Chapter 16

120 11 0
                                    

ZEPHYR'S POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa meeting place namin ni Mr. Smith. Nakasuot ako ngayon ng white chiffon blouse that is tucked into my black pencil skirt, I am also wearing a simple black stiletto. Simple but presentable!

Kung anong iginanda ng suot ko, ay siya namang ikinapangit ng itsura ko ngayon. Paano kasi, hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako kay Boss. Kasi naman, bago ako umalis kanina sinabihan pa niya 'ko ng, "You can do it, Ms. Miranda. All you have to do is to convince him to invest and to become our partner in this industry. As simple as that."

Pinalaki ako ng mga magulang ko bilang isang mabait at maunawain na tao. Pero, sa kalagayan ko ngayon gusto ko ng sakalin at ibitin patiwarik si Boss. Simple ba yung hihikayatin mo yung isang tao na mag-invest sa company niyo? Sa kanya siguro, oo, pero sakin? Hindi. Anong sasabihin ko doon? Ni wala nga rin akong dalang laptop ngayon, tanging sarili ko lang ang dala ko.

"Good afternoon, Ma'am." Bati sa akin ni manong guard nang makita ako.

"Good afternoon din po. May I know where is the reception area?" Sabi ko kay manong guard as I roam around my eyes to the beautiful modern chandelier and two long staircase of La Maison Hotel.

Ang ganda! *0*

"Oh! This way, Ma'am." Saka siya naunang maglakad habang ako naman ay patuloy pa rin sa pagtingin sa mga furnitures habang nakasunod sa kanyang likuran.

"Nandito na ho tayo, Ma'am." Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng receptionist. Mukhang nag-enjoy talaga ako sa mga furnitures nitong Hotel ah? "Ah! Thank you po." Magalang na sabi ko kay manong guard bago siya umalis.

"What can I do for you, Ma'am?" Sabi sa akin ng receptionist.

"I-I have a r-reservation w-with Mr. Jameson Smith." Hindi maipinta ang mukha ko habang sinasabi ko 'yan sa receptionist. Kinakabahan ako.

"Just a minute, Ma'am." Sabi niya saka siya tumawag ng isang available na receptionist. "Bella? Can you accompany her to the table of Mr. Jameson Smith?" Magalang na pakikisuyo nito sa kausap. "Sure, no problem. This way, Ma'am." Sabi niya saka kami umakyat sa sa second floor gamit ang staircase na kanina ko pa tinitingnan.

Ngayon lang ako nakatapak sa ganitong klaseng staircase ah? Sosyal na ang lola niyo, mga bes! Hahaha!

"Mr. Jameson Smith" narinig kong sabi nung kasama kong receptionist kaya agad na nag-angat ang ulo ko.

Putik! Bakit ang gwapo naman yata nito? *0*

Tumayo si Mr. Smith matapos umalis ng receptionist, "Good afternoon. I thought Mr. Davis was... nevermind." Kaagad ko naman nakuha kung ano ang gusto niyang sabihin, "I'm sorry, Mr. Smith. But, Mr. Davis is not available today. He has a lot of work to do for the presentation tomorrow, that's why I'm here as his representative. I hope you don't mind." Buti nalang talaga medyo marunong akong mag-english kundi nganga na 'ko ngayon palang.

"Oh! I see. May I know your name?" Pareho pa rin kaming nakatayo hanggang ngayon, "Zephyr Miranda, Sir. I am the secretary of Mr. Davis." Sabi ko saka ko inilahad ang aking kamay sa kanyang harapan, "Jameson Smith" inabot naman ni Mr. Smith ang aking kamay matapos niyang sabihin ang kanyang pangalan.

"Have a seat." Sa wakas, nakaupo rin. "What do you want? Coffee or tea?" Tanong niya nang makaupo na kami. "Coffee will do." Sabi ko, saka niya tinawag yung waiter at nag-order ng dalawang black coffee.

"Shall we start?" Nakangiting tanong sa akin ni Mr. Smith.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, ni wala akong paghahandang ginawa para dito. Lintik ka talaga Boss Angelo.

Mga ilang segundo pa ang lumipas nang biglang may pumasok na idea sa utak ko.

Bahala na si batman!

"Sir, the main goal of our company is to provide best quality of fabric and in order for us to reach our goal, we are looking to create business partnerships with individuals and businesses that have an understanding and appreciation regarding the different clothing material." Saglit akong napatigil nang biglang dumating ang waiter, dala-dala nito ang black coffee na inorder namin.

"Continue, Ms. Miranda." Sabi sa akin ni Mr. Smith bago niya tikman ang black coffee.

"Moreover, the AKD Company has gained prominence in Textile Industry here in the Philippines and also in Morocco. We learned from user feedback and still open for suggestions and comments. These all gives us strength, to make it for better client experience." Nang makita kong nakikinig naman si Mr. Smith ay muli akong nagsalita.

Konti nalang. Kaya mo 'yan, Zephyr!

"However, for these past few months customers' demands are continuously increasing. Therefore, providing reliable and top-selling fabric is not enough to succeed. More and more attention is paid to the equipment, location, and marketing."

Magsasalita pa sana ako nang biglang nagsalita si Mr. Smith, "So, your business is currently embarking on an ambitious plan to strengthen the quality of your fabric and expand its name with the aim of becoming the top fabric producer in other countries and the first stage is to govern the Philippines and Morocco market. Am I right?" Tuloy-tuloy na sabi niya sa akin. Halatang sanay na sanay na siya sa mga ganitong usapan.

"Yes, Sir. And we are honored if we will be able to work as colleagues with your company's distinguished members to realize the objectives of our ambitious strategic plan. For us, profit is not what we are looking for, but your support to help us both grow. We are eager to start our new venture and would love to get your support." Sabi ko saka ako ngumiti sa kanya.  

"Looks like you're really prepared for this short meeting, huh?" Ako? Prepared? Jusko! E, halos maihi na nga ako dito habang nagsasalita e. "Well, based on what you said, it looks like your company is really eager to expand its name not just here in the Philippines but also in other countries aside from Morocco. I like it." Bigla siyang tumayo na ikinagulat ko. Akala ko aalis na siya, pero mas nagulat ako ng sabihin niya ito, "So, as the CEO of the Hussain Company, I would like to invest and support your company for the expansion of its name in the Textile Industry. Let our companies both grow." Saka niya inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan.

"Thank you so much for supporting us, Mr. Smith." Malawak ang ngiti ko nang tanggapin ko ang kanyang nakalahad na kamay. I can't believe this! Napapayag ko siyang mag-invest sa company namin, este sa company ni Boss.

"Anyway, can I invite you to visit our company today? Don't worry, I will just introduce to you my staff, so that you will have an idea what kind of people you'll be working with." Sabi sa akin ni Mr. Smith, pagkatapos kong tikman ang aking kape. Ang lamig na nga e.

"Sure. No problem, Sir."

Hindi ko alam kung nahihilo lang ako o talagang nakita ko na nag-smirk si Mr. Smith? 

Weird.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots!

KEEP SAFE!

Operation: Seducing My Gay Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon