Chapter Four: Yes I Do The Cleaning

13 2 0
                                    

       Nandito ako ngayon sa isang coffee shop, hindi kalayuan mula sa apartment. Pagkatapos kasi ng klase ay nagpaalam kaagad akong umuwi nang maaga kina Naya. Ang sinabi ko lang sa kanila ay mayroon akong importanteng aasikasuhin. Siya nga pala, I already accepted Zy's offer. Pero ngayon ay napagdesisyunan kong mag-apply bilang part-timer. Naisip ko lang kagabi na since may extra time naman ako pagkagaling ko ng eskuwelahan, bakit kaya hindi na lang ako mag-apply ng isa pang part-time job tuwing weekdays? Naisip ko rin na 'yong suweldong makukuha ko kay Zy ay siyang ipambabayad ko ng renta sa apartment at ang suweldong makukuha ko sa pag-a-apply-an ko ay siyang tuition fee ko sa university.

       Dala-dala ko ang isang envelope na naglalaman ng application form ko. Habang nakaupo ako ay napaisip ako kung narinig ko na ba dati ang pangalan ng café na ito. Café Chez Normani, sounds old but it does sound familiar to me. Hindi ko lang matandaan kung saan ko ito narinig.

       "Excuse me, Miss, ikaw ba 'yong mag-a-apply ng part-time job?" tanong sa akin ng isang lalaki na may hawak ng mop sa kaniyang kanang kamay. The name "Alexander" was engraved on his nameplate.

       Napatayo naman ako mula sa aking pagkakaupo at sumagot, "Ah, oo, ako nga."

       "Kung gano'n, pakihintay na lang ng ilang segundo ang manager namin at lalabas na rin 'yon para kausapin ka," nakangiting tugon nito at saka umalis. Bumalik ako sa pagkakaupo at inihanda ang aking sarili.

       Ilang segundo nga lang nakalipas at lumabas na ang may-ari ng café. Tumayo ulit ako nang makalapit na ito.

       "Hi, Breana. Thank you for coming in today. I'm sorry if I kept you waiting, hija. Please have a sit," masayang bati niya.

      "The pleasure is all mine."

       Ngumiti naman siya at nagsalita ulit, "Good afternoon, Bri. Is it okay if I call you Bri?"

       "Of course Ma'am, that's my nickname actually," tugon ko.

       "Well then, let me introduce myself first. My name is Anfelicia, you can call me Ma'am Felicia or Felice— it's up to you. Ako ang namamahala ng Café Chez Normani for more than 20 years. Sa totoo lang, we've been looking for part-timers for at least one month already pero walang napapadaan. So I was shocked and glad at the same time when I heard that you were applying for a part-time job here."

       "So, may I see your application form?" she added.

       I was about to hand the application form to Ma'am Felice nang maistorbo ito ng pagtunog ng kanyang telepono. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag.

       "I'm sorry hija but I have to take this call."

       Tumayo siya at mukhang may kinausap sa service area at pagkatapos ay tuluyan nang lumabas para sagutin ang tawag.

       Kinuha ko muna ang form para i-check kung tama ba ang mga naisulat ko rito o kung may hindi ako nabasa at nai-skip ko lamang. Baka kasi mamaya ay may hindi pa pala ako nasagutan kaya mas mabuti pang i-double check ko ito. Maya-maya ay may biglang umupong lalaki sa harapan ko. He's a good-looking man, looks like the same as my age.

       "So, let's continue the conversation you had earlier with our manager. Shall we?" tanong niya sa akin.

       Nagtaka ako kung sino siya. He is not wearing a café uniform ngunit naka suot ito ng apron katulad ng suot kanina ng Alexander na 'yon.

       Iniabot ko naman sa kaniya ang application form ko. Tiningnan niya ito ng ilang segundo saka ipinasok ulit sa envelope.

       "Okay, I have read everything in it. Ang mali mo lang is, may isinulat ka ngang printed name kaso wala namang pirma. You know, kahit nasulatan mo na ang lahat ng nakalagay sa isang application form, kapag walang signature, eh hindi ka pa rin tatanggapin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sound Of RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon