Chapter 17: Locked

54 9 19
                                    

French's P.O.V.

"Reixel? Ally?" pagtawag ko sa mga pangalan nila.

Kakalabas ko lang sa room 13 matapos kong ihulog sa box ang litrato ng isa sa amin. I'm so sorry for that. I don't know kung nasaan ulit kami.

I enter the door 20. Walang nandito gaya ng room na pinanggalingan ko. This whole room is white painted. Wala nga lang itong mesa tsaka tv. Tanging speaker lang ang nandito. Nasaan sila? Pinaghiwa-hiwalay ba kami ng Master na 'yon?

Huminga ako ng malalim saka nag isip kung saang pinto ako papasok. Door 21. Lumapit ako rito saka kaagad na pumasok. Napasigaw ako sa sakit ng may naapakan akong trap. Kaagad itong kumagat sa aking paa. Feeling ko bumaon 'ata ang mga ngipin ng trap na ito sa paa ko.

Babalik sana ako sa room 20 ngunit nakalock na ang pintuan nito. Shemas! Kapag minamalas ka nga naman oh. Kulay pula ang ilaw rito. I don't know kung dumudugo na ba 'tong paa ko kasi puro pula lang ang nakikita ko. Sinubukan kong humakbang. Napadaing ako dahil sa mabigat ang trap na gawa sa bakal. Gumagawa ito ng maingay na tunog ng bakal sa tuwing tumatama sa sahig.

I need to get out in this room. Kahit na masakit ang paa ko ay pilit ko paring tinungo ang door 22. Napaluhod ako ng may naapakang trap ang isa kong paa. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Halos maihi ako sa sitwasyon ko ngayon. Reixel! Ally! Celestria! Nasaan kayo?! I need you right now!

Ibinangon ko ang aking sarili mula sa pagkakadapa. Umupo ako sa sahig saka pinagmasdan ang dalawa kong paa. No, I can't walk anymore.Naramdaman ko ang pagpatak ng aking mga luha na kaagad ko rin namang pinunasan. Shhh...be strong French don't cry hindi ka matutulungan ng pag iyak mo. Pagpapakalma ko sa aking sarili.

Huminga ako ng malalim. Kailangan kong makaalis dito. Gumapang ako papunta sa door 21. Malapit na ako. Kaagad kong pinihit ang knob ng pinto saka gumapang papasok dito. Bigla rin itong nagsara ng makapasok na ako sa loob.

Sumandal ako sa pader at muling pinagmasdan ang aking mga paa. Nagdurugo ang mga ito. Naramdaman ko ang hapdi sa bawat sugat na nagawa nito. Malalalim ang sugat na dulot nitong trap. Tumingin ako sa paligid. Puro susi lang ang nandito na nakakabit sa kisame. May iba't-ibang size ang mga ito. Iba't-ibang modelo.

Sinulyapan ko ang trap na nakakabit sa paa ko. Sinuri ko 'yung kandadong nakakabit dito saka tumingala sa kisame. I have a strong feeling na isa sa mga susing nasa itaas ko ay susi nitong trap na nasa paa ko. Napatingin ako sa room 23 ng bigla itong bumukas.

"R-Reixel!" sambit ko sa pangalan niya.

"French? What happened to you?" nagmadali siyang lumapit sa akin ng makita ang sitwasyon ko. Lumuhod siya saka dumako ang tingin sa mga paa ko.

"Galing ako ng room 21. I don't know na marami palang mga trap do'n," Pagkwento ko sa kanya.

Tumingala siya sa kisame. Na-notice rin niya siguro ang mga susing nakakabit dito.

"Maybe one of that key's ay para diyan sa trap na nasa paa mo," sabi niya ng makatayo siya.

"Pero paano natin mahahanap? Maraming susi rito," sabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Akong bahala," sabi niya saka nagsimulang hanapin ang susi na para sa trap na nasa paa ko.

***

Thelyssa's P.O.V.

"Nasaan tayo?" tanong sa akin ni Zcharlett.

According to her name tag she's the player number 03. Oh come on! I don't know kung anong lugar 'to but I think nasa impyerno ako. Nararamdaman ko ang patuloy na pagdugo ng aking mga sugat sa mukha pati na rin sa aking leeg. Hindi dapat ako nandito. I don't remember anything.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon