Grace

12.7K 531 326
                                    

Grace

I was lying on my bed and blankly staring at the ceiling. Umaga na naman. Tanghali na nga eh. Sarkastiko kong sabad sa sarili. I smirked at myself.

Nakabukas ang laptop ko sa luma kong computer table. Nakasaksak na ang charger para naman hindi mamatay kakahintay sa akin na mag-type.

I sighed. Ilang araw ko nang naiisip ang mga eksena sa utak ko pero kapag nakahanda na akong magsulat ay wala naman akong ma-produce na magandang salita. Iyon bang, naglalaho sila kapag pasulat na ako? O hindi naman kaya ay nanghihina ako na para bang wala na akong gana?

I deeply sighed again. Ano ba ang gusto ko? Ilang istorya na ang nagawa kong tapusin. Nagkaroon na ako ng one-million reads and still counting. Pero may hadlang sa utak ko ang namamayani kaya hindi ako makabuo ulit.

I was okay. But not lately.

Ayoko namang magsulat para lang masabi sa sarili na, 'Hoy, nakapagsulat ako ng 3000 words' tapos wala namang laman. Wala ring kwenta. Nagsayang pa ako ng oras at kuryente.

Bumangon ako at bagsak-balikat na inalala ang nangyayari sa kapaligiran ko. Nakakalungkot pa rin tumingin sa Twitter. Puro nega ang trending. Lahat may issue kada post ng artista o kilalang tao. Naisip ko tuloy, ang dami palang matalino online. Tapos hindi mo malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Hindi ba nila nalalaman kung gaano kalakas ang isang simpleng salita? Paano kung sensitive iyong pinagsasalitaan tapos ay ma-depress kaagad? Sakit iyon na hindi sineseryo ng karamihan.

The world is changing. Nasa transformation ang mundo ngayon nang hindi natin namamalayan.

Tumayo na ako. Music. I need music, para naman ma-inspire ako. Iyong imagination ko yata kulang sa push.

Nag-open ako ng mobile data at kinonek sa speaker. Nagpunta ako sa Youtube Music, una kong nakita ang paborito kong Korean pop boy group. BAP. I played 'Stop it'. Gosh. Nakaka-miss pala ito. Iyong kabataan kong puro Kpop lang, sapat na. Tapos mangingiti ka kasi noon mababait pa ang mga tao online. "Char!" I murmured.

Napapasayaw na ako nang mapatingin ulit sa laptop ko. Open na ang wordpad. "Ano na?" I grinned playfully.

Naupo ako sa computer chair. Tinitigan ko ang screen.. then I sighed again. Tinaas ko ang mga kamay at dinikit sa keyboard. I slowly typed, Chapter 9.. Avery.. then enter.

What now?

Pumangulambaba ako. Nasisiyahan ako sa background music pero hindi iyon ang usual kong pinapakinggan kapag romance stories. Lalo na sa series na binubuo ko ngayon.

I pouted my lips. Magsusulat ako ng libre tapos may mangungunga ng softcopies sabay benta sa Facebook. O may mag-iipon ng screenshot tapos ilalagay sa secret group chat. 'PM me sa mga gusto' ang post. Kasi ECQ kaya wala magawa ang mga tao. Gumawa na lang kamaliang pampalipas ng oras.

Mapapahilot ka na lang ng sintido sa huli.

Ang naisip kong solusyon ay mag-post na din sa Facebook. Para naman wala na silang masabi na wala silang Wattpad o Dreame kasi walang storage sa phone pero nakakapag-download ng softcopies sa mga private group. Kalurkey.

At may mirrored site pa nga pala si Wattpad. Doon pa lang may softcopies na, may virus pa.

Natigilan na naman ako. Isa pala iyon sa mga pagbabago sa mundong ginagalawan ko. Dumarami ang gumagawa ng mali. O baka ngayon ko lang kasi sila nakilala. Tapos kahit ang mga kinauukulan ay sinabing wala silang magagawa dyan kasi marami sila.

I stared at my almost blank wordpad.. bakit pa ako magsusulat kung nanakawin lang? Hindi ba ay para ko lang din winawagayway ang produkto ko sa mga nagtatagong magnanakaw? At sa mga nagbibihis matino pero nakaabang din pala sa screenshot o hindi kaya pang-download tapos copy and paste pa more.

They all ignored the owner's notes, warnings and every words to protect their hard-worked products. Sus. Walang pumapansin sa mga ganito. Kahit nga delivery courier binabalibag lang ang mga parcel. Online works pa kaya? PM is the key.

Sa tagal kong mag-isip ay namalayan ko na lang na nagpalit na ang pinapakinggan kong kanta. Inabot ko ang phone at nilagay sa Oasis (B2ST) Binalik ko iyon at tinitigan ulit ang screen ng laptop. I even caressed the keyboard and murmured, "Miss niyo na sigurong gumalaw-galaw, ano?" I smiled. "Ako rin kaya." But my heart breaks.

Oasis.. oasis.. I remember the English translation ng kantang iyon. It was a beautiful lyrics. An inspiration for every ruined man. Inalala ako ang pangyayari sa minamahal kong industriya.

My lips trembled and I cried silently.

Hindi ako nawawalan ng gana dahil nasa isipan ko pa rin ang mga istoryang gusto kong isulat. Ang pumipigil sa akin ay.. kalungkutan sa gitna ng kaguluhan.

Nandito pa rin sa akin ang kagustuhang makagawa ng istoryang tatatak sa bawat isa. Iyong kapupulutan kahit maliit na aral. Tulad ng istorya ni Dreau Frago, na pwedeng magbago kahit anak ka pa ni Lucifer. Gusto kong gumawa ng istorya hindi lang dahil panlibangan kundi dahil may mensahe akong gustong iparating sa kanila.

I wanted to be their 'Oasis' in a drought time of their lives.

Pero paano kung salungat ang paligid ko sa akin?

Ayokong huminto. This talent is a God's gift. Alagad niya ako. Gusto niyang ipamalita ko ang salita NIYA sa munting kaparaanan.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata. Malalim na bumuntong hininga. Sa likod ng laptop ay naroon ang nakasabit na Rosaryo sa dingding. Tumitig ako roon. I am always talking to him. In silence and by heart.

Bakit may mga pagsubok sa buhay? Sa mundo? Bakit hindi deretsong tahimik?

But then I realise, there's no right answers. Kasi.. HE is the answer. HE will fight for my battle. I just need to call HIS name. HE is the prince of peace. Bakit ako magtatanong sa nangyayari sa paligid ko? Kung nakatakda naman 'yang mangyari bago SIYA dumating.

People can lie to me. But they can't to HIM. Why? Kasi SIYA lang ang nakakaalam ng nilalaman ng puso natin. SIYA lang.

I slowly nodded my head. Pinagsalikop ko ang mga kamay at pumikit. I prayed. Longer than I expected.

SIYA ang gagawa ng daan patungo sa malinis na landas. I'm not going to step down. I'm just starting with my dreams. Being scared can destroy me and my passion to create good novels but my God is here beside me. Protecting me all the time. Hindi NIYA ako dinala rito para lang iwan.

Tulad ng pagprotekta niya sa akin ngayon sa gitna ng pandemic.

Kaya bakit nga ba ako nangangamba? Hindi nawawala ang masasama, madadagdagan pa iyan pero FEAR NOT. HE IS WITH US.

FEAR NOT.

Pagkatapos kong iusal ang panalangin ay nanatili akong nakapikit at tahimik. In this way, nagsasalita ang Panginoon sa akin at kailangan ko siyang pakinggan. Our hearts can hear HIM. Through HIS Holy Spirit.

I was crying when I opened my eyes. Pinunasan ko ang pisngi at nilinis ang paligid ng mga mata ko. Then I reread the last chapter I wrote. Pagkatapos ay dumeretso na ko sa blangkong chapter. And I gracefully started writing the next scenes. HE gave me back the lost 'me'.

Syempre, naiisip ko pa rin ang mga mapagsamantala sa online world, pero hindi na ako nangangamba. They can steal my works but they can't steal me from my God.

Act godly. Worship HIM even in the middle of the storm. HE will make a way. Remember, HE can order to calm that storm.. :D

***

By the way, I ended up listening to a song titled 'LION' by (G)I-DLE. Oh, I miss you so much, Dreau. I'll be posting you again, baby.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon