WARNING: CONTAINS MATURED SCENES!!
Ngayon ang araw na makikipagkita kami ni Ashton at Avery kay Brenda. Napag usapan kasi namin na magkikita kami ngayon sa restaurant para iabot ang cash kaya maaga pa lang bumyahe na kami papunta dito.
"Ang tagal naman nung kaibigan mo, Avery" pagrereklamo ko.
Halos isang oras na kasi kaming naghihintay.
"Oh ayan na siya oh" masayang sambit niya nang may pumasok sa restaurant na isang parang babae na may katawang lalaki.
"Babaeba siya o lalaki?" bulong ko kay Avery.
"Bakla siya, sis" natatawang bulong ni Avery "Brenda" pagtawag naman niya sa babae.
"Oh hi, sorry nalate ako because its so super traffic sa daan" maarteng sabi niya.
"This is Adira Braelynn and Ashton" masayang pagpapakilala sa amin ni Avery.
"Ops.. Are they siblings?" maarteng tanong niya bago umupo sa tabi ni Avery.
"A-ah hindi.. Sila yung ikakasal" natatawang sagot ni Avery.
Nag aalanganing tumango lang si Brenda at sinimulan na namin ang pag uusap.
"Here are the prices.. Medyo mahal because to be honest isiningit ko lang yung wedding day niyo sa isang event place.. But the place is very maganda at hindi kayo magreregrets" maarteng sabi niya aa amin.
Ngumiti lang ako dahil naiilang ako sa pananalita niya saka inabot sa akin ang list of payments.
"hmm.. Ito lahat" abot ko sa kaniya ng cheque.
"Ah I'm sorry pero I will not tatanggapin that payment.. After the wedding ko na lang siya kukuhain from you" nakangiting sabi niya.
"Madami kasi siyang connections kaya nagawa niya yung plans without money involved" natatawang sagot ni Avery.
Sa itsura ni Brenda mukha naman talaga siyang mayaman.
Napuno lang ng kwentuhan at tawanan ang pag uusap namin at agad ding nagpaalam si Brenda.
"Bye for now because makikipagkita ako sa friend ko. Thank you for trusting me.. Bye" pagpapaalam niya.
Tipid ko lang siyang nginitian saka siya lumabas ng restaurant.
"Busy talaga yun kaya hindi nagtagal. Madaming sideline eh" pagpapaliwanag ni Avery.
"He looks familiar" kunot noong sambit ni Ashton "Parang nakita ko na siya dati" dugtong niya.
"Kung saan saan kasi napapadpad yun kaya baka naka encounter mo siya sa mga event" sagot ni Avery.
Maya maya pa ay tumunog ang phone ni Ashton.
"Nandito sa tabi ko why?" tanong niya sa kausap "Oh kakausapin ko daw ni Marquis" sabay abot ni Ashton ng telepono sa akin.
"Why?" tipid na tanong ko.
"Pauwiin mo muna si Ashton dito, kailangan niya pumili ng shoes na gagamitin sa wedding niyo" seryosong sagot ni Marquis.
"Shoes hahahaha lakas makabakla ng tono mo ah.. Sige papauwiin ko na siya" natatawang sagot ko saka inabot kay Ashton ang telepono.
"Okay.. Sige.. Pauwi na ako" dugtong niya kay Marquis.
"Hindi na muna ako uuwi, pupuntahan pa namin ni Avery yung para sa catering" nakangiting sabi ko nang akmang aayain na niya ako uuwi.
YOU ARE READING
Asier
General FictionTotoo bang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong mangyari ay tatanggapin mo pa din siya? Paano kung magulang niya mismo ang siyang hahadlang sainyo? Paano kapag niloko ka na at bumalik siya? Papatawarin mo ba? DISCLAIMER: This is a Fictional sto...