibilhin lang akong libro?" Tanong ko.

"Ahh kase Jasmine nag promise na ako kay Monica na sasamahan ko syang mag grocery eh" sabi nya. Kahit labag sa loob ko ay tumango nalang ako. Ngayun lang kase ako hindi sinamahan ni Jax.

Simula noon napapansin kung mas naging close sila.

"Ahh Jasmine, hindi kita mahahatid ngayon ah? Sasamahan ko pa kase si Monica I hope you understand" nasaktan na talaga ako kase di ako sanay na ganito kami eh hinding hindi ako sanay kaya pilit lang akong ngumiti sakanya at tumango at umuwi na.

Dahil curious ako kung anong meron sa kanila ay inopen ko account ni Jax buti nga di nya pinalitan ang password nya.
Dumiretso agad ako sa message nya.
Nagulat ako kasi ang nickname ni Monica don is babe na kaya binasa ko.

"Babe salamat talaga kanina ha nag enjoy ako sa date natin🥰❤️" nagulat ako sa nabasa ko.

Hindi naman masasabing niloko ako kasi nga hindi kami pero pinaglalaruan nya ba ako? Ang sakit!

Nag reply din si Jax.
"You're welcome babe basta ikaw😉 iloveyou❤️" mas nasaktan ako nung nabasa ko ang iloveyou nya.

Akala ko ba ako ang love nya? Akala ko ba ako lang ang pinahahalagahan nya? Akala ko ba ako lang ang princesa nya? Akala ko lang pala lahat.

Kaya kinabukasan ay diniristo ko agad si Jax.

"Jax ano bang meron senyo ni Monica?" Malamig pang sabi ko.
"Ahh wala naman magkaibigan lang kami" nakangiti pang sabi nya at inakbayan ako kaya agad kung inalis yun.

"Ahh magkaibigan pero nag a-iloveyouhan? Sobrang close nyo namang magkaibigan?" Sabi ko

"Anong iloveyou sinasabi mo jan?" Kunot noo pang sabi nya kaya agad kung pinakita ang screenshot.

Nagulat sya sa nakita nya.
"Ahmm Jas let me explain" sabi nya

"Mahal mo ba sya?" Tanong ko

"Jas..."

"Mahal mo ba sya?"

"Oo" nakatungong sabi nya kaya agad na tumulo ang luha ko sa sagot nya.

"Kung papipiliin ka, ako o sya?" Tanong ko pero di sya makasagot kaya alam ko na agad kung ano ang desisyon nya.

"Good siya ang piliin mo kasi naman kung mahal mo talaga ako di ka naman maghahanap ng iba" sabi ko pa kasabay ang pag agos ng luha ko.

"Jas kase pagod na ako. Pagod na pagod na akong mahintay sayo lahat ng kaibigan ko may mga jowa na pero ako nganga kaya nung umamin si Monica sakin na gusto nya ako ay niligawan ko agad sya" pagkatapos nyang sabihin yun at tinalikuran nya ako.

Habang ako naman ay umiiyak nalang wala naman akong magagawa eh.

Ang taong pinagkatiwalaan ko pa talaga. Ang hirap magtiwala kahit kilala nyo na ang isat isa dahil kahit kailan pwedeng magbago.

Akala ko iba sya sa ibang lalake na di kayang mag antay. Akala ko iba sya sa ibang lalaki na hindi maghahanap ng iba. Akala ko iba sya sa mga lalake na hindi manloloko. Akala ko, akala ko lang pala lahat.
Babyee my Jaxon.

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon