Nagpatuloy pa ang mga eksena, at feeling ko naman ay naexecute ko ng maayos ang mga iyon. Bahala nalang talaga kung OA o trying hard ang acting ko, basta mairaos lang to eh ayos na sa akin.
Nagkaron pa muna ng 15 mins. break. Nagreready na kami for part 2 ng musical play. Eto na yung part na nagkakamabutihan na si Ellaine at Hubert, mga characters namin ni Neo. At eto na rin ang part na tatanggalin ni Neo ang cape ko, at makikita ng lahat ang kagandahan ko daw. Sana lang talaga at maayos ang execution namin.
"Scene 11 actors, ready!" Anunsyo naman ni Mam Cabral. Agad naman kaming lumapit sa entrance ni Neo, kami ang actors for Scene 11. Sinisilaban na naman ako ng kaba pero biglang hinawakan ni Neo ang kamay ko. Napatingin pa ako sa kanya. Nginitian nya ako.
"Kaya natin to." nang-eencourage ang tono nya. Napangiti naman ako, kinikilig. Hayyy, kung alam mo lang talaga medyo kumakalma na ako ngayon dahil ang lakas ng tama ko sayo.
"Pasok!" agad naman kaming lumabas sa stage, hindi pa umaangat ang kurtinang nakatakip sa buong stage. Nagbago ang setting ng stage, para na itong garden na may mga improvised na bulaklak at damo. Sa gitna ay may bench. Dun kami uupo ni Neo.
"Please settle down. The play was about to start again." anunsyo pa ni Leah na nasa gilid ng stage. Narinig ko pa ang unti unting pagtahimik ng mga tao. Nang matahimik na ay saka palang umangat ang kurtina, at ipinakita na kami ni Neo na nakaupo sa bench. Parehas na kaming nag-on character.
"So tell me, why are you wearing that red cape?" tanong pa ni Neo na nakatingin sa akin.
"I can't tell you Hubert. It's a secret of mine." pinalungkot ko ang boses ko.
"Why, don't you trust me?"
pinalungkot rin ni Neo ang boses nya."No, actually I trust you." madrama pa akong tumayo at naglakad, sinundan naman ako nito.
"You trust me? Then why can't you tell me the reason why you can't remove your red cape?" parang nanunumbat ang tono nya.
"It's not for you to know. I'm so sorry." madrama pa akong naglakad. "My cape bears all my dark secrets. All the sufferings that I've been through." madrama pa akong humarap sa kanya.
"You can entrust me your dark secrets, you can share to me all of the sufferings you've been through. I'm always here for you. I love you, Ellaine." sabi nya iyon habang nakatingin sa mga mata ko. Nag-iritan sa kilig ang mga tao, naanigan ko pang hinampas ni Chloe si Jade ng banner sa sobrang kilig.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..
Alam kong yun ang nasa script, pero pakiramdam ko, totoo ang sinabi nyang iyon..
Narealize kong lagpas limang segundo na ang pagkagitla ko. Dapat hanggang limang segundo lang tapos ay idedeliver ko na ang line ko. Agad naman akong bumalik sa huwisyo.
"But," litong lito ang tono ng boses ko. "We just met. How can you fall in love with me so easily?" madramang tanong ko.
Para akong kinuryente nang sakupin ng mga palad ni Neo ang mukha ko. "From the moment that I saw you, from the moment that I heard you sing, I swear to myself I will never love another girl the way I will love you." sinserong sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Parang tumatalon ang puso ko, dinama ko ang sandali.
Kahit alam kong play lang iyon, at scripted ang sinasabi nya, masarap sa pandinig ang bawat salitang binibitawan nya...
Unti unti nyang tinanggal ang hood ko, unti unting naeexpose ang buhok at mukha ko. Based sa script, hindi ko sya pipigilan.... hahayaan ko lang syang lunurin ako sa mga titig nya.
Nag-iritan pa ang mga audience sa kilig pero parang wala akong naririnig.. Parang kaming dalawa lang ang nasa auditorium. Ang mga titig nya, halos lunurin ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang anytime eh kakawala na ito sa cartilage ko.

BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
Roman d'amourDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.