Chapter 42 Stop

181 8 1
                                    


Sam POV.




 "Magandang hapon po aunti, nandito na po ba si haine?." Bungad ko sa aunti ni haine nang salubingin nya ako.



 Kahit alam kong wala si haine ngayon dito ay bumibisita parin ako dahil alam kong nasa tamang kamay ngayon si haine sa dalawang taong kaaway ko kahit kaaway ko sila ay nagtitiwala naman ako na ligtas si haine ky kony at kay Ian. 



 Nandito ako ngayon upang bisitahin si aunti, dahil alam kong nagiisa lang sya sa bahay tuwing wala si haine.



 Gusto kong e secure ang kalagayan at kaligtasan nang taong mahal nya, kasi mas masasaktan ako na umiiyak sya sa tuwing may mga taong nadadamay dahil samin.



 "Wala pa kasi sya eho halika't pumasok na muna sa loob. Ay diba ikaw yung nasa labas nong isang araw? Bakit ka pala hindi pumasok?." Sagot ni aunti at binigyan ako ng maiinom.




 "Opo ako yun, tinignan ko lang po kung nandito naba si haine aunti pero parang wala pa sya kaya umalis na ako bigla.. Ay sya nga po pala may dala akong pagkain para sainyo." Sabay bigay ko ng dinadala kong prutas at pagkain na hinahain ko sa bahay.




 3-5 hours akong nag babantay sa labas ng bahay ni haine para mas malaman ko talaga na ligtas ang kanyang aunti.



 Si haine kasi yung late nang umuuwi kaya ang aunti nya lang palagi dito napag-isipan ko na pumasok nalang at makipag kwentohan para di na palaging nag iisa si aunti.



  Tsaka isa rin ako sa mga nag rarason kung bakit late umuuwi si haine at nong bakit 2 days siyang nawawala nong kinidnap sya/




 "Hahahaha ikaw talaga eho mapagbiro ka talaga." Napahaba yung kwentohan namin ni aunti na halos lahat ng side ni haine ay alam ko na at alam narin iyon ni aunti na isa akong gangster.



 Palagi nya parin akong pinapasok kahit sinabi ko na yung totoong ako.

 Ito ako ngayon masayang tinitignan si haine sa malayo kasama si Ian.

  Mas napapanatag talaga ako kung nakikita ko sya sa malayo na safe at masiglain.


 Kung sa laban pa kailangan mong ipanalo para mas itururi ka ng iba na malakas at pupuriin ka ng lahat.



  Pero kung sa pag-ibig pa kailangan mong mag paraya. Kung mas sasaya sya sa iba.Wala na akong magagawa.

The Three Gangsters In Love With Nobody (OnGoing/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon