Scripture: Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang mga nangyayari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita.
-Filipos 1:12 MBBMay mga pagsubok ka bang pinagdadaanan sa buhay? May mga problema ka bang tila kadenang gumagapos sayo upang pigilan ka sa mga bagay na dapat mong maabot? Today, Paul's experience will encourage you. Habang sinusulat ni Paul ang liham para sa simbahan ng Filipos, alam mo bang nakabilanggo siya sa kulungan ng mga panahong iyon. Yet sa kabila ng kanyang kalagayan hindi ito naging hadlang sa kanyang kaligayahan at upang magampanan niya ang kanyang mission.
*Paul encourage believers
Diba kapag may pinagdaanan tayo we want others to comfort us, gusto nating may kakampi tayo, may makaunawa sa atin, may sumimpatya ngunit kakaiba ang ipinakita ni Paul. Imbes na siya ang iencourage siya pa ang nagpalakas ng loob ng mga believers.*Bad situations turned to good opportunities
Ang pagkabilanggo ni Pablo alang-alang sa pangangaral ng Magandang Balita ay naging dahilan upang makarating sa kapwa niya bilanggo maging sa bantay ng selda sa Palasyo ang salita ng Diyos. Kailanman ay hindi magagapos ang salita ng buhay.*Courageous in Faith
Dahil sa pagkabilanggo ni Pablo lalong tumibay ang kanilang pananampalataya. Hindi sila natinag sa bantang kapahamakan sa halip ito ang nagbunsod sa kanilang maging matapang na ipangaral ang katotohanan.*Bold and fearless in proclaiming the Gospel
Nawala ang pag-aalinlangan kundi napalitan ng lakas ng loob/tapang na ipahatid ang mensahe ng Diyos. Hindi sila natakot anuman ang maging consequences dahil tiyak, totoo at nagbibigay ng buhay ang salita ng Diyos.Whatever situation we are facing today may it pushes us to serve the purpose of God in our life. 😊
YOU ARE READING
Pursuing JESUS
SpiritualThis book is all about encouragements for those Christians who are pursuing Jesus. May the content of this book help you to continue your journey and finish the race. Marami tayong pagdadaanan sa ating paglalakbay ngunit sama-sama tayong magpapatulo...