WARNING: MATURE CONTENT. Walang gagaya sa mangyayari ha, nako kapag kayo nahuli! HAHAHAHA!
Kabanata 16
Old Building
Lumabas ako sa building at nasa tapat si Elijah at naghihintay. Nakaupo siya sa bench at may binabasa sa isang notebook niya. Pagkalapit ko ay agad siyang ngumiti.
"Tara na?"
Balak ko sanang paunahin na siyang umuwi dahil may pupuntahan ako ngayon. Kaso baka sundan parin niya ako. Tumayo na siya at pumunta na kami sa parking lot. Nang makalapit kami sa kotse niya ay agad ko siyang hinarap.
"How's your day?" Ngiti ko. Pinagmasdan ko nang maigi ang mukha niya. Kulang ba siya sa tulog? "You look tired, babe.."
He smiled and opened the car door for me.
"I'm fine, baby. Don't worry, okay?"
Pagkahatid niya sa akin ay hindi ko parin maiwasang mag-alala sa kanya. I know that he can manage himself, he's strong and capable of anything. Gusto ko lang punan ang role ko sa pagiging girlfriend niya. Importante siya sa akin at ayokong nakikitang hindi siya okay.
Mahigpit ko siyang niyakap.
"Tawagan mo 'ko kung may kailangan ka or kahit emergency pa 'yan, ha? Uminom ka nang vitamins mo. 'Wag ka ring magpuyat masyado ha. Kapag nagkasakit ka, aawayin talaga kita." Nakangusong sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.
I heard him chuckle and he's now caressing my back softly.
"Yes, ma'am. Masusunod po."
He pulled away and gave me a smack on my lips.
"I need to go now, babe. See you tomorrow. I love you."
Kumaway na ako sa kanya. "I love you too! Ingat sa pagdrive!" Pinanood ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Nagpalit ako ng damit at lumabas ulit. I'm planning to buy him a gift. Malapit na rin kasi ang monthsary namin. For sure, may pasabog nanaman siya. Madalas parin naman siyang lumalabas, kasama ang mga kaibigan at mga pinsan niya. Minsan lang ako sumasama dahil hindi ko naman hilig, kapag feel ko lang.
Agad din akong nakarating sa mall at dumiretso sa department store. Hindi ko alam kung ano bang ireregalo sa kanya dahil halos lahat naman na yata ay meron na siya. Nagresearch ako kagabi, pero mamahalin ang mga lumalabas na ayon sa taste ko. May budget naman ako para dito dahil pinag-ipunan ko pa.
Dumaan na ako sa mga men accessories at wala naman akong natipuhan na bagay sa kanya. Napansin ko rin kasi na masyadong mamahalin ang mga accessory niya. Simple lang siyang pumorma pero branded naman lahat. Napapangiwi na lang talaga ako tuwing naiisip ko ang estado niya sa buhay.
Damit kaya? Alam ko naman ang size niya, pero baka hindi bagay sa kanya. Naiinis akong lumabas sa department store dahil wala naman akong makita na naaayon sa gusto ko. Gusto ko kasi yung special. Yung unang tingin pa lang, alam ko nang babagay talaga at worth it bilhin.
"Hi ma'am, we have 10% discount for our couple bangle bracelets. Silver po ito ma'am."
Napahinto ako sa paglalakad at humakbang nang tatlo paatras para tignan ang store na 'yon. May discount! Ngumiti sa akin ang isang babae na isa sa mga staff. Pumasok ako sa store nila.
"Ano pong hanap ninyo ma'am? May gold necklaces po kami na bagong dating po." Sabi ng isa pang staff at ipinakita sa akin ang magandang gold necklace na nakadisplay sa isang magandang glass.
"Yung couple bangle bracelets sana. Gusto kong makita." I smiled.
"Sure po, ma'am! Marami pa po kaming designs na available. Pumili na lang po kayo." Aniya sabay lapit sa isang estante na puro bracelets.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...