Mia Pov*
Pagpasok ko sa mansyon ng mga Aquila ay nagulat ako dahil lahat ng katulong ay nakapila sa pintuan. Mga nakayuko sila at parang hinihintay nila ang pagdating ko.
"Ate bat kayo nandito?" tanong ko sa pinakamalaput na katulong.
"M-maam wag nyo po akong kausapin" parang naiiyak pang sabi ng katulong.
"Huh? Bakit?" pagtataka ko pa sa kanya.
"D-dahi----"
"You! you're fired!!!!" isang malaking boses ng lalaki ang narinig sa buong mansyon ng mga Aquila. Kuya Hanz?
"M-maam Sir wag naman po! may binubuhay po akong pamilya ko. Wag naman po" nagulat ako ng biglang lumuhod si ateng katulong na kausap ko kanina.
Kung ganon ay sya pala ang sinabihan ni Kuya Hanz ng matatanggal sa trabaho. Pero bakit naman? mukha namang wala syang ginawang mali ah.
"K-kuya bakit nyo po sya tatanggalin!?" kahit natatakot na ako ay minabuti kong hawakan ang katulong para sabihin na hindi nya kailangang lumuhod.
Tiningnan ako ni Kuya Hanz mula ulo hanggang paa pagkatapos ay hindi nya pinansin ang tanong ko. Humarap sya sa mga katulong na nakahilera sa amin ngayon.
"Uulitin ko! Walang sino man sa inyo ang pwedeng kumausap kay Mia! Nagkakaintindihan ba tayo?. At ikaw mag impake ka na dahil ayaw na kitang makita sa pamamahay ko!" makapangyarihang sabi nya sa mga katulong.
Bakit ganyan sya? Ang sama-sama ng ugali nya! Hindi nya man lang iniisip ang mga taong sinusportahan nitong katulong na ito. Naiinis ako sa kanya dahil alam ko kung gano kahirap ang buhay.
"Pero Kuya hindi mo sya pwedeng sisantihin!!" gigil na Sabi ko na rin kay Kuya Hanz na kinakunot naman nya ng noo.
"Who are you para sigawan ako ng ganun?" nanlalaking matang sabi sa akin ni Kuya Hanz. Natatakot na ako pero kailangan kong gawin ito dahil hindi lahat ng oras ay tama sya.
"M-maam wag na po kayong sumagot kay Sir" bulong sa akin ng katulong.
"Akong bahala! sisiguraduhin kong may trabaho ka pa rin pagkatapos nito" sabi ko sa kanya na lumingon ng kaunti at humarap muli kay Kuya Hanz.
Nakipagtitigan ako kay Kuya Hanz, nakita ko sa mata nya ang matinding lungkot. Kahit mataas sya sa akin at malayo ay kitang kita ko ang emosyon sa mata nya. Punong puno ito ng lungkot.
"All of you! Leave us alone!" utos nya sa mga kasama namin.
Hindi na ako nagtaka kung ilang segundo pa lang ay wala na agad sila. Mukhang takot na takot nga sila kay Kuya Hanz.
"Kuya tigilan mo na itong ginagawa mong ito!" sabi ko sa kanya.
"Sino ka para sabihan ako nyan? ampon ka lang ni Dad" lumalapit na sabi nya sa akin.
"Oo ampon lang ako pero alam ko ang tama"
"Tsk wow! meron ka pa palang lakas ng loob para pagsabihan ako pagkatapos mo akong ipahiya sa mga katulong dito"
"Pero hindi kita pinapahiya Kuya!, mali lang talaga ang desisyon mo para mag sisante lang basta basta" kausap ko sa kanya habang nakatingin sa mata nya.
Nakakatunaw ang mga tingin nya pero kailangan ko itong labanan!. Kung hindi sya tumatalab sa tatay nya pwes ibahin nya ako.
"Gusto mo syang panatilihin dito?" nakangising tanong nya sa akin na may parang balak na mali.
BINABASA MO ANG
The Prince's Clutches
General FictionBumilis lalo ang pintig ng puso ko nang lumapit lalo sya sa akin. "You can run but you can't hide to me, Amore"