Chapter 19

557 23 7
                                    

Bigla syang kinilabutan sa sinabi nito. Papatayin ba talaga sya ni Juaquim.
Hindi naman siguro ganon kasamang tao si Juaquim.

"Gusto ko na bumaba please" inaantay na ako ng pamilya ko

"Not unless we talk, sabihin mo sa akin bakit bigla ka na lang umalis. Tell me... Ariella para akong tanga kakahanap sayo halos buong Batangas hinanap Kita. Pati sa Maynila dahil sabi ng kapitbahay nyo baka dun kayo lumipat. Ilang beses akong nagpadala ng tao sa dating tinitirhan nyo."
Medyo malumanay na ang pagkakasabi ni Juaquim.

Duon ay kumalma sya pero wala syang maisagot kay Juaquim. Sa totoo lang ayaw na nyang mag explain dito

"Please ibaba mo na ako nagaalala na talaga ang nanay ko dapat nka uwi na ako kanina pa."
Pag mamakaawa ni Ariella dito.

"San ka nakatira" tutok nantutok ang Mata sa daan

"Ibaba mo na lang ako dito"
sa totoo lang ayaw nyang malaman nito ang bahay nila natatakot syang Makita nito si Janella.

"Saan ang bahay nyo" galit na si Juaquim

"Sa tingin mo ba hindi ko malalaman kung saan ka naka tira ngayon pa na alam ko kung saan ka nag tra-trabaho."
Sabay suntok sa manibela na ikina gulat nya.

Kaya sa pangalawang pagkakataon eto naman sya napasunod nanaman sya nito. Wala nanaman syang nagawa kundi ituro ang bahay nila. Talagang hindi nya kaya ang taong to sinisindak nanaman sya nito at nagpasindak naman sya.
"

Sa Taguig Lower Bicutan"
Itinuro na lang nya saang banda siya ibababa nito.

Nagpababa sya hanggang sa tapat ng iskinita na tinutuluyan nila hindi Naman delikado sa lugar nila kaya kahit umuwi sya ng gabi ay panatag sya.

Itinigil ni Juaquim ang kotse, bumaba ito at pinag buksan sya nito ng pinto. Kaya dali dali syang bumaba kaso ay iniharang ni Juaquim ang katawan nya sa pinto ng kotse nito. Yumuko Ito para lapitan sya kay napa usog siya.

"Not so fast sweetheart" ang lapit lapit nila sa isat isa na halos kumapit sa ilong nya ang mabangong Amoy ni Juaquim.
Hahalikan ba sya nito. Napa pikit na lang sya. At inihanda ang sarili sa mangyayari. Pero nilampasan sya nito akala nya ay halikan siya yun pala ay may kukunin sa likuran ng kotse. Nagmukha tuloy syang tanga dahil nakaabang pa naman sya sa gagawin nito. Nakaka galit talaga ang lalaking to. Napahiya nanaman sya. Bingo na to sa kanya.

"Come,.. where is your house" bit bit nito ang isang malaking pizza na kinuha sa likod.sinadya talaga ni Juaquim na dun sa side nya kunin just to tease her.

"Dito ka na lang kase malayo pa yung bahay namin. Saka tulog na sila Nanay." Naka simangot na sabi nya hindi pa rin sya maka getover sa pagkapahiya.

"ok just bring this for your dinner I still know your favorite"
iniabot ang pizza sa kanya

"wag na nagluto ang nanay ko ng hapunan namin. Saka di na ako makakakain dahil pagod na ako."
Ayaw na rin nya kaseng kumain dahil mas gusto nyang matulog na lang sa pagod.

"wag kang makulit please just take this" pilit n inaabot ang kahon sa kanya.

Ayaw na nyang makipagtalo dahil pagod na rin sya at isa pa gusto na nyang umalis ito. Kaya kinuha na lng nya ang kahon ng pizza.

Naglakad na sya papasok sa eskinita kahit papaano ay may konting liwanag naman dito na nanggaling sa mga ilaw sa loob ng mga tahanan ng mga kapitbahay nya. Nakakailang hakbang pa lang sya ay nilingon nya si Juaquim nag babakasakali na umalis na ito.
Pero hindi nandun pa rin ito nakasandal sa kotse nya.

"alis na"
singhal nito

Ilang hakbang pa ulit ay nilingon nya ito. pero nandun pa rin.
Binilisan nya ang lakad nya dali dali syang pumasok sa bahay nila.
Bumilang sya ng 1 to 10 para lumabas at tignan ito.

Andun pa rin. Kaya sinenyasan nya ito na umuwi na. Kaya tumango si juaquim na nangingiti sa ginagawa nya. Sumakay ito ng kotse pero hindi pinaandar hanggat hindi pumapasok sa loob ng bahay si Ariella.

Pag pasok nya sa bahay parang sasabog ang kanina pang pinipigil nyang damdamin.
Buti na lang at tulog na ang lahat sa bahay walang makakakita sa mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata.

Kaninang kasama nya si Juaquim bumalik ang lahat ng sakit, saya at ang pagmamahal nya. Sobrang na miss nya si Juaquim. Gustong gusto nyang yakapin at halikan ito. Pero hindi na pwede.
Bakit lagi na lang syang nag pipigil ng nararamdaman nya, Bakit hanggang ngayon ay wala syang karapatan na masabi ang nararamdamn nya kay Juaquim. Dahil wala rin naman syang aasahan kay Juaquim.
Parang pinaglalaruan lang nito ang damdamin nya. Hindi nya alam kung ano bang gusto ni Juaquim sa kanya at kailangan pang magpakita ano para masaktan nanaman sya para gamitin sya, paasahin.... Tama nang binigyan siya nito ng pinaka magandang regalo "anak".
Tapos na pagod na sya.
......

Gulong gulo ang isip ni Juaquim bakit nagkaganun ang buhay ni Ariella. Umalis ito ng bahay nag iwan lang ng sulat na nagsasabing wag na syang hanapin at kalimutan na sya. Ganun na lang ba lahat iyon binalewala nya ang lahat ng pinag samahan nila.

Pinilit nyang magbago kahit mahirap sa kanya at kung kailan decided na sya na mag simulang muli kasama si Ariella saka naman ito nawala. Hindi nya alam kung may problema ba ito dahil ilang araw lang nakatanggap siya ng letter sa banko nai withdraw na lahat ng pera sa ATM na ibinigay nya kay Ariella worth 350,00 pesos, napaka liit na halaga kung tutuusin.
Kung kailangan nya ng pera kayang kaya nyang doublehin or mas malaki pa sa kailangan nya ang kaya nyang ibigay. Pero hindi nya kailangan lumayo.

Halos mabaliw sya sa kakahanap dito walang makapagsabi sa mga kapit bahay nila. Kahit sa University na pinapasukan nya ay hindi na sya ulit nag enroll.

Kaninang nakita nya ito sa mall parang bumalik yung galit nya dahil sa pangiiwan nito sa kanya.
Si Ariella ba ang karma nya sa lahat ng babaeng ginalaw nya. 3 taon syang nangulila dito. Nagsisisi rin sya kung bakit hindi nya nagawang umamin sa nararamdaman nya kay Ariella. Kung nagtapat ba sya ay hindi sya nito iiwan. Kung sana binigyan nya ng chance ang sarili nya na maging totoo sa nararamdaman nya di sana hindi nasayang ang 3 taong nawala sa kanila. Nang nawala si Ariella dun nya na realize Ang lahat ng kagaguhan nya, lahat ng kamalian nya sa buhay.

does she finish her studies? what happened to her with in that 3 years? Ang dami nyang tanong na gusto nyang malaman tungkol kay Ariella.

Sana naging ok ang buhay nya. Nung panahong wala sya. Gusto nyang kunin ulit si Ariella pag aralin or bigyan ng magandang trabaho. Hindi awa ang nararamdaman nya kundi pagmamahal. Gusto nyang ibigay ang lahat lahat para kay Ariella.
The life she deserve.
A life fit for a Queen.

Her Queen.....

my secret lover is Juaquim MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon