Salamat mga beshy. Pov nila hindi yong iba. K bye..
_____
DALAWANG linggo ang lumipas pinaimbestigahan namin ni Justine ang mga taong humabol at nagpaputok ng baril sa sasakyan ko at tama ang hinala naming dalawa na utos ng mga 'Bautista' ang lahat. Hindi naman tumigil ang binata hanggat hindi nahahanap o nakikita ang matandang Bautista na ito mismo ang nag uutos na patayin ang mga Francisco lalo na ngayon na nalagay sa panganib si general matapos tambangan ng hindi nakilalang mga kalalakihan mabuti nalang naisugod agad ng hospital ang heneral.
Naging alerto naman ako sa pamilya ko baka sila naman ang balikan ng mga ito hanggat hindi nakakaganti sa mga Francisco ang mantandang Bautista. Wala na itong pinipiling tao basta may ugnayan sa mga Francisco pinupuntirya nito. Nagpalagay naman ng dalawang tauhan si Justine sa bahay para masiguro ang kaligtasan ng pamilya ko.
Nabaling ang tingin ko sa cellphone na tumutunog sa ibabaw ng bedside table ang cellphone ng binata,napatingin naman ako sa pinto ng banyo naliligo kasi ito. Nang namatay ang tawag tumunog ulit ito kay lumapit ako para tingnan kong sino ang caller.
Fucking Torres calling...
Nang mabasa ko ang pangalan napailing ako dahil lahat na nakasulat sa phonebook nito pangalan ng kaibigan puro may 'fucking' tapos ang apilyedo na ng mga ito. Tumingin ulit ako sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas siyang nakatapis ng tuwalya sa beywang at tinutuyo ng isang towel ang buhok. Napalunok ako dahil nag uumpisa na naman mag init ang sistema makita ko lang ang katawan nito. Napaiwas ako ng tingin ng kindatan ako nito.
"Sino tumawag?" anito. Umupo ako sa gilid ng kama namatay na rin ang tawag.
"Torres." sagot ko. Hindi naman ako pakialamera kaya hindi ako sumasagot ng tawag pag sa cellphone nito. Tumango lang ito at pumasok sa walk in closet nandito kasi kami ngayon sa unit niya. Tumayo ako mula sa pagkaupo at kinuha ang towel na ginamit nito na basa pinatong lang nito sa kama,pumasok ako sa banyo at sinampay ito. Napailing ako nang basang basa ang sahig ng banyo, makalat talaga siyang maligo hindi kasi nito sinasara ang pinto ng shower pag naliligo kaya ang tilamsik ng tubig napupunta sa side ng lababo.
"Ano ulit yon anak? sinong anak? fucck you Torres!!" napatigil ako sa may pinto ng banyo nang marinig ang mura nito at kausap ang kaibigan. "Ang hayop na yon binabaan ako.!" galit na sabi nito saka humarap sakin.
"Hindi ka pa nasasanay sa mga kaibigan mo, kapareho mo rin, tssked." naiiling kong sabi.
"Kailangan kong umalis muna sweetie,nagpapadala si Torres ng mga tauhan ko sa Laguna Hospital,ang tarandado kong makautos akala mo pinapaswelduhan ako." nangunot ang noo ko at bakit naman kailangan ng tauhan yon 'sa hospital?'.
"Bakit anong nangyari sa kanya?"tanong ko nang pumasok ulit ito sa walk in closet at sumunod naman ako.
"Hindi ko alam bigla nalang pinatay ang tawag nang tanungin ko kong sinong anak." lumapit ito sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa labi na tinugon ko naman agad napahawak ako sa mga braso nitong nakahawak sa magkabilang pisngi ko. "Tatawag nalang ako mamaya..i love you." napayuko ako sa huling sinabi nito. Hanggang ngayon kakaiba para sakin pag ito nagsasabing i love you sakin nagdidiwang ang mga kalamnan ko.
"Okay mag iingat ka. I love you too." hinalikan niya ulit ako sa labi saka sa noo at sabay kami lumabas ng walk in closet.
Pag alis niya at ako nalang mag isa nilinis ko muna ang kwarto dahil makalat ito katatapos lang namin kanina magtalik na halos ikutin na namin ang buong kwarto. Masyadong malakas ang resistensya niya pag nasa kundisyon ang katawan hindi niya ako titigilan hanggat hindi ako makitang lumupaypay sa pagod. at ang parte niya na gustong gusto ko' nailing ako sa naisip baho tinapos ang pag aayos ng kalat.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE (COMPLETED)
RomanceMatured scenes..for adult only.. JUSTINE FRANCISCO A CHIEF OF POLICE WHAT HE WANT'S HE GET. MAKUKUHA NIYA KAYA ANG GUSTO kong isang kadugo niya ang kakompetensya? This story of Justine ay gawa lamang ng lumalakbay kong isipan.Wag seryosohin dahil h...