POWER OF PRAYER

45 1 0
                                    

Scripture:
Sa gayon, makakapamuhay na kayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa Panginoon, sasagana sa lahat ng uri ng mabubuting gawa, at lalawak ang inyong pagkakilala sa Diyos. Idinadalangin din naming patatagin niya kayo sa tulong ng kanyang dakilang kapangyarihan, upang inyong matiis na masaya at may pagtitiyaga ang lahat ng bagay. Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag.
-Colosas 1:10‭-‬12 MBB

Tunay ngang makapangyarihan ang panalangin.  Ito ang nagtutulak sa Diyos upang kumilos sa ating mga buhay. Kaya nga mahigpit ang bilin ni Pablo sa atin na magpatuloy tayo sa pananalangin sapagkat maraming mabuting bagay itong maibubunga sa atin:

*Living a life worthy of the Lord
Sa pamamagitan ng panalangin makakapamuhay tayo nang karapat-dapat at kalugud-lugod sa Panginoon. Ang prayer ay parang emergency natin kay Lord. Kung merong 911 sa mundo, ang prayer naman ang one call away natin kay Lord. Sa mga panahong dumarating ang problema at nais na nating sumuko, the prayer reminds us to continue fighting the good fight of faith. Kapag nahaharap naman tayo sa pagsubok ng buhay, sa pamamagitan ng prayer napapaalalahanan tayo na kahit may mga tukso mas piliin pa rin nating gawin ang tamang bagay. Every test of temptation is a chance to honor and please the Lord kaya we must do the right thing.

*Bearing fruit in every good work
Sa pamamagitan ng panalangin nagkakaroon tayo ng desire to do good things and help others. Nagkakaroon tayo ng compassion para pagmalasakitan ang ibang tao. Hindi na lamang tayo nakafocus sa sarili natin kundi pati na rin sa mga nangangailangan. Prayer pushes us to take an action of faith. Through doing good things the Lord will be honor in our life.

*Growing in the knowledge of God
Sa pamamagitan ng pananalangin mas nakikilala natin ang Diyos. Kaya nga 'diba sa lahat ng gawain mahalagang pasimulan ito sa panalangin sapagkat ito ang paanyaya sa presensya ng Diyos. Ito rin ang nagbubukas sa ating mga puso't isipan upang tanggapin ang mga salita ng Diyos. We must not depend on our own understanding but on God's wisdom.

*Being strengthened by His might to have endurance and patience
Strength comes from the Lord. That's why we need prayer to ask it from Him because God is the only source of strength. Hindi natin kakayanin ng sarili nating kalakasan lamang. We must depend on God dahil mahina tayo. Sa pamamagitan ng ating panalangin nagkakaroon  tayo ng kalakasan upang matiis ng may kagalakan at pagtitiyaga ang lahat ng bagay. Let nothing robs our joy despite of our circumstances. We always tend to give up when things are out of our control but because of God's strength working in us kakayanin nating magpatuloy.

*Giving joyful thanks to the FATHER
Prayer provides opportunity for us to be grateful to God dahil minarapat niya tayong maging kabahagi ng Kanyang kaharian at matamasa ang mga pangako para sa Kanyang mga anak. Prayer is not just about asking something from God but it is also recognizing and appreciating all He has done for us. Napakaraming biyayang ibinigay ang Diyos hiniling man natin o hindi. Lubos din Niyang ikinakatuwa kapag marunong magpasalamat ang Kanyang mga anak sa Kanya.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa kapangyarihan ng panalangin na maaari nating gamitin. Ikaw, ano para sayo ang kapangyarihan ng panalangin? Comment mo na yan. I want to know your stories too.

Ps. this chapter is dedicated to my bestfriend Michelle. Thank you for supporting my wattpad ministry!

Pursuing JESUSWhere stories live. Discover now